𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥_02

14 2 0
                                    

𝐎𝐔𝐑 𝐏𝐀𝐒𝐓



Napangiti ako sa naalala, that was our first met. Walang pinagbago yong dati at ngayon,he's still that cold hearted man. Natatawa nalang ako ng mapait kapag naaalala ko ang mga kagagahan ko noon.

Noong araw na lagi ko siyang kinukulit, noong mga panahon na mas lalong sumasama ang timpla ng muka niya kapag malayo palang ay ako na agad ang nakikita, noong araw na lagi niya akong iniiwasan at tinataguan, noong mga araw na lagi ko siyang hinihintay at niyayayang mag Joy ride sa kong san-saan.

Nong araw na umamin ako sayo but you didn't say a word, and the day i saw you with my twin sister. Mapait akong napangiti.

" I'm home!"

That deep husky voice.

"daddy!"

Patakbong sumalubong ang bata sa kanyang ama, nasa kusina ako at nag hahanda ng hapunan namin. May mga katulong naman kami sa bahay pero ako ang nag-aasikaso sa kanila kapag wala akong projects ang client.

"How is school sweetie? Malambing niyang tanong sa anak.

Ako kaya, Roux. Kailan mo kaya tatanungin sa malambing na tono?. Kailan mo kaya sasalububgin ng yakap kapag galing ka sa trabaho?. Kailan mo rin kaya tatanungin kong kamusta ang araw ko, kong kamusta ang work ko. Kong ayos ba ako?!.

Kailan kaya babalik ang ngiti mo na nawala noong nawala rin siya?. Kaya ko pa bang pangitiin ka ulit?. Kaya mo kaya akong mahalin pabalik?!.

Yong mga katanungan na isinasarili ko lang, natatakot akong aminin sa sarili dahil alam ko namang walang sasagot sa mga katanungan!.

Nilakasan ko ang loob, isinantabi muna ang mga hinanakit at lumabas sa kusina, naabutan kong nagkukulitan ang mag-ama.

Matamis akong ngumiti "The dinner is ready!" buong lakas kong sambit, ikinubli ang pait sa tinig.

Tumakbo papalapit sa akin si, Ashyr. Binuhat ko naman ito sabay halik sa pisngi niyang mataba. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Roux sa amin.

Walang imikan sa hapagkainan, gaya nang nakasanayan.

Matapos kumain ay nilinisan ko muna ng katawan si Ashyr bago patulugin. Nagkanda uga-uga pa akong kwentuhan siya bago makatulog.

"The end, and they live happily ever after!" pagtatapos ko sa kwento. Ang payapa ng muka ng anak kong mahimbing na natutulog.

I kissed her forehead and turn off the lamp na nasa side ng bed niya. Wala pa si Roux nang makabalik ako, I know na mamaya na naman iyon tatabi sa akin kapag pakiramdam niyang mahimbing na ang tulog ko. I sighs. Alam kong nasa opisina na naman niya iyon,may sariling office si Roux dito sa bahay,pero ni isang beses ay hindi ko pa napapasok iyon.

May pumipigil sa aking puntahan ang k'wartong iyon. Naglinis nalang ako ng katawan bago nahiga sa kama.

...

Naalimpungatan ako, bumangon ako't napansin agad ang oras, 1:00AM. Napabuga ako ng hininga, lumabas ako ng kwarto upang tumungo sa kusina, nauuhaw ako. Nang aakyat na sana ay napansin ko ang ingay ng bukas na TV. Sa Couch ay nakita ko ang asawa na mahimbing na natutulog habang naka-krus ang dalawang braso sa dibdib.

Kumuha ako ng kumot sa itaas at kinumutan siya. Napangiti ako habang tinititigan ang muka niya, napakaamo nito.

I wonder what he feels right now!.

Sana ay 'gaya ng nasa librong pantasya ay may happy ending din tayo!.

Natawa ako sa naisip.

Mga kathang-isp lamang iyon Felicity!.

Ataraxia Series_01:The Unwanted Affinity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon