Pagkatapos makaalis ni Canan. Umupo ako sa study table ko at kinuha ang ipad. Binuksan ko din ang pagkaing dala niya. May beef broccoli na nakalagay sa tupperware. Kumulo naman ang tyan ko, mas excited pa to kumain saken alam na alam ng tyan ko ang paborito kong pagkain.
Binuksan ko agad ang ipad at kinlick ang app na telegram. Nakita ko sa video na naglagay pa ng aipods ang hayop. Nakalatag lang ang phone niya sa lagayan ng cellphone ng sasakyan niya. Dali dali kong pinindot ang play button. Talagang may title pa ang video na "Anything 4 u by yours truly"
Nagumpisa na ang video at umubo ubo pa ang bano bago nagsalita
"Sisa!" Paguuna nyang salita. Yan ang tawag niya saken simula bata pako. Sabi ni mommy hindi daw mabigkas bigkas ni K yung pangalan ko "sisa" ang unang tawag niya kaya lumaki kameng sisa ang tawag niya saken
"Alam kong di mo kame mapapanood. Text palang ni deborah na di ko kasama si Selah alam ko na agad kung anong nangyare sayo. Alam ko namang kahit busy ka sinusubukan mo paring takasan lahat ng yan para mapanood kame. Baka number 1 supporter yan" Aniya chaka pa nagpogi sign at kumindot pa si tanga.
Tinaas ko ang paa ko sa upuan upang maging kumportablen. Napangiti ako dahil sa dame ng daldal netong lalaki na to sa video "Kaya eto na kakantahan na kita. Oo boses ko lang maririnig mo! Raw video to walang halong bass, gitara chaka drums. Alam ko namang si Oliver pinapanood mo samen! Ayan ngayon pagtiisan mo tong video na magisa lang ako kumakanta" Hayop na to! Si Oliver lang daw pinapanood ko. Well nung unang nagbubuo palang sila ng banda ako nagpilit kay Julian na kunin si Oliver kasi nakikita ko mga guitar cover nun at gitara sobrang lupit. Chaka pasalamat sila saken dahil panghatak din ng views yun si Oliver sakanila no. Gwapo naman kasi talaga si Oliver, yung height 5'10, maputi, ang amo ng mukha. Mukhang good boy. Ang ganda ng ngiti.
Tumugtog ang background music at nagsimula ng kumanta si Canan. Hindi siya nakatingin sa camera, dahil nagmamaneho siya ay nakafocus lang ang mata niya sa kalsada
I know the house you grew up in
All of the names of your best friends
I know the way you feel about your dad
I spent the summer on your couch
You fell in love with someone else
You came to me the times that it went badNakatitig lang ako sakanya habang kumakanta. Maganda naman talaga ang boses ni Canan. Malambing ang boses ibang iba sa badboy nyang ityura pero syempre hindi ko sasabihin sakanya baka lumaki na naman ang ulo at magyabang na bias ko daw siya sakanilang 4
I'm something so familiar
That you don't even notice
The way I wanna love ya
It's time that you should know this, know thisNaalala ko pa bigla nung highschool kame. Unang beses ko siyang dinala sa bar at nampeke kame ng valid ID para lang makapasok sa bar mapanood namen ang iniidolo niyang banda. Alam kong sameng dalawa ako ang pinakapasaway at mahilig sa mga risky actions. Ako madalas ang hindi nagiisip samen ng mabuti pagdating sa pagdedesisyon samantalang siya nandiyan lang siya kahit hindi siya pumapabor sa mga desisyon ko sa buhay. Nangako siya kay mommy na kahit anong mangyare hindi niyako papabayaan. Para ngang magkapatid na turingan namen
I'll catch a flight, go to the moon
Lay on the floor of your livin' room
And talk about the things that make you cry (cry)
I'll sell my soul, sell my guitar
Sleep in the back of a beat up car
Girl, just tell me what I have to do
I'll do anything for youNapangiti ako sa bawat lyrics na binibigkas ng mga bibig niya dahil lahat ng yan totoo. Canan is the type of bestfriend na gagawin ang lahat para saken. Well, hindi lang din naman para saken pero para saming mga kaibigan nya. Sa sobrang overprotective niya kaya niyang makipagpatayan maprotektahan lang kame. Kaya niyang sunduin ako sa gitna ng ulan, kaya niyang isakripisyo ang oras, pagod at panahon niya mapuntahan lang kame kapag kailangan namen siya. Naiisip kong sobrang swerte ng magiging girlfriend ni K in the future. Hindi lang boyfriend ang meron siya kundi bestfriend din.
YOU ARE READING
Rock and Star
General FictionA childhood companionship, two best friends navigate the delicate balance between love and fear. Both harboring feelings for each other, they build walls to shield themselves from potential heartbreak. Determined to find solace, they each seek conne...