Chapter 3

1 0 0
                                    

Rocky Road

Para akong naupos na kandila sa sinabi niya. Halos hindi ako makatingin sa pagkapahiya.

"I-I'm sorry, Sir." mabilis akong tumalikod sa kanya.

Mabilis akong nilapitan ni Alice na nakakita rin ng pangyayari. Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid. Gusto ko syang batukan kaso bukas na lang. Hindi ko pa na da-digest iyong nangyari.

Mabilis na napuno ang Every Chapter kaya halos makalimutan ko na rin siya dahil sa pagka-abala. Lumingon ako sa kinauupuan niya at wala na siya doon. Hindi na namin napag-usapan ang nangyari pero kapag tinitingnan ko si Alice ay laging nanghihingi ng tawad ang mga ngiti niya.

"Mas gusto ko dito kesa sumama sa kanila. Alam naman iyon ni Yara." si Alice nang makahanap kami ng tyempong hindi na masyadong abala sa trabaho ay sandali muna kaming nagkwentuhan.

"Matagal na ba kayong magkakaibigan?" I lazily place my elbow to the counter and put my chin in the palm of my hand.

"You can say that. We've been best friend since highschool with Kate and Raine. Si Kora naman ay ngayon college palang. But Yara and Lane are childhood best friend-" umalis siya sa harap ko at may ginawa sa counter. She handed her phone to me. Inabot ko ito and a happy picture of them with ate Kora is what I saw. They're at the top of a mountain with a sea of clouds. At kahit na walang emosyon si Lane sa picture ay makikita mo na natutuwa siya. May gano'n ba?

Nagkwento pa ng nagkwento si Alice tungkol sa kanyang mga kaibigan. Envy is a sin but I can't help it. Their group looks perfect. Mga M ang nand'yan sa kanila. Matalino, mayaman, maganda, mabait at magalang.

"And this Every Chapter is what we're dreaming. Naganap lang ito ng nag-invest si Tita Eliana. And in that mountain, we promise na magtatayo kami ng kahit maliit lang na Cafe. And this is it."

Hindi ito maliit. Gusto ko sanang sabihin kaso huwag na.

I processed what she said. Indeed, life have been beautiful for others. I'm not complaining with my life right now. I've got the best family in the world. What I'm saying is, they don't lack in financial that they afford what they've wanted.

At kung may pera lang kami hindi ko na kailangan pang pumunta rito o kaya naman makipagsapalaran, at mawalay sa pamilya makapag-aral lang. Higit sa lahat, hindi na rin kami maghihirap ng pamilya ko. Mayroon kaming magandang bahay, araw-araw may pagkain, lahat ng kailangan ko mabibili ko.

But at the end of the day, I still go back to: wala man ako noon hindi kami nagkakasakit, sapat ang kinakain namin araw-araw, buo ang pamilya ko at may inu-uwian, wala kaming utang, we are highly favored and we are happy. Contentment.

Dumami ang mga bumili at naging busy ang araw namin ni Alice.

Nagdaan ang mga oras at sabay kaming napangiti sa isa't-isa sa natapos na gawain. Sa wakas maganda ang kinahinatnan ng araw ko. It's already eight at ito ang uwian namin.

"Sigurado ka ba na okay ka lang na mag-isa rito?"

"Oo naman, sige na baka malate ka pa sa date mo."

Naikwento niya sa akin na niyaya siya ng boyfriend niya for one week, na makipag date at dahil palagi siyang on the go ay pumayag agad siya.

"Sayang kasi eh. Libre niya daw." nagtawanan kami at pagkaraan ay umalis na ito.

Nagsimula na akong magligpit nung mga natirang hindi nasalansan. I put the clean tupperware inside the cabinet when I heard the door open.

"Closed na po kam-" humarap ako sa pumasok at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko ang lalaki kanina. He's wearing a black shirt, black jeans and white shoes. Just perfect for his body. Litaw na litaw ang kaputian niya. Iba ako kapag nakakakita ng gwapo nawawala sa sarili.

Made For UsWhere stories live. Discover now