Nasa iisang van nalang kameng lahat ngayon. Nagddrive si Julian nasa passenger seat si Josiah katabi sa bintanang parte si Oliver. Nasa harapan naman si Misha katabi si Deborah at Barbara. Nasa likod naman kame nina Hailey at napapagitnaan si Canan
Sobrang tahimik ng buong byahe at walang gustong pumulot ng katahimikan. Siguro dahil masyado pang maaga ang oras na to para sa mga boys. Mas sanay silang gising na gising sa gabi, mas hyper kapag gabi.
Sa sobrang tahimik at pati gumalaw ay wala na din nagtatangka naramdaman ko ang lamig ng aircon ng Van. Ganito pala pakiramdam ng maging Hotdog sa loob ng freezer. Naramdaman siguro ni K na nilalamig ako kaya tinanggal niya ang jacket niya at binigay eto saken. Sumandal ako sakanya at hudyat naman iyon ng pagtitig ng nasa tabi naming si Hailey
"Sobrang cute nyo together, bagay kayo!" Aniyaa at ngumiti pa. Nawawalan siya ng mata kapag ngumingiti. Sobrang ganda niya talaga. Yung ganda na kahit titigan mo maghapon hindi ka magsasawa
"Nakooo! Hindi no! Di namen trip ang isa't isa" sagot ko at lumipat ng pagkakasandal sa bintana. Hindi naman tinanggal ni K ang kamay niya sa likuran ko
"Ikaw ba Canan? Hindi mo ba gusto si Selah?" seryosong tanong nito. Pumikit ako na kunwariy hindi interesado sa magiging sagot ni K. Ano ba naman to si Hailey masyadong seryoso! Hindi nga namen trip ang isa't isa!! Bakit ba kasi tanong ng tanong
"Nope! I don't"
Nabasag ang pagtatanong pa sana ni Hailey ng biglang tumugtog ng Hoodie ni Dionela
You're the thunder on my rainy days, shawty
You lit the skies, left me all amazed, tell me
How to travel from the heavens
'Cause you came here without fallin'
You never fail to make me feel like Willie's callin'
You're the medicine to calm my waves
My lady, let me tell you thatTumahimik kameng lahat at tanging hum lang ni Josiah ang naririnig namen. Ng magchorus na biglang nagkaenergy ang lahat at sabay sabay na kumanta
Baby you're my serenity
My favorite melody
The remedy I need
Girl I wanna be your one and only
Malabong mapundi
Luwalhati mong bitbit
Sa'yong mata mata'y lingid
Ikaw ang kahulugan ng simpleMasayang nagkakantahan lang ang mga kaibigan namen nang hindi ko mamalayan na nakatulog na pala ako.
"Ano problema nun ni Oliver pre? Tangina napaka unreasonable! Sana hindi nalang sumama dito kesa ganyan yung pinapakita niya!" Reklamo ni Julian sa tabi tabi
Minulat ko ang mga mata ko ng bigla ko at nakitang payapang natutulog si Canan sa gilid ko. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Kaya pala parang nangawit ako hayop nato ginawa ba naman akong unan. Akmang tatayo nako ng makitang nakasandal pala si Hailey kay K. Pinagmasdan ko sila at napagtantong bagay sila. Napangiti ako ng bahagya
"Bes pakigi..." Napahinto si deborah ng makita ang posisyon namen tatlo.
"Shhhh" Pagaawat ko sa bunganga niyang napakaingay
"Pictureeee" pagmmouth ko at mukha namang nagets ni deborah kaya kinuhanan niya ng picture ang dalawa.
"Ehemmmm!" Pagiinterupt ni Josiah at agad namang napatayo si K ng marinig iyon
"Andito na pala tayo! Hindi nyo man lang ako ginising" Reklamo niya ng tumayo. Biglaan siyang tumayo kaya medyo nagulat si hailey na nakasandal sakanya
"Ouuuuch!" Ani hailey sabay hawak sa kabilang leeg
"Sorry" Ani Canan. At humakbang na palabas ng Van. Eto talagang lalaki na to sobrang matapobre! Sabi niya kapag nakahanap nako ng babaeng swak sa standard niya pwede na! Nakakainis! Naiisip ko pa namang bagay sila.
YOU ARE READING
Rock and Star
General FictionA childhood companionship, two best friends navigate the delicate balance between love and fear. Both harboring feelings for each other, they build walls to shield themselves from potential heartbreak. Determined to find solace, they each seek conne...