Chapter 15

32 8 0
                                    



"Anong ginagawa ninyo sa phone ko?" Sigaw ni Tracy sabay lapit para agawin ang telepono.

But Kevin was a head taller than her.

Tinaas niya ang cellphone pero umakyat si Tracy sa kama.

Binaba ni Kevin ang kamay at tinago ang cellphone sa likuran niya.

If I wasn't so nervous, what was happening was hilarious.

It was like watching a comedy skit or a cartoon.

Tracy was desperate to grab her phone while Kevin was shuffling it from one hand to the other.

Gusto ko tumawa pero hindi ko magawa.

I just stood there and watched while Tracy wrestled with Kevin for her phone.

"Akin na sabi iyan eh," Tumili siya.

The ear-piercing noise made my blood curdle.

I'm sure na kahit malakas ang videoke sa baba ay dinig ang sigaw niya.

I didn't want to draw more attention to us but it was too late.

Biglang pumasok si Tita Marga.

Nakasunod sa kanya si Lee.

Tracy was in an awkward position.

Nakaluhod siya sa kama at nakayapos sa bewang ni Kevin habang nakataas naman ang dalawang kamay nito at mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa cellphone.

"Anong nangyayari dito?" Nanlalaki ang mga mata ni Tita Marga.

Lee looked very confused.

She looked at me, Tracy and then at Kevin.

"Itong dalawang 'to kasi," Sigaw ni Tracy.

"Pinakikialaman ang phone ko."

"Kevin, Sid, bakit niyo naman ginawa iyan?" Tanong ni Tita Marga.

Hindi ako nakasagot.

Nakatingin sa akin si Lee.

Naghihintay siya ng paliwanag.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"May hinahanap ang dalawang iyan," Si Tracy ang sumagot.

"At bakit sa phone mo hahanapin?" Litong-lito na si Tita Marga.

Habang lumilipas ang bawat segundo ay umiikli ang buhay ko.

"Nandiyan ang ebidensiya ng relasyon ni Sid at Ate Lee."

"Ano bang pinagsasabi mo na bata ka?" Lumapit si Tita sa kama at hinila sa braso ang anak niya.

"Totoo naman eh. Nagsesex silang dalawa. Nakita ko sila sa CR sa resort at dinig na dinig ko sila."

Shit.

Napalunok ako.

Puwede bang maglaho sa kinatatayuan ko?

"At bakit mo naman nirecord si Sid at si Lee ha?" Piningot siya ni Tita Marga.

"Aray naman, Ma." Tinakpan ni Tracy ang tainga niya.

"Kung anuman ang ginagawa nila ay wala kang karapatan na i-record sila. Puwede ka nilang kasuhan ng invasion of privacy."

Halatang natakot si Tracy sa sinabi ng mama niya dahil pumiyok ito ng magsalita ulit.

"Kasi naman si Sid eh. Hindi ako pinapansin. Puro na lang si Ate Lee ang nakikita niya. Break na sila pero parang sila pa rin kung makatingin siya dito."

"Bakit? May gusto ka ba kay Sid?"

Hindi sumagot si Tracy.

"Kevin, akin na ang phone."

Parang maamong tupa na inabot ito ni Kevin sa tita niya.

"Tracy, nasaan ang video?"

"Ma, naman."

"Ma naman ka diyan," Inambaan siya ni Tita.

Iniwas ni Tracy ang ulo niya.

"Dali na. Sabihin mo kung nasaan ang sex video na iyan. Kung hindi, hindi mo mahahawakan ang phone mo."

"Ma, please naman?" Naiiyak na si Tracy.

"Bakit ba ayaw mo sabihin kung nasaan ang video na iyan ha? Siguro may tinatago ka?"

Nanginig ang baba ni Tracy.

"Loko kang bata ka," Pinalo siya ni Tita sa braso.

"Kung ayaw mong isumbong kita sa ama mo, sabihin mo na kung nasaan ang sex video."

Nanginginig na kinuha ni Tracy ang cellphone.

Nang makita ang hinahanap ay binalik ito sa mama niya.

"Kevin," Inabot ni Tita ang phone.

"Burahin mo ang dapat mong burahin para hindi iyan kumalat."

Pagkakuha ng phone ay kumunot ang noo ni Kevin.

"Tita," May kakaibang liwanag sa mga mata niya.

Nakatingin kami lahat sa kanya.

"Pati po ang mga sex videos ni Tracy kasama ang girlfriend niya?"

"Ano?" Lumapit si Tita kay Kevin.

Pati kami ni Lee ay nakiusyoso.

Nagsumiksik si Tracy sa dulo ng kama at niyakap ang unan.

There were lots of files with Tracy being intimate with another girl.

A girl who wasn't with her friends.

"Kuya, please? Huwag mo i-delete iyan. Iyan na lang ang souvenir ko ni Jazz."

"May girlfriend ka?" Galit na galit si Tita.

"At may videos ka ng pagsisex ninyo?"

Tumango lang si Tracy.

Napaupo si Tita Marga sa kama.

"Gusto mo ng tubig, Tita?" Tanong ni Kevin.

Tango lang ang sagot ni Tita.

Bago lumabas si Kevin ay pinaalala ni Tita na i-delete niya ang mga video namin ni Lee.

"Huwag mo burahin ang mga videos ni Tracy," Masama ang tingin niya sa anak.

"Kailangan ko ang ebidensiya na iyan."

Humigpit ang pagkakayakap ni Tracy sa unan.

"Gusto mo rin ng tubig?" Panunukso ni Kevin.

Hinagisan siya ni Tracy ng unan.

The Long Weekend (A Novelette)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon