Fractured Sixteen
Emilina
Rubbing the sleep off my eyes, I spotted Marcella by the balcony. I can only see her back, but elation trickled through my system at the sight. She stood like a conqueror looking down at the evidence of her victory. Her price. Her possessions.
I beamed when I remembered what I saw in my closet when I woke up. So I ran to her.
"Ms. Marcella, pupunta tayo?" my voice came out high pitched.
She cast a slide glance and just arched a brow, and returned to whatever she was looking at. But I knew it was a yes. Sumasakit na ang pisngi ko at nagluluha ang gilid ng mga mata ko sa sobrang tuwa.
Ilang araw ko na siyang pinipilit na pumunta sa launch party para sa bago nilang labas na mga damit.
Naglalagi na ako sa silid aklatan dahil nawiwili akong magbasa ng pinagmulan ng kumpanya ni Marcella. Walang masyadong kwento sa personal niyang buhay katulad ng mga nababasa ko tungkol sa ibang negosyante. Bigla na lang daw nakita ang mga damit na gawa ni Marcella na suot ng isang modelo sa photoshoot niya sa isang sikat na magazine sa New York. Dahil sa misteryoso nitong paglabas nang walang promosyon o impormasyon tungkol sa nagdisenyo ay naintriga ang mga tao rito.
Nais ko pa mang makatuklas pa tungkol sa kumpanya ay naudlot ang pagbabasa ko dahil sa usapan ng dalawang babae na nasa likod ng isa sa shelf. Silid aklatan ang lugar na hindi masyadong napapansin dito sa opisina dahil abala rin naman sila buong araw. Pansin kong pinupuntahan lang ito kapag magbibigay ng balita o magsasabi sila ng sikreto sa kanilang katrabaho. Hindi ko masyadong pinapansin ito sa ibang araw dahil hindi ko naman kilala kung sino ang pinag uuspan nila.
Pero kung pangalan niya ang lalabas sa bibig ng kahit sino ay siguradong makikinig ako.
"Saan mo ba nahanap yang nag eeyelash extension? Bigay mo naman sa akin yung contact number," the girl said in a hushed voice kahit wala namang kakaiba at nakakahiya sa sinasabi niya.
"Oo, ibibigay ko dapat kanina kaso kinukulit din ako ni () kahapon. Tignan mo at panay ang lapit pag nagtatanong ka. Makikinig yon malamang. Gusto na naman gumaya sa akin. Inggit na inggit? Ayoko ngang kapareho ko siya sa launch party ng Marcella."
Tinanong ko kay Ms. Eunice kung ano ang ibig sabihin ng launch party. Sa mga pagdiriwang ay malalapit na tao lang ang pumupunta.
"Doon ka sa kusina pupwesto mamaya pagdating ng mga kaibigan ko, Emilina. Hindi tayo close." Palagi itong sinasabi ng kapatid ko sa unang mga umampon sa akin tuwing merong may kaarawan sa pamilya. Kung hindi sa kusina ay pagkukulungin niya ako sa kanyang kwarto. Hahayaan niya akong tumingin sa mga laruan niya pero bawal kong hawakan kahit pinaglumaan na niya at hindi na ginagamit.
Hindi naman nila iniimikan si Marcella maliban na lang kung babati o may ipapaliwanag tungkol sa trabaho. At bakit sila imbitado at ako ay hindi? Hindi pa rin ba ako malapit para kay Marcella? Hindi lang nga pagbati ang ginagawa ko. Kinukwentuhan ko pa siya at sinasamahan sa kahit saan.
"May bago po kasing dinisenyo si Ms. Marcella na mga damit pero hindi pa yon binebenta dahil ilalabas pa lang yon sa publiko. Kaya po may launch party na magaganap."
Yon pala ang pinagkakaabalahan ni Ms. Eunice. Ngayong alam ko na ang nangyayari ay mas naiintindihan ko na ang usapan nila ni Marcella kapag may ipapacheck sa kanya si Ms. Eunice.
"Ms. Marcella, may pupuntahan kang party?" Nag aayos na siya ng kanyang opisina at mesa kahit na hindi naman makalat sa paningin ko. Ginagawa niya ito palagi bago umuwi.