"Goodmorning titaaa case" tumakbo ako at bumeso kay tita na nasa garden at pinapaliguan si winter yung pusa ni calub
"Goodmorning selahstine. Ang aga mo? May lakad ba kayo ni Canan? hindi pa siya gising" Ani tita
"Meron po tita. Nakalimutan po yata niya kaya di pa siya gising. Ok lang po ba kung umakyat na po ako sa kwarto niya?" Tanong ko. Alam ko namang hindi pa gising yung mokong na yun. Sinabihan ko na siya kagabe na aalis kame ngayon at kailangan nyang gumising ng maaga.
"Ofcourse ija. Akyat kana! Para ka namang bago dito sa bahay" Ani tita. Ngumiti lang ako at tumakbo nako paakyat sa second floor. Sa sobrang haba ng hagdan nila Canan napahinto pako sa panghuling hakbang bago umakyat at huminga muna bago maglakad.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng biglang lumabas galing kwarto si Calub. Kapatid ni Canan. Napahinto naman siya sa paglalakad ng makita ako. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siyang walang suot na pangitaas at twalya lang ang nagsisilbing pantakip niya sa ibabang parte ng katawan.
"Ay sorry" Akmang tatalikod nako ay sya namang paglapit niya sakin para tulungan ako sa pagbukas ng pinto. Sa sobrang lapit namen ay amoy na amoy ko ang fresh from the bath nyang amoy at rinig na rinig ko rin yung malakas na tibok ng puso ko habang sinusubukan niyang buksan ang pintuan ng kwarto ni Canan
"Sira yung doorknob ng kupal. Ayan na pumasok ka na" Aniya ng bumukas ang pinto. Binigyan ko lang siya ng isang ngiti at dere deretyo nakong pumasok sa kwarto ni K. Kung hindi pa ko pumasok baka ano pa masabi at magawa ko kay Calub na walang damit sa harapan ko na sobrang lapit
Pagpasok ko ay sinara ko ang pintuan ni Canan at hinawakan ang dibdib kong ayaw kumalma. Sa sobrang bilis ng tibok pati hininga ko naghahabulan na rin.
Pagkatapos kumalma ay naglakad nako papalapit sa kama ni Canan. Bumungad saken si Canan na walang damit na natutulog
"Hoy hayop ka!! Kanina pako tawag ng tawag sayo!" Sabay hampas sakanya ng unan at hila sa kumot niyang balot na balot sa katawan niya
"Hoooy K! Taraaaa na!!" Sigaww ko at dinaganan pa siya. Alam kong naririnig ako ng siraulo na to ayaw lang tumayo
"K! Isa!" pagbabanta ko
"Dalawa" Sagot naman niya sa malalim na boses. Ang gwapo din ng boses kapag bagong gising. Magkaboses sila ni Calub kapag bagong gising
"Tumayo kana jan! May lakad tayo diba? UmoO ka kagabi! Wala ng bawian!" Sigaw koo
"Anong umOo sabi mo 'Canan Jendrix Ruiz sasama ka o sasama ka?' may choice ba ko? wala sa choices yung hindi!" Sagot niya
"Aba wala kang karapatang tumanggi saken. Unang una sinundo kita nung malakas yung ulan sa gig mo! Sabi mo babawi ka saken! Kaya wala kang karapatang tumanggi saken no!" tandang tanda ko pa yun. Tumawag si kupal. Ginawa ba naman akong driver. Ewan ko dito bakit kase ayaw gumamit ng kotse e meron naman siyang kotse. Ang kulit kulit. Tapos kapag umulan maglalambing si tanga at magpapasundo
"Ayan true colors mo yan selahstine! Si sumbat ka!! Pero kung si Calub lang yun kahit hanggang Clark Pampanga pa yayain mo ko at ipagmamaneho para lang mapanood siya sa karera niya hayop ka!"
Bigla naman uminit ang pisngi ko at ramdam kong pulang pula ako ngayon. Si Calub ay mahilig magkarera ng sasakyan at motor. Kahit ayaw neto manood ng mga ganung karera sinasama ko parin siya at giniguilt trip na dapat sinusuportahan niya yung kuya niya.
"Speaking of your kuya! Tangina budd kanina tinulungan nyakong buksan yung doorknob mong sira kamukha mo! Sobrang dikit na dikit siya saken halos amoy ko na pati kaluluwa niya puta. Pasalamat kuya mo nakapagtimpi ako at hindi ko hinawakan yung abs niya hays"
YOU ARE READING
Rock and Star
General FictionA childhood companionship, two best friends navigate the delicate balance between love and fear. Both harboring feelings for each other, they build walls to shield themselves from potential heartbreak. Determined to find solace, they each seek conne...