Chapter 5

52 11 1
                                    

Chapter 5

“Cheers!”

Nakailang bote na kami ng alak at hindi parin sila nalalasing, hindi ako sanay uminom at ito ang unang beses ’kong uminom sa labas. Kadalasan kase ay ako lang umiinom mag-isa at sa loob ng bahay pa. Magkasama kaming limang pumunta sa restaurant kung saan kami unang nagkita-kita.

I squinted my eyes and i rubbed my chest.

Hindi ko aakalaing mangyayare ito, na promote si Matthew sa higher position dahil nagtagumpay ang press conference. At ako naman ay na promote dahil sa ginawa ’kong article, pumatok ito sa mga clients and investors ng kompanya namin kaya nag ce-celebrate lang kami ngayon.

It's already 9:00pm. Napagdesisyonan namin na umalis na dahil lasing na ang iba pang kasamahan namin, I stand up and Matthew help me to walk towards the door, as we reach the door he open it.

Inalalayan n'ya a'kong makalabas at makalakad, nakahawak ako sa kanyang balikat habang dahan dahang naglakad. Naunang umalis sina Elyria, Audrey , Austine at si Ryle. Lasing na lasing na si Audrey maging si Elyria buti na'lang hindi ganoon ka lasing si Austine para ipagmaneho ang tatlo.

Umiikot ang paligid at malabo na ang aking paningin, dala na siguro ng alak kaya gan'yan ang epekto nito sa'kin.

“Ihahatid na kita, gabi na at baka kung ano pa ang mangyare sayo,” mahinhing sambit ni Matthew.

Umiling iling ako at binitawan ko s'ya. “Hindi na, kaya ko naman umuwi mag-isa. Sa una palang tumayo ako gamit ang aking paa,” wika ko sabay nguso na parang baliw.

Nahuli ko itong ngumisi kaya tumaas ang aking kilay, ano'ng problema ng lalaking to? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

“Of course, hindi ka talaga makakatayo kung wala kang paa, common Venice, let's go!” naglakad ako palayo ngunit hinawakan n'ya ako, he pulled me back toward him.

“Let’s go?”

Dahil lasing na nga ako at wala na a'kong lakas para magmaneho sumama na ako, tama naman kase si Matthew baka ano pa ang mangyare sa'kin.

Nangmakauwi na kami sa bahay agad n'ya a'kong dinala sa aking kwarto, dahan dahan n'ya a'kong inalalayan para makahiga sa kama. I closed my eyes and i felt something soft.

Kinabukasan ay nagising ako ng may narinig akong tunog mula sa kusina. Dahan dahan a'kong umupo sa kama at inayos ang aking sarili, naglakad ako tungo sa pintuan at agad itong binuksan.

Lumabas ako at kumuha ng isang mahabang flower vase na walang laman, hinawakan ko iyon at dahan dahang naglakad tungo sa kusina. Baka may nakapasok kaya kailangan kong depensahan ang sarili ko laban sa kumag na pumasok sa bahay ko.

Nang makalapit na ako hahampasin kona sana ng dala ’kong flower vase ang lalaking nakatalikod ngunit napatigil ako.

Humarap ang lalaki sa'akin at napangiwi ako. Mabilis kong tinago sa likoran ko ang flower vase at ngumiti.

“P-primo, i-ikaw pala. Anong ginagawa mo sa bahay ko?” utal utal kong sabi.

Ikaw pala?  Anong bahay mo, bahay ko ito Venice. Malamang ako talaga ito dahil nangdito ka sa bahay ko,”  ngumiti ito na parang loko.

Anong bahay nya? Ang alam ko ay dinala ako ni Matthew sa bahay ko, inalalayan pa nga nya ako. Nanaginip ba ako?

May sayad ba sa utak ang bampirang ito?

“Umupo kana, eat your breakfast. Kung gusto mong malaman kung bakit ka nasa bahay ko, ask your boyfriend,” wika nya at umupo tsaka nilagyan ng pagkain ang pinggan ko.

Eclipse Series #1: Primo Avriel De Luna Where stories live. Discover now