Maingay ang lahat at nagka-kasiyahan. May nagkakantahan, nagsasayaw, nag-iinuman at nagtatawanan. Ipinagdiriwang ngayon ang kaarawan ng anak ng isa sa mga sikat at successful na businessman.
Tanging tugtog ng musika ang maririnig sa tahimik na paligid hanggang sa hindi nagtagal ay napatigil ang lahat. Rinig nila ang nagkakagulo sa labas, kasunod niyon ang umalingawngaw na tunog ng siren ng fire truck.
"Talitha! Talitha!" Dumating ang kanilang kapitbahay, si ate Ezra. Hinihingal siya kaya natapayo bigla si Talitha. Pinagpapawisan rin ito at biglang nakaramdam ng kaba ang dalaga.
"Ate Ezra? Bakit?" Pakiramdam ni Talitha ay bumigat ang kanyang dibdib dahil sa biglaang pagsulpot niya.
"S-Si," Hinahabol ni ate Ezra ang kanyang hininga.
"Kalma po, bakit ho?"
"Si Tauren at si Manang Junia. Naaksidente sa sunog." Biglang nanigas ang buong katawan ng dalaga sa narinig. S-Si Tauren? Si T-Tita Junia? Sunog? A-Aksidente?
"Po?!" Napatayo si Mila sa kaniyang kinauupuan, ang anak ni Tita Junia.
"Tali!" Dumating si Azrael, ang Birthday boy at ang matalik niyang kaibigan. "Si Tauren..." Kahit hindi niya tapusin ay dahan-dahan na tumulo ang luha sa mga mata ng dalaga.
Ang tahimik na gabi ay nagkagulo. Kaliwa't kanan ang may dala ng kanya-kanyang balde ng tubig, tinutulungan na humupa ang apoy. May mga nagtatakbuhan at nagsisigawan na nagbigay ng kaba kay Talitha.
Nanginginig na hinawakan ng dalaga ang kanyang dibdib. Nahihirapan itong huminga, nanginginig man ay pilit niyang tinatagan ang kanyang loob.
Nakita niya ang isang bombero na buhat-buhat ang isang babae. Nang mapagtanto kung sino iyon ay hindi na magkamayaw ang kanyang mga luha sa pag-agos. Dali-daling lumapit si Mila sa kanyang ina, kay Tita Junia. "Mama!" Tumutulo na rin ang kanyang mga luha.
"Tauren? Tauren?" Bulong ni Talitha, nanghihina. She tried searching for him, thinking he was already outside. "Tauren? Tauren?" Bulong ulit niya, umiiyak. Hinahanap ng kanyang mga mata ang nakababatang kapatid, iniisip na nakaligtas ito sa sunog. Naglalakad siya habang tinitingnan ang mga taong nasa gilid ng kalsada na inuubo dahil sa nalanghap ito na usok.
Please be safe, Tauren.
Sa katabi nito ay may pamilyang pilit sinasalba ang kanilang mga kagamitan. Medyo dikit ang bahay nila sa kusina nina Tita Junia na kung saan nagmumula ang sunog, kaya hindi nakaligtas ang kanilang tahanan.
Tauren, nasaan ka na?
"Tali!" Tinig ni Azrael. Hinawakan niya ang braso ng dalaga. Hindi namalayan ni Talitha na na kasunod pala ang kanyang kaibigan. Lumingon ang dalaga sa kanya. Umiiyak. Nakita ni Talitha kung paano dumaan ang lungkot, sakit, at pag-alala sa mukha ng binata para sa kaniya. "Si Tauren." Bulong nito.
Nilingon ni Talitha ang tinitingnan ng kaibigan. Nakita niya ang kapatid niya na nakahiga sa stryker stretcher kaya walang pag-aalinlangan siyang lumapit dito.
Nang makalapit ay hinagkan ni Talitha ang kanyang kapatid. "Tauren, please gising." She softly brushes his hair. "Gising Tauren." Bulong ni Talitha. Ang mukha ng kanyang kapatid ay may bakas ng maitim na usok, may sugat rin ang mga paa niya at... may dugo? Dugo sa ulo? Nanginginig na tiningnan ni Talitha ang kanyang kamay. "Tauren?" It's a blood coming from his head. "Tauren, gising!" Pagtatangis niya. Hinagod ni Azrael ang likod ng kaibigan, pinapatahan.
Maraming nagtatakbuhan, maraming nagkakagulo at marami ang bakas sa mukha ang takot ng gabing iyon.
"Tali!" Nakita na lamang ng dalaga ang sarili niya sa upuan ng hospital. Nanginginig man ay tumayo siya upang salubungin ang yakap ng kanyang Mama. "S-Si Tauren? Kumusta ang kapatid mo." Nanginginig na rin ang kanyang Mama sa takot at pag-aalala, nararamdaman niya iyon.
"N-Nasa loob p-po ma..." Tumulo ulit ang mga luha ng dalaga. Hindi niya kayang makitang magka-ganun ang kapatid niya. Ang sakit, napakasakit. Nagsasaya ako habang ang kapatid ko? Habang ang kapatid ko ay nasa peligro ang kalagayan. Hindi ko kakayanin. Tingin niya wala siyang kwentang kapatid. Tingin niya napakasama niyang tao. Ang sama-sama ko. "Ma, magiging maayos din 'di ba ang kalagayan ni Tauren?" Pagbabakasali niya, gusto niyang pagaanin ang kanyang loob.
Tumango ang kanyang Mama, nakayakap pa rin sa kanya. "Oo, magiging maayos rin siya."
Sana nga.
Dr. CLARA MOLINA, pangalan ng Doctor at nakalagay ito sa kaniyang table sa name plate. Isang siyang propesyonal na doctor, umupo ito sa kanyang swivel chair at ni-review ang medical charts. She takes a deep breath before addressing the news they're about to hear.
"Mr. and Mrs. Almonte, thank you for joining me. I'm Dr. Molina, and I have overseeing your son's care since he was admitted." Panimula ni Dr. Molina. Nasa opisina sila ng Doctora ngayon upang alamin ang kalagayan ni Tauren. Kinakabahan man pero pilit nilang nilalakasan ang loob.
"How is he, Doc? Is our boy okay? Is he going to be fine? Maayos ba siya? May kailangan bang operahan sa kanya? May kailangan bang gawin sa kanya Doc para maging maayos ang kalagayan ni Tauren? Ano po 'yun Doc?" His Papa ask nervously. He may be strict and OA sometimes but when it comes to his children, ganun talaga siya, his heart becomes soft. His weaknesses were his kids. Ang kanyang Papa 'yung tipo na 'safety first' kaya lagi silang may limits. Kaya gayon na lamang ang pagkabahala niya ng nabalitaan ang nangyari sa kanyang bunsong anak. Hindi siya mapakali.
Inihanda na ng pamilya Almonte ang kanilang mga sarili kung ano man ang maririnig nila. Doctora Molina has tried choosing her words carefully. "I want to be honest with you Mr. and Mrs. Almonte. Your son, Tauren, has been through a severe accident. The trauma resulted in a significant injury, and he is currently in a..." she takes a deep breath before she continues, "...coma."
And that word pierced Talitha's heart like a sharp knife. Ano raw? Tama ba ang narinig ko? Coma? As in comatose?
Bumigat ang pakiramdam niya sa narinig. Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng kanyang mga luha sa pisngi.
Kasalanan ko 'to, eh. Dapat binantayan ko 'yung kapatid ko. Responsibilidad ko iyon. Sinisisi niya ang sarili dahil habang tumatawa siya, habang kumakain siya ng masasarap na pagkain ay nasa delikado na ang buhay ni Tauren. Ang sama-sama ko. Napakasama 'kong ate.
My brother is only 5 years of age and he went through this because of an accident, and it's because of me. She thought.
Kung hindi ko sana siya iniwan at kung sana ay sinama ko siya, hindi niya mararanasan ang ganoon na trahedya, hindi siya dapat matutulog ng matagal. Dagdag niya pa sa kanyang isipan.
She cannot blame her Tita for this because she's also one of the victims. Ang balita niya ay nakalanghap daw ang kanyang Tita ng maraming usok kaya siya nahimatay. Ang kanang bahagi ng paa niya ay napinsala dulot ng pagbagsak ng materyal na umaapoy kaya kinakailangan niya munang gumamit ng saklay. May chance pa naman daw na makalakad ulit ang kanyang Tita, kaya lang medyo matatagalan dahil sa lawak ng sugat nito.
Maraming nadamay. Maraming nasaktan. She can't blame anyone other than herself. Oo, hindi ko kasalanan ang sunog pero thinking of how I enjoys eating, how I enjoys dancing and singing while my brother and Tita Junia were in an accident? I don't think I can forgive myself. She once again blame herself.
Nagkakasiyahan sila habang may aksidente. It was a blast disaster. Nang marinig ang kalagayan ni Tauren, she felt like the clear skies turned into cloudy one. Parang naglilimlim ang dating mapayapang kalangitan. Ang magandang ihip ng hangin ay napalitan ng isang malungkot. She feels like her world turns gray. She feels like her life turns upside down.
Ang lungkot-lungkot. Ang lumbay.
Ang bigat. Sobrang bigat. Hindi na siya makangiti sa mga nangyayari. She just sits there with pain, sadness, longing and regret written all over in her face.
___
Don't forget to vote and comment! Thank you! – IMA
BINABASA MO ANG
Twinkle Twinkle Little Smile
Teen Fiction"I'll make you smile, giggle, chuckle, laugh-lahat-lahat na. Sisiguraduhin ko 'yon. You will be genuinely happy with me." He smile with finality.