"Bakit ang tahimik mo? Galit ka ba?" Halos ilang minuto na kameng nakatambay dito sa balcony ng second floor. Nakadungaw lang ako habang tinitignan ang buong barkada na nagkakatuwaan at nagkakantahan sa baba.
Hindi ko kasi alam ano isasagot ko or ano kailangan kong imikin matapos niya 'kong pakilala sa buong barkada na girlfriend niya ko. Imean hindi naman sa ayaw ko pero hindi pa naman namin napagusapan. Pagsabi nyang yun agad dumako ang tingin ko kay Canan na kahit hindi nagiba ang ekspresyon ng mukha ay halatang pati siya nagulat. Malamang sa malamang iniisip niyang kasama ko siya kahapon at kanina buong maghapon pero hindi man lang ako nagsabi sakanya. Kase naman hindi pa naman talaga
"Selah im really sorry ok? Dun na din naman papunta to diba? Imean I like you, the feeling is mutual naman diba?" Dagdag niya habang ako hindi padin siya tinitignan
"Sorry Archen nagulat lang talaga ako, imean hindi pa naman natin napagusapan tapos ayun bungad mo sa barkada" sagot ko. This time tumingin na ko sakanya. Umupo ako sa kaharap ng upuan niya at kinuha ko ang tasa na nasa lamesa na nagpapagitna samin
"Im sorry, kung red flag man yun for you. Im really really sorry Selah. Just like what I said, I'm serious about you, about us"
"Hindi naman ganun yun Archen. Imean alam mo yun? Kala ko ba napagkasunduan natin na we will get to know each other muna bago tayo mag jump into real realtionship? Alam mo naman na 'di pako nagkaka boyfriend diba? 'Di mo naman ako masisisi diba? Nagiingat lang ako" pagpapaliwanag ko para maintindihan niya. Oo gusto ko siya, mukhang mabait naman si Archen, may respeto, may paninindigan, base sa mga pinapakita niya saken alam ko namang genuine yung intention niya
"Alam mo? I get it. I get that you might be worried because Deborah knows about my past. They're probably judging me na nga atm, thinking that I might hurt you, but please Selah don't think that way. Hindi naman siguro diba? My intentions for you are pure. I really like you and I want to get to know you din naman better. But we can do that naman while we're together diba?" Pagdepensa niya. May part sakin na naintindihan siya. Naramdaman ko yung sincerity niya. Oo nga naman pwede ko namang siyang kilalanin pa ng mas mabuti kahit kami na. After all relasyon naman pinapatagal diba?
Ngumiti ako at tinignan siya "okay" tipid kong sagot
"Really? So ok na tayo? Imean pumapayag ka na na boyfriend mo'ko at girlfriend kita?" Bakas sa mukha nya ang pagkatuwa. Napatayo pa siya sa kinauupuan niya at laking gulat ko ng yakapin niya ako. Nakaupo ako habang siya nakayuko siya habang yakap yakap niya ko. Hinaplos haplos niya pa buhok ko sa sobrang tuwa.
"Oo na oo na. Basta kapag ako sinaktan mo yari ka talaga sa mga tropa ko. Ayun ang dami nila!" Pagbibiro ko sakanya. Pero kahit biro yun gusto ko parin siyang balaan. Alam ko naman na 'di niya ako sasaktan pero andon parin yung takot. Sa dami kong failed katalking stage na sa una lang magaling. I tore down my walls, I broke my "no relationship until graduation" rule for him, kaya kapag sinaktan niya ako edi ouch.
"Never" aniya. Binigyan ko siya ng malawak na ngiti para mapakita na ok nako dun sa assurance nya. Kumawala siya sa pagkakayakap at biglang nagtanong "Anyways, sino yung Canan dun sa mga tropa mo sa baba? Pakilala mo muna ko sakanila. Nagmamadali ka kase solohin ako makahila ka saken parang miss mo naman ako agad" pilyo nyang asar
Agad ko naman siyang sinuntok ng bahagya sa braso "Baliw! Miss ka jan. Ikaw nga madali madaling puntahan ako dito e nasa training ka palang kanina" Nagjump lang kame into relationship pero parang naramdaman ko na medyo umiikli nalang yung distansya na meron kame. At some point parang bigla akong naging komportable sakanya, kausap siya. Wala na yung hiya at yung nararamdaman kong awkwardness. Dahil siguro tapos na kame sa tagu taguan stage halos lagi naman kame magkausap sa videocall at nagkita na din kame ng personal.
YOU ARE READING
Rock and Star
General FictionA childhood companionship, two best friends navigate the delicate balance between love and fear. Both harboring feelings for each other, they build walls to shield themselves from potential heartbreak. Determined to find solace, they each seek conne...