𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥_01

17 2 0
                                    

𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐌𝐄𝐓

𝑃𝑎𝑠𝑡
***~~***

Napabangon ako sa malakas na katok sa pinto ng kwarto ko, pasuray suray pa akong lumapit sa pinto at pinihit ang door knob. Napahawak pa ako sa dibdib nang bumungad sa harap ko si Aleyah.

" As expected! My god Amelia. It's almost 8:00am, malapit na tayong ma late but still, hindi ka pa naka prepare! Wala akong plan na ma late sa first day Amelia I'm telling you!."

Napakurap-kurap ako, I'm so excited sa first day ng 4th year college namin, bakit?.

Kasi graduating na hehe! Hindi ko na makikita yong professor na dragon na mapula ang labi na mukang bakunawa, hala charot!

Sandali pa akong nakatitig sa kakambal kong pinaglihi sa sama ng loob na laging nakasubangot, nang bigyan niya ako ng 'what? Hindi ka pa kikilos?' look. Patakbo nalang akong pumasok sa banyo at naligo.

Minsan talaga napapaisip ako kong kakambal ko ba yon o clown ko lang. Kong ano kasi'ng ikinasira-ulo ko ay siya'ring kina-seryoso ng kakambal ko. Minsan nga ay mas malala pa siyang magtalak ke'sa kay Mommy. Parang lagi niyang pasan ang mundo, ganurn.

Napangusu ako.

Ilang minuto lang ang binilang ko matapos maligo, mga 129 minutes ganon,charot. Nag bihis na ako at nag-ayos na. I put light-clean make up on my face and nagpabango na rin.

While doing my kaartihan, iniisip ko na kong sino yong magiging friendship ko this S. Y., wala na kasi mga kaibigan ko sa school namin, yong isa graduate na yong tatlo nagsilayas na.

Nang makababa ay sumalubong agad si, Aleyah sa akin at pinagmamadali ako. Napaka talaga nito! 7:30 pa nga lang, makapagmadali wagas, e 9:15 pa naman start ng klase ko at 9:30 'yong sa kanya.

"Stop pouting!" sita niya, Mas lalo tuloy akong ngumuso.

Pagkatapos kumain ay kanya-kanya na kaming gayak. Agad akong sumakay sa motor ko at isinuot ang helmet, si Aleyah naman ay sumakay na rin sa pink niyang ferrari. Magpapaandar na sana ako nang pumigil si daddy.

"Wait up ladies, kami ng mommy ninyo ang magahahatid sa inyo!" galak na anunsyo ni Dad, sumunod naman si Mommy at inayos ang necktie niya.

Ngumusu ako, habang Mala anghel namang bumaba ang aking kakambal sa kanyang kotse, princess yarn?. Sa aming dalawa siya talaga ay mabait, pero hindi pag-dating sa akin.

Kong ano kasing sabihin nila mom ang dad ay walang angal si, Aleyah, sumusunod agad nang walang reklamo, hindi kagaya kong matigas ang ulo.

Aangal pa sana ako nang lingunin ako ng kakambal kong walang expression ang muka. Nangangamoy may makukulam mamaya ah!.

Hinatid na kami nila dad and mom, dahil may alis din naman sila, so yong driver namin ang susundo sa amin mamaya. They are heading to Cebu, and one week sila doon,for business proposals. After naman n'yan si Mommy ay pupuntang France for hearing ang Daddy are going to US for investment.

Makakagala na naman ako hehe!.

After magpaalam, binilinan ako ni dad na h'wag magpasaway sa ate, nag oo narin ako dahil balak ko ring magpabango ng image para payagang sumama kila, Zahra tomorrow.

Hinatak na ako ni Aleyah papasok sa campus. Hinatid niya muna ako sa Archi building. Lahat sila ay napa-tingin sa amin ng makapasok kami, 'naks gandang entry na spohtan ang aming beauty! '. Anyway I saw unfamiliar faces, mukang mas marami ang transferre ngayong taon.

"Good morning, Architect Gertrude!" bati ng familiar na boses.

Lumingon ako sa likod, si Lance lang pala, ngumiti ako at nag hanap ng upuan,........ Wait.......... SI LANCE!!!!........ Lumingon agad ako sa kanya, ngumingiwi. Anong -.

Ataraxia Series_01:The Unwanted Affinity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon