2

4 0 0
                                    

"Ano? Gago yung kadate mo kaya ka nakamukmok jan no?! I knew it! Sinabi mo palang na si Archen na varsity ng UE gets ko na agad na magiging palpak na naman yang date mo!" Panenermon saken ni K. Naglalakad kame ngayon at hinahanap ang 19 degree na milktea shop. Favorite kase namen yun parehas ni K

"Hinihintay lang kitang magsalita at husgaan na naman siya!" Sambit ko "You're wrong! Mabait at totoong tao si Archen budd! Hindi siya babaero! Halata pang may pangarap sa buhay. Alam mo ba budd gusto nyang maging abogado. Isipin mo? Legal management pala yun. Chaka infairness sa dame kong nakadate puro mga kursong panlaro lang ang kinukuha at sinasabing gusto lang makatapos para maging proud ang magulang. Budd siya! Gusto nyang maging abogado at choice nya yun for himself" sunod sunod na daldal ko. Sinabit ko ang bitbit kong bag kay K at agad naman niya yun kinuha at sinuot ng maigi

"Dame mong sinabi! Pwede namang sabihin. Hindi! Isang word tsss" pagmamaktol niya

"Alam mo kasi budd, Hindi ka dapat ganun. Hinuhusgaan agad ang taong di mo naman kilala at di mo pa nammeet in person. Kung naniwala akong kupal si Archen edi sana wala akong future lawyer boyfriend ngayon" Sambit ko habang kinakalikot ang phone ko. Agad namang nagpop up ang pangalan ni Archen sa screen

Archen Donjuan:
Nasa vet nako. Kinuha ko na si spark. Sorry hindi kita mahahatid today. May sipon kase yung baby ko at ayaw kita mahawaan niya

Napangiti naman ako sa text nya. He call his little puppy his baby. Ang cutee naman

"Ano boyfriend mo na agad?! Ganun kabilis?! Budd naman!!" Sigaw nya na kinagulat ko at muntik ko na mabitawan ang cellphone ko

"Gago! in the future nga e! Mahina talaga ang understanding mo! Para kanamang hindi naggrade 2"

"Sa kabaliwan mo jan sa Archen nayan. Mukhang isang tanong niya lang Oo ka agad! kilala kita!" Sermon niya pa

Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na siya pinatulan. Nakarating nakame sa 19 degree at nagorder na siya ng milktea namen

"Hi miss, dalawang strawberry milktea" Order nya sa babae. Nakita ko namang tila natulala ang babae at mukhang hindi yata narinig ang order na sinabi sakaniya ni K

"Miss, Dalawang starberry milktea" Paguulit niya

"Ay sorry sir. Kayo po ba yung gitarista ng bandang Soju?" sabi ng babaeng tila mangha mangha sa nasa harapan niya

"Ah yes po. Kilala mo po pala kame" sabay hawak sa magkabilang tenga ni K. Nahihiya siya. Ganyan na ganyan siya kapag nahihiya siya tinatakpan nya ang magkabilang tenga niya

"Nako sir oo naman. Nanonood po ako minsan ng mga gig nyo. Fan na fan nyo po ako. Sobrang galing nyo pong tumugtog lalo na kapag mga kanta po ni Lany yung tinutugtog nyo. Ganda po ng mga adlib nyo sir" Excited na sabi ng babae

"Nako nakakahiya. Pero salamat" Aniya at tinaas pa talaga ang suot nyang shades para makita ng malinaw ang mukha nung babae. Infairness maganda si ate cashier at napakinis ng mukha. Akala mo'y modelo siya ng belo.

"Kelan po sunod na gig nyo sir?" Tanong niya ulit

Ano ba tong babaeng to? Balak ba neto makipagkwentuhan sobrang gustong gusto na ng dila ko yung strawberry milktea. Tiniis kong tubig lang ang inumin kanina dahil eto talaga ang kinecrave ko

"Ah every saturday may gig kame sa moon. Dun kame palagi" Ani K.

"Sige po sir manonood ako"

"Miss ano? Interview ba to? Yung milktea namen" Sobrang impatient ko talaga. Kasi naman kanina pa nagorder halos humaba na nga ang pila dito. Dumadami na rin ang naririnig kong nagreraklamo sa likuran namen. Malamang sa malamang naiinip na din dahil sa kadaldalan netong babae na to.

Rock and StarWhere stories live. Discover now