Ep. 1 First Eye Contact

15 3 0
                                    

Disclaimer: Some parts of the story are about what the author experience from her life/rl, and some parts are just an imaginations by the author.

Sorry if some of my grammar is not correct. It's my first story, so there will be some error or wrong grammar but will fix it later. Hope you like it ^^
______________________________________________

Alarm Rings*

I look at my phone. 4:30 palang, inaantok pako. Last 5 mins after nun kikilos nako. Hindi kona namalayaan na nakatulog nanaman ako.

Bigla akong naalingpungatan. Napatayo ako kaagad sa higaan at napatingin sa oras. "Shit! 5:30 na, fuck!" nagmadali nakong maligo hindi nako kumain at nakapag ayos.

"Nak, kain ka muna. Baka mahilo ka dun wala kang kain tas papasok kana" sabi sakin ni mommy na may pag aaalala sa mukha.

"Mommy sorry po, di napo talaga ako makakain, I need to go napo baka malate napo ako tsaka may practice papo kami para sa graduation." nagpaalam nako at umalis na ng bahay.

"Ingat ka! Eto talagang batang to, kahit isa o dalawang subo lang para magkalaman ang tiyan."

"Shit! Late nako, bwesit!" Tumatakbo nako papuntang iskwelahan nang biglang tumawag sakin si Ven.

Mamaya kana, nagmamadali na nga ako kasi late ako tatawag kapa.

After 3 mins nakarating na ko sa school.
"Ugh! Nakakapagod yun ah" nagmadali nakong naglakad papuntang room. I was so happy kasi pag karating ko sa room wala pa si ma'am.

"Ling! Halika na dito, on the way nadaw si ma'am, malalate lang ng 5 mins." sigaw ni Ven sakin. Dali dali naman akong pumunta sa upuan ko at umupo.

"Finally... Wala nakong oxygen kakatakbo." habang hinihingal ng sobra. Habang nagpapahinga binigyan ako ng tubig ni Ven.

"Here, drink some water muna." sobrang swerte ko talaga sa kaibigan nato. "Thank you! Kaya love na love kita e" nginitian ko si Ven at ininom ang tubig na binigay niya.

"So.. Ano bang nangyari? Bakit nalate ka ngayon?"

"Ganto kasi yun. Nag alarm ako 4:30 tapos pinatay ko tas nag extend ako ng 5 mins hehe."

"So bat ka nalate?"

"5:30 nako nagising" tumawa nalang ako kahit na kabado ako nung malalate nako.

"Grabe yang 5 mins mo, isang oras ang katumbas." habang nagsasalita si Ven sakto at dumating na si ma'am, tinapik ko si Ven ng makita kong papasok na si ma'am sa room.

"Shh, andiyan na si ma'am." umayos nako ng upo at nag focus kay ma'am.

"Good morning students! Sorry I'm late, na-traffic kasi ako. By the way no discussions muna tayo ngayon. Naka sched tayo na mag ppractice ngayon for graduation. Practice now, discussions tomorrow." pinaready na kami ni ma'am after 10 mins pumunta na kami sa court kung saan kami mag ppractice.

"Tandaan niyo mga pwesto niyo ha. Ayan na ang magiging pwesto niyo sa graduation niyo." paalala samin ni ma'am.

Nasa pinaka una ako at nasa likod ko si Ven. Nakatayo kami at nakaharap sa mga maglalakad sa gitna.

"Pst! Ling" lumingon ako sa likod ko.

"May dare ako sayo" Sabay tawa. Ako naman tong kinakabahan sa dare niya. Kahit saan nalang may naiisip na katrantaduhan tong babaeng to.

"Ano yun?" tanong ko sakanya habang kinakabahan.

"Tignan mo yung lalaking nasa harapan mo" ani niya na parang may gustong mangyari.

Falling Into Your Eyes (CHAPTER 1)Where stories live. Discover now