Fractured Seventeen
Emilina
"Like, I wouldn't trust my life to someone I've just been friends with for a few months," dugtong ni Jesse. "I didn't expect a person as reserved as Marcella to be like this."
Pinisil pisil niya ang baba niya gamit ang dalawang daliri. Tinitigan niya ang sahig. Parang mas nakakaexcite pa ang buhay ni Marcella kaysa sa party, para sa kanya. Pero hindi lang naman siya ang may ganitong reaksyon. Lahat ng mga tao dito sa party. Pati ang reporters sa labas.
"Maybe she's secretly a shady person?" he bumped my shoulders with his.
"Imposible yan. Mabuting tao si Marcella." I frowned, starting to get displeased by his accusations.
"Kilalang kilala? Bakit kasama mo ba siya bawat segundo?" subok niya.
Tumango ako. "Oo, sa bahay niya ako nakatira."
Kuminang ang mata niya. "Anong itsura ng kwarto niya? Hinding hindi ko naman makikita ang bahay ng isang Marcella Lazaro, kaya ipaimagine mo na lang sa akin!"
Natigilan ako. I have never seen her room. And she spends a lot of time there. Wala naman sigurong taong nagtatagal sa kwarto para humiga lang.
Maybe she's hiding a secret room where she does bad activities like Jesse said. But it only happens in storybooks.
Maaari ring doon niya ginagawa ang mga disenyo niya para walang makapanood. Ayaw niya nga na nakita ko ang drawings niya sa kanyang desk sa opisina.
I swallowed as another thought crossed.
"Bawal ako sa kwarto niya," I answered non commitally. Nagsisimula na rin akong lumakad pabalik kay Marcella. She must be looking for me.
Jesse was calling out my name. But it was faint. The last echo you hear before it fades out.
Aaminin kong medyo wala akong alam sa mundo. At madali akong maniwala sa sinasabi ng iba dahil mas marunong sila sa akin.
Oo nga, masyadong pribado si Marcella pagdating sa kanyang buhay. Nakikita ko rin kung paano niya itulak ang mga taong matagal niyang kilala. Samantala ako na ngayon niya lang nakilala... pinagbibigyan niya sa mga bagay na ipinagbabawal niya sa iba.
Hindi niya ba talaga ako kilala noong una naming pagkikita? Plano niya ba na magkita kami at sundan ko siya?
Nagkunwari lang kaya siyang naniniwala sa akin na ampon ako at hindi kailanman nagkaroon ng ama? She can't know that Mr. Araya is my father, right? Dahil kung ganoon hindi sana maganda ang trato niya sa akin. Bakit niya iingatan ang anak ng taong kagalit niya?
I don't even have an idea how long I'll be with her or what she plans to do with me.
Will I spend forever just sharing meals with her, accompanying her to her office, and being scolded occasionally?
Napaatras ako nang may makatapak sa aking paa.
"Oh shit! I'm sorry. Are you okay?" Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at hinuli ang tingin ko.
Nanlamig ako. Tinignan niya ang paa kong natapakan niya.
Someone who is not Marcella is touching me. Bumibigat ang paghinga ko habang sinusubukan kong kumalas nang hindi siya naiinsulto. But she kept talking to me.
"Stupid question, of course you're not!"
"O-okay lang po ako," I reassured her. Pero mas magiging okay ako kung bibitawan niya ako.
Luminga linga ako upang silipin kung nasa malapit si Marcella. She must be looking for me. Ngunit wala akong masyadong makita dahil sa guests.
Habang tumatagal ang estranghero na kumakausap sa akin ay mas lalo akong nawawalan ng pakialam kung magagalit ba siya kapag lumayo ako sa kanya.