FRACTURED 12

54 8 0
                                    

Fractured Twelve

Emilina

A week later on Sunday morning, Marcella was once again out of the house. At wala akong ideya kung saan siya pumunta dahil wala naman siyang trabaho ngayon.

She left me the whole week to ate Sylvie's care. Isang beses lang naulit ang pagdala ni Marcella sa akin sa kanyang opisina. Pero ayos lang dahil masaya naman kasama si ate Sylvie. Hindi kami napapagod mag usap tungkol sa paborito naming mga halaman. Bulaklak lang madalas ang tinatanim ko. Unlike ate Sylvie na may mga puno pa raw sa probinsya para sa mga prutas. Inimbitahan pa niya ako na baka raw pwede akong makapunta roon balang araw.

Unang imbitasyon ko yon mula sa kahit sino. Naalala ko si Diana, palagi siyang iniimbitahan ng mga kaibigan sa kung saan saang mga lugar. Ibig sabihin ganoon din sa akin si ate Sylvie, hindi ba? Kaya tinuturing ko siyang unang kaibigan ko.

Pero kung iisipin, parang imposible rin namang makapunta ako roon sa sinasabi ni ate Sylvie. I doubt Marcella wil bring me there. Maiiwanan niya ang trabaho rito. At hindi siya mahilig lumabas para sa paglilibang lang. Sasabihin niya lang na sayang sa oras. Kung ako naman ang pupunta mag isa, paano ako makakarating kung sa malapit na distansya pa lang dito ay nawawala na ako? At ano ang sasakyan ko?

And I don't even know if she'll allow me.

Naglilipat ako ng channel sa telebisyon para tignan kung may masayang palabas. Isa sa mga itinuro sa akin ni ate Sylvie ay kung paano gumamit ng remote para makapanood nang ayos.

I can hear pots and pans being moved around in the kitchen. Medyo natatabunan ng tunog na yon ang pinapanood ko ngunit masaya pakinggan. Nararanasan ko na ang weekends na nanonood ng telebisyon habang naghihintay ng tanghalian tulad ng normal na eksena sa isang tahanan.

Hindi ko nga lang magulang si ate Sylvie pero malapit na rin.

"Ms. Emilina, mag snack ka muna. Matagal tagal pa yung kanin at di ko napindot!"

Pinigilan ko ang kamay ni ate Sylvie bago pa ilagay sa center table ang sandwich.

"Ate, bawal kay Ms. Marcella na kumain sa living room."

Napakamot si ate sa kanyang ulo "Ay putris, oo nga pala! Tara dito sa dining, Ms. Emilina."

I giggled by the small chaos of the situation and turned off the television. I sat at my now permanent place in the dining table. The sandwich had lettuce, hamburger, tomatoes, and cheese. Sapat na para mabusog ako. Huwag naman sana para matikman ko pa rin ang pinaghirapang lutuin ni ate Sylvie.

Hinila ko palapit sa akin ang platito para saluhin kung may tutulo mang mayonnaise o ibang palaman. Puting terno pa naman ang suot ko.

"Salamat po sa sandwich, ate Sylvie. May snack ka na rin po ba?" I called out to her.

"Hindi pa naman ako gutom, Ms. Emilina. Ayos lang ako," aniya.

I was four bites into the sandwich when the front door clicked open. My insides felt light. I abandoned the sandwich and ran to the front door.

"Ms. Emilina, baka ka matapilok," saway sa akin ni ate Sylvie.

Wala lang naman sa akin noong una kapag naiiwan ako rito sa bahay ng halos buong araw. Pero simula nang isama niya ako sa Makati at naranasan kong magkadikit kami buong araw ay bumibigat ang loob ko kapag umaalis siya.

I shook the confusing thoughts away.

Hinuli ko ang sarili nang nasa linya na ako ng paningin ni Marcella. Subconsciously, I knew she would reprimand me for running.

Marcella's eyes closed in on something on my face. Before I could touch my face to spot what caught her attention, her thumb wiped the side of my lips.

Fractured ViridityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon