Naka uwi na ako at agad agad kong pinapunta sa bahay si Ven. Ilang minuto lang ang nakarating na siya.
Nasa loob kami ng kwarto ko, nilock ko ang pinto at nagsimula ng magkwento.
"Soo.. Eto na nga, dumamoves nako anteh ko! Hinanap ko sya kanina sa library, tas beh!! Ang pogi niya habang nagbabasa dun sa dulong upuan!" kilig na kilig ako habang nagkkwento klaro pa sa isip ko ang mga nangyari, kaya di ko maikwento ng deretso at putol putol dahil sa sobrang kilig ko din.
"Jusko, nauna pa ang kilig keysa sa kwento mo teh." sambit ni Ven sakin na curious na curious sa kwento ko kasi nga naman pa putol putol.
Ikinalma ko ang sarili ko at ikinuwento ko kay Ven ang lahat. "OH MYYYYY-" bago pa makasigaw ng mas malakas si Ven, tinakpan ko na ang kaniyang bibig. "Gaga ka, marinig ka ni mommy" napangisi nalang si Ven, ngumiti nalang din ako.
"Pero grabe no? May kabaitan naman pala talaga yang lalaking yan. Akala ko kasi masungit e" sabay tawa. Kahit ako yun din akala ko, nung una kasi oo maganda ang mata niya nakakaakit nga, pero kung titignan mo ang expression niya sa mukha, mukang masungit.
Sabi nga nila "Don't judge the book by it's cover." Ang akala ay isang akala lang, mabait siya nahahalata ko sa kaniya yon. Haynaku! Grabe kana talaga Marc, kakaiba ang dating mo sa isang LILLIANA AVERY LAS HERAS.
"Hoy!" Tapik sa'kin ni Ven "Ano na te? Delulu nanaman?" Sinamaan ako ng tingin ni Ven. "Grabe ka naman, once in a blue moon lang naman maging ganto"
Habang kinakausap ko si Ven, bigla namang nag vibrate ang selpon ko. Panigurado group chat nanaman, haynaku may gawain nanaman siguro. Akala ko pa naman pag practice na sa graduation wala ng gagawin.
Pag open ko ng phone ko, napanganga ako sa nakita ko. "Ngayon naman para kang nakakita ng multo" sambit ni Ven kinuha niya ang phone ko para tignan.
*Marcos send you a message.
Hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko at napa gulong ako sa higaan ko sa kilig. Totoo ba? Nag first move siya????weehhh?? Nung nakaraan ako ah, parang sira naman ateko!
"Ayan nababaliw ka nanaman" napakunot siya ng noo. Eto naman minsan lang e, di paba susulitin? Sino ba namang di kikiligin kapag nag first move sayo si crush diba?
Wala kasing nagugustuhan si Ven e, oo kinikilig siya minsan pero may mga oras na pag-aalala ang nararamdaman niya. May nakaraan kasi siya na kailanman di niya makakalimutan, siguro akala niya matutulad ako sakaniya pero kung sakali man sana wala akong pagsisihan.
"Ikaw ha, alam kong crush lang yan ngayon pero sa susunod lalalim yan." Nakatingin siya sa kisame, alam ko ang ibig niyang sabihin, totoo naman alam kong mangyayari yon.
Magugustuhan ko si Marc, at mas magugustuhan kopa siya. "Eto naman sobra ang pagiging concerned sa'kin." Niyakap ko siya. Tumingin lang siya sa'kin. Kailan ko paba bang ikwento ang nakaraan niya? Haha, masyadong malungkot kasi ang nangyari sakaniya, wag nalang natin pag usapan.
Nilambing ko muna si Ven para di niya maaalala at malibang siya. Maya maya ay nagpaalam na siya para umuwi, hinatid ko lang siya sa labas ng bahay. Pagbalik ko sa kwarto, tinignan ko naman ang message ni Marc.
Ano kaya ito, panigurado tungkol sa school lang to, tigil muna pag a-assume self ha.
*Marcos Kane
M: Meet me at the library tomorrow.
Hala te?! Totoo ba ito? Meet me at the library daw te. Ayan nanaman tayo e nagiging delulu ka nanaman self ha. Be, kalma, kalma lang nagiging oa kana.
*Marcos Kane
L: For what?
Namimiss ako nito, eto magc-chat para lang makipag meet ng ganon ganon lang? Tskk, kaka meet pa nga lang namin e, namimiss ako agad.
YOU ARE READING
Falling Into Your Eyes (CHAPTER 1)
RomanceThere was a girl who fell inlove with the boy he just met in their graduation practice. Because of their eye contact the girl fell, the boy didn't know anything about her feelings. Until one day, the girl decided to confess her feelings to him. 🌷...