Fractured 18: Favorite

83 7 7
                                    

Fractured Eighteen

Emilina

My slippers echoed loudly throughout the entire second floor as I ran. Wala akong pakialam kung maiistorbo o maiinis si Marcella. I really hope this wakes her up.

"Marcella," I pant while knocking.

Naiiyak na ako habang lumilingon sa pinanggalingan ko. I have more chance to defend myself if I'm facing the intruder. Kaysa pag nakatalikod na maaari niya akong makulong agad sa bisig niya.

Mas nilakasan ko pa ang pagkatok sa pinto ni Marcella.

"Miss Marcella!" mas histerikal kong tawag. Humikbi ako. Ang katok ay unti unti nang nagiging malalakas na hampas.

Because my gaze got stuck in the direction of my bedroom, hindi ko namalayan na ere na lang pala ang hinahampas ko. Sinalo na lang ni Marcella ang kamay ko.

"Emilina," agaw niya sa atensyon ko pero humahagulgol lang ako at natataranta.

I couldn't breathe.

"Emilina!" Ginapos niya ang mga kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. "Look at me."

Her stern and commanding tone won me over and I finally turned my head to her.

"M-Miss Marcella, may tao s-sa kwarto ko..." nanlalabo ang paningin ko at sa panginginig ng panga ko ay sumasakit na ito.

Sa sobrang dilim, hindi ko aakalain na mas madilim pa ang ekspresyon ni Marcella sa narinig. Hinila niya ako papasok sa kwarto niya. Ni-lock niya ang pinto.

"Did you see the person? Did they touch you?"

Umiling ako. "Narinig kong... sinusubukan niyang... sirain ang bintana. Tumakbo kaagad ako."

She looked behind me. Then down at me.

"Sit on the bed," she dragged me to her bed which was much larger than mine. Iniwanan niya ako don at pumasok siya sa isa pang silid sa loob ng kwarto niya.

Pagkalabas niya ay may bitbit na siyang baril sa kanang kamay.

"Stay here."

In a few steps she's already out the door. Mabigat pa rin ang bawat paghinga ko. At nakapako ang mata ko sa pinto. Paano kung atakihin siya ng nanloob sa bahay? Anong gagawin ko kung bigla siyang sumigaw at humingi ng tulong ko? Wala akong alam sa baril. At baka siya rin! May karanasan ba siya sa baril na yon?

The door clicked and Marcella was back. Di niya ako sinulyapan man lang. Hinablot niya kaagad ang cellphone niya at nilagay ito sa kanyang tenga.

"Someone was in my home. Patulog tulog ba iyang mga tauhan mo at hindi nila nadetect na may nakapasok na rito?"

Marcella glared outside. Na parang ang kawalan ang nagkasala sa kanya. She told them the events of tonight.

"I want my place and the vicinity searched. Wala akong pakialam kung magkawala wala kayo sa kahuyan. The intruder could still be close by. Nagtatago lang at humahanap uli ng tiyempo."

Binalot kami ng katahimikan nang ibaba niya ang tawag. My system is no longer on high alert which made me more present and aware of what is around me. It suddenly occurred to me that I'm in Marcella's room.

Ang silid na ipinagbabawal niya sa kahit sino. Na misteryo lamang sa akin.

Katulad ng mga sa hotel room kung saan kami unang nagkita ang estilo ng kanyang mga ilaw. May mga nakadikit sa pader. Some luxuriously shaped lights dangled on the ceiling like chandeliers. Others traced the edges of the ceiling.

Abot din sa kisame ang kanyang kurtina. Mayroong desk malapit sa bintana. Nakaposisyon na katulad ng mesa niya sa opisina. May fireplace, maging malaking telebisyon sa harap. Hindi nga lang katulad ng sa living room na mayroong patungan ang telebisyon. Nakadikit ito sa pader na parang pisara.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fractured ViridityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon