Chapter 1

2 0 0
                                    

Earthen Road

"Helia may nakapag sabi sa akin na naghahanap daw ng pag-aaralin iyong pamilya na kaklase ni Kora. Sinabi ko na kung pupwede ay ikaw na lang dahil ang napili mong kurso ay pareho naman ni Kora at iyong anak ng taong magpapaaral sayo." iyon ang bumungad sa akin araw ng lunes.

Una kong naisip ay maganda iyon dahil ang napili kong kurso ay may kamahalan at wala dito sa probinsya namin ang kursong iyon. Pero sa isang taong katulad ko na kahit pagpunta sa bayan ay nagpapasama pa, hindi ko na alam kung maganda ba iyon.

Wala pa man ay marami ng pumapasok sa isip kong mga posibleng mangyari na baka hindi ko magustuhan. Natatawa ako dahil hindi naman ako kabaitan ngunit takot ako sa mga tao. Hindi ko kayang mag-isa at ang isipin makikitira ako sa iba ay pinapangunahan na ako ng takot. Ang isipin na wala ang pamilya kong tutulong sa akin at malalayo ako sa kanila ay nakakapanghina na ng loob.

Pero hanggang saan ang aabutin ko kung palagi akong pangungunahan ng takot? Matutupad ko ba ang pangarap ko kung magpapatalo ako? Ang hirap naman.

"Kailan daw po ba ang alis?" tanong ko kay Mama na matatag man ang kanyang pananalita nakikitaan ko naman ng takot ang kanyang mga mata.

"Sa makalawa. Sasama ka kay Kora papuntang Maynila. Gustuhin ko man na samahan ka ay masyadong mahal ang pamasahe. Pinagbilin kita kay Kora na samahan ka sa magpapa-aral sa'yo. At sinabi naman niya sa akin na mababait daw ang pamilyang iyon."

Naupo ako sa upuan namin na gawa sa kahoy. Pangalawa ako sa aming magkakapatid. Ang bahay namin ay gawa sa kahoy at dahil sa maraming gamit ay nag mukhang maliit at masikip. Kaya hindi man nila saakin ramdam na may pakialam ako ay gusto kong makatulong sa kanila. Kahit mapagawa man lang ang aming bahay pag nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Masuklian ko man lang ang ginawa nilang paghihirap para sa amin ay okay na ako.

"Gusto mo bang sumama?" maingat na tanong nya. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya.

"Kayo, gusto nyo ba 'kong sumama?" tanong ko pabalik.

"Huwag mong ibalik ang tanong saakin, Helia. Tinatanong kita kung kaya mo. Kung ayaw mo mapag-iipunan natin 'yan. Pero nakakapanghinayang dahil kung sakanila ka mag-aaral ay direderetso ang pag kokolehiyo mo." bumuntong hininga rin sya at tumingin sa akin.

"Syempre kahit pag-aaralin ka nila kailangan mo paring tumulong sa kanila sa gawaing bahay." dagdag pa niya

"Kaya ko naman iyon. Ang saakin lang—sige sasama po ako." matapang akong humarap sa kanya.

"Sigurado ka?"

"Ma..." ungot ko.

"Ang akin lang baka umuwi ka ng wala sa oras." she was worried.

"Grabe Ma, pinapalakas mo ang loob ko." sarkastiko kong saad.

Kung sakali mang ito na ang katuparan sa pangarap ko ay malugod kong tatanggapin. Sino ba naman ako para tumanggi diba? Blessing na tatanggihan ko pa ba?

"Pero kung sakali mang masama ang ugali ng pamilyang iyon, sinasabi ko sayo. Uuwi ka." may pagbabanta ang tinig niya na pinapakita ng mukha niya. Kahit seryoso siya ay hindi ko kayang seryosohin dahil natatawa talaga ako.

"Chill. Kayo nga ang nagpapapunta sa akin doon eh." tumawa ako habang sya naman ay magkasalubong ang kilay.

"Hindi ako natutuwa Helia. Mangako ka. Sabihin mo, mangako ka." lumalaki ang butas ng kanyang ilong. Natatawa ko sa itsura niya. Maganda naman si Mama huwag lang kapag nababanas dahil hindi siya iyong tipong maganda kapag nagagalit. Kasi pangit. Buti nalang hindi nya nababasa ang isip ko.

Made For UsWhere stories live. Discover now