Chapter 3 Sta. Ventura

62 13 3
                                    

CHAPTER 3

"Sta. Ventura first grand fiesta"

You receive a message from Mr. De Luna

Make sure my necklace will be safe
with you, Venice kahit necklace ko nalang
ingatan mo wag na sarili mo.

Kay gandang bungad ng bampirang to, umagang umaga nakuha pa talaga a'kong asarin. Maganda dapat ang araw ko dahil wala a'kong pasok ngayon, day off ko kaya makakapag pahinga ako ng maayos.

You receive a message from Mr. De Luna

Kidding

You sent a message
Kidding mo muka mo fvck you!

Hindi na ulit s'ya nag reply at asa naman s'yang hinihintay ko ang reply n'ya. Sino ba s'ya para hintayin ko?

Tumayo ako at tumungo ng banyo, naligo at nag toothbrush na. Pagkatapos ay uminom lang ako ng gatas at isang slice ng tinapay, nagbihis ako ng magandang damit na babagay sa mood ko ngayong linggo.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse, may pupuntahan ako ngayon kaya kailangan formal ako tingnan, nakakahiya naman kay Lola kung hindi.

Bago ako umalis nagdala ako ng kape kaya kahit gaano man katagal ang traffic hindi ako dadalawin ng antok. Sobrang traffic kapag linggo dahil marami ang lumalabas sa kanilang bahay, isa rin sa dahilan kung bakit traffic dahil sa mga nagaganap na aksidente sa daan o di kaya may mga traffic enforcers na nag che-check.

Walang usad ang sasakyan dahil sa kumpol kumpol na kotse sa kalsada. Hindi ko mapigilang sulyapan ang aking cellphone, dahil inaakala kong tatawag o mag memessage sa'kin si Primo.

After 1 hour finally umusad na ang daloy ng trapiko sa kalsada. Medyu maluwag na at pwede konang bilis bilisan ng kaunti ang pagmamaneho. May fiesta kase sa probinsya namin, kaya kailangan kong makarating ng maaga bago pa ako mahuli ng dating.

Pagkatapos ng mahabang byahe nakarating ako ng sakto sa oras. Mas maganda, malinis, tahimik at ang ganda ng tanawin sa lugar namin, hinding hindi ako nagsasawang balik balikan ang Sta. Ventura dahil dito ako lumaki.

Naalala kopa noon umuulan at may bagyong paparating, habang nakikipag laro ako sa aking mga kaibigan ay muntikan na a'kong masagasaan dahil nga sa kulit ko. Ngunit may isang lalaki ang nagpakita at niligtas ako mula doon kaya hanggang ngayon buhay pa ako.

Lumaki ako pero hindi ko parin alam o natutukoy kung sino ang misteryosong lalaking nagligtas sa'akin.

Pumasok ako sa loob at isang mahabang mesa ang tumambad sa'kin, puno ng iba't ibang pagkain ang mesa. May mga prutas, gulay, seafoods, juice at marami pa.

Mula sa malayo natanaw ko si Lola na kumakaway sa'kin. Mahigit pitong buwan na ang nakalipas noong huli kong makasama si lola, bago paman ako nagkaroon ng trabaho sa manila.

Walang signal sa lugar na ito, kailangan mo pang pumunta sa bundok para lang magka signal.

"Apo, kaawan ka ng dyos ang laki laki mo na. At mas lalo kang gumanda,"

Niyakap ko si lola at nag mano, dito sa lugar namin ang mga bata ay kailangan wag kalimutang mag mano o mag bigay galang sa mas nakakatanda. Kapag nakalimutan mong mag mano o di kaya yumakap parang wala kanang respeto sa mga nakakatanda sa'yo.

"Salamat po, lola."

Pinakilala ako ni lola sa iba pa n'yang mga kasama, siguro marami na ang nakalimutan ako dahil maraming nagbago sa'kin. Hindi lang sa pananamit, pakikipag kumonikasyon at gawi.

Eclipse Series #1: Primo Avriel De Luna Where stories live. Discover now