"Psst!" Nilingon ko si Odessa na nasa aking likuran. Tinaasan ko siya ng kilay, nagtatanong. "No. 15, May answer ka na?" She mouthed.
Ngayon ang pagsusulit namin sa matematika kung kaya't stress na stress kami ngayon. May nagkakamot sa batok, may napabusangot, may napahilamos ng mukha, may nagtodo solve ng problem at may mga pasimpleng tumatawag para magkopyahan. "What's with the noise?" Tanong ni Ms Gonzales.
Napaayos ng upo si Odessa at napakamot. Hindi naman maipagkakaila na mahirap talaga 'tong math na ito. Lalo't na't Trigonometry, pero kinakaya naman. Pasimple akong nag-ayos ng buhok. Nakuha agad ni Odessa ang ipinapahiwatig ko. Agad siyang sumulat. Ngayon nga't parang mabait si ma'am dahil may choices ang binigay niya, kadalasan kasi kami 'yung maghahanap ng sagot sa mga problema. Medyo napadali sa amin ang paghahanap ng answers ngayon ngunit ang masaklap kung wala sa mga pagpipilian ang sagot, she said we could write it down naman. Hay nako.
"Tali!" Bulong ni Zelie. "No. 7." Tinignan ko ang papel ko. Di pa naman ako sure kung tama ba 'tong sagot ko. Pasimple akong nag-unat. Agad siyang sumulat sa kaniyang papel. Kanina pa ako natapos kung kaya't review nalang ang ginagawa ko.
Napag-usapan namin kanina bago ang quiz na magtutulungan kami so hindi ito cheating. Sadyang pagtutulungan sa kapwa ang tawag dito. A para sa pasimpleng ubo, B para sa pasimpleng pag-ayos ng buhok, C para sa pasimpleng pag-unat at D sa pasimpleng pag-kamot ng ulo.
"5 minutes left." Ani ni Ms Gonzales na nasa unahan at may tinitipa sa kanyang selpon. Ginawa naman nila ito ng pagkakataon para magtanong at magtutulungan. Hindi sinasadyang napalingon ako kay Azrael na nakatingin sa akin, he smirk. Nahuli ata niya kami. I rolled my eyes, ewan ko ba naiinis ako. Kukulitin na naman niya ako mamaya.
Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na si Ms Gonzales para kolektahin ang mga papel namin. "Finish or not finish, pass your paper by row." Napabuntong-hininga ako. Sana naman makapasa ako.
"Paano naging 15.26 'yun?" Nakakunot na tanong ni Zelie.
"Ewan ko, sabi 'yun ni Tali eh." Turo ni Mila sa akin habang ngumunguya siya. Nasa canteen kami ngayon at pinag-aawayan ang mga sagot sa pagsusulit kanina. Napakamot ako ng ulo. Tama naman talaga 'yun base sa pag-solve ko.
"Leg diba 'yung hinahanap?" Tanong ko, tumango si Zelie. "Ina-aply ko 'yung Pythagorean theorem bago makuha ang leg." Na-shock siya. Ang OA.
"Kaya pala! Kaya pala wala sa choices ang sagot ko. Mali na ako ng isa. Sinulat ko pa naman sa papel ang answer ko. Feeling ko tuloy ang talino ko na sa ginawa ko. Confident pa naman ako." Zelie crossed her arms above her chest and act as if she was sad about it.
"OA ka po. Tama ka na." Ani Odessa habang sinisipsip ang palamig.
"We had the same answer Tali. Letter C ata 'yun." Saad ni Lynette and my eyes lit up. We had the same answer? Yes! May one check na ako. Pag-talaga si Lynette na ang magsasalita parang nabubuhayan ang loob ko eh. She's genius, actually. Ang talino niya pagdating sa math. Basta numbers favorite ni Lynette 'yan. I love math din naman—minsan.
Matapos ang nakakapagod na araw ay sa wakas tapos na rin ang klase. Nag-unat ako habang hinihikab. Nakakangalay rin pala ang pag-upo lang. "AAHH! Tulong hinihigop ako ng malaking-malaking vacuum cleaner! Tulong!" Napalingon ako sa OA na maingay na nagsusumigaw. Umakto rin siya na parang hinihila na hinihigop talaga. Nakakapit pa sa pinto habang humingi ng tulong ang damuho. Napaka-OA!
"Huy! Tigil na 'yan! Hindi ka matatanggap niyan bilang artista, medyo lumabis ang ka OA-han." Kinuha ko na ang bag ko at tumayo.
"Ay, hindi ba? Sayang naman." Kinuha na rin ni Azrael ang kanyang bag at sumabay sa akin. Nagpaalam na rin ako kina Odessa, si Mila ay nauna na. Magpa-practice pa kami ng banda dahil malapit na rin ang competition.
BINABASA MO ANG
Twinkle Twinkle Little Smile
Teen Fiction"I'll make you smile, giggle, chuckle, laugh-lahat-lahat na. Sisiguraduhin ko 'yon. You will be genuinely happy with me." He smile with finality.