Madilim.
Tahimik.
Malamig.
Mga bituin aking nakikita sa kalangitan, napakarami nila. Malamig na hangin ay yumakap sa aking balat. Tanging kuliglig ang maririnig sa tahimik na paligid.
9:25 pm. Pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. May upuan sa labas namin kaya napag-isipan ko munang magpalipas ng oras dito. I was overthinking again. Nago-overthink ako sa sinabi ni Cal. Hindi ako makapaniwala na ang isang Rodriguez ay magpapa-tutor sa akin sa Science. Ano 'yun? Joke ba 'yun? Baka naman may camera siyang tinago sa kung saan at social experiment pala 'yun. At saka hindi pa nga siya sigurado kung matalino nga ba ako sa Science. Matalino naman daw siya sabi nila. Hay nako.
Napabuntong-hininga ako at nagsimulang maglakad. Dinala ako ng aking mga paa sa paborito kong lugar. Ang Treehouse. Nang masigurong wala si Azrael ay pumasok ako sa loob. Gusto ko muna mapag-isa. It's a long day and I feel exhausted. Naubos ang social battery ko.
Dahil tahimik ang paligid ay nakaramdam ako ng lungkot. Namiss ko tuloy si Tauren. Kailan kaya siya magigising?
Miss ka na ng ate, Tauren.
Buti pa ang kalungkutan bumisita pero ang antok kanina ko pa hinihintay.
Kumuha ako ng upuan at sinubukang buksan ang itaas upang makita ko ang kalangitan. When I successfully open it I jumped off the chair. Wow, those billions of stars. Napangiti ako. Ang ganda talaga nila kahit nasa malayo, kumukutikutitap.
"'Yan. Ganyan lang. Ngumiti ka lang, bagay sa'yo." Nagulat ako sa nagsalita. Hindi nga ako nagkakamali. Si Azrael, may dala itong gitara sa kanan niyang kamay habang sa kaliwa naman ay may dalawang ice cream. Napangiti ako ng mas malapad ng makita ang dala niya. Umayos ako ng tayo at saka lumapit sa kanya. "Bakit?"
Hindi ko siya pinansin at agad kinuha ang dala niya. "Salamat." Kinuha ko ang chocolate flavor na paborito ko at saka umupo sa upuan. Ang lampara lamang ang nagbibigay sa amin ng liwanag.
"Huy, akin 'yan." Reklamo pa niya. Ipinatong niya ang gitara sa lamesa. Tumawa lang ako. "Ba't ka nandito?" Naramdaman ko na tumabi sa akin si Azrael habang binubuksan ang kanyang ice cream na cookies and cream ang flavor. Paborito niya iyon.
"Bakit bawal ba? Ganyan ka pala ha 'pag ikaw lang mag-isa. Sasarilihin mo 'yung ice cream." Pabiro akong umirap. Siya naman ngayon ang tumawa.
Tahimik lang naming kinain ang ice cream habang dinadama ang malamig ng simoy ng hangin sa gabi.
I just needed this peaceful night filled with silence. Napabuntunghininga ako.
"Ano? Okay ka lang?" Marahang tanong ni Azrael na humaplos sa aking puso. Ngumiti ako ng pilit. I love how he cares for me. Napakabait niyang kaibigan.
Tumikhim ako bago sumagot. "Ba't naman hindi?..." Tumawa ako para makumbinsi siya. "At saka salamat nga pala sa ice cream. Gumaan ang pakiramdam ko rito. Kahit alam ko na para naman talaga 'to sa'yo dahil madamot ka." Biro ko. "Nag-abala ka pa na bumili dapat ginawa mo nang apat para tig-dalawa tayo." Dagdag na biro ko upang gumaan ang pakiramdam ko.
Ginulo niya ang buhok ko saka tumawa. "Kahit kailan talaga napakatakaw mo pagdating sa pagkain. Sige, sa susunod gagawin 'kong lima. Sa iyo lahat 'yun." Ngumiti siya at ngumiti na rin ako.
"Promise?" Parang batang saad ko.
"Promise." Ngumiti siya at inilahad ang kanyang pinky finger. Kinuha ko naman iyon at nagpinky swear kami.
Pagkatapos ay tahimik na ulit kami. Walang nagsasalita at pareho kaming nakatingin sa kalangitan habang kinakain ang ice cream. We both loves stars. It's our favorite scenery every night and watching them from above twinkling makes us happy. Alam kong mababaw pero kapag nakikita ko ang mga bituin ay nasisiyahan ako, kami. I just love those stars. I really admired them.
BINABASA MO ANG
Twinkle Twinkle Little Smile
Teen Fiction"I'll make you smile, giggle, chuckle, laugh-lahat-lahat na. Sisiguraduhin ko 'yon. You will be genuinely happy with me." He smile with finality.