Chapter 1

37 2 0
                                    

"Tali! Good Morning!" bati ng isang tinig.

Anong good sa morning, ha? Wala!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang hindi ito nililingon. Ang dalawa kong kamay ay nakahawak sa strap ng aking itim na backpack bag na nakasabit sa magkabilang balikat ko. Ang mga nakikita kong bato ay sinisipa. Wala akong ganang pumasok ngayon.

After the incident happened I couldn't smile anymore. Natatakot na ako. Natatakot na ako sa pwedeng mangyari. It got me traumatized. Ang sakit isipin na hanggang ngayon tulog pa rin ang kapatid ko. It's been 1 month since he fell into a coma. I regret everything. Ewan ko pero I feel like I'm the one should be blame for this. I feel like this is my mistake.

Sabi nga ni Tita hindi ko raw dapat sisihin ang sarili ko pero paano?

"Huwag ka nang umiyak, Talitha. Hindi mo naman kasalanan iyon." Hinagod ni Tita Junia ang likod ko habang ako'y humahagulgol sa lamesa, nakayukyok.

"K-Kasalanan ko po 'yun Tita, eh. K-Kung hindi ko sana siya p-pinapabayaan, s-sana hindi aabot sa ganitong pangyayari 'yon." Sumisinghot na sabi ko.

"Ako dapat ang mag-sorry. Ako dapat ang sisisihin mo. K-Kasalanan ko iyon." Doon ako napaangat kay Tita. May namumuong luha sa mga mata niya. "Sorry dahil nakatulog ako at hindi ko nabantayan si Tauren. S-Sorry." Naiyak na si Tita habang humihingi ng tawad.

Napatikom ang bibig ko. Hindi ko alam ang aking sasabihin. "H-Hindi niyo po kailangan mag–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"No, hindi." Bumuhos na ang mga luha niya. "Kasalanan ko ito. Dahil s-sa pagod naging pabaya a-ako. D-Dahil sa pagod ako sa trabaho, pagkatapos naming kumain ni Tauren ay n-nakatulog na ako. Hindi ko alam na nakalimutan kong i-turn off ang k-kalan. Naalimpungatan lamang ako ng makarinig ako ng ingay sa k-kusina. Pag-gising ko nakaamoy ako ng g-gas, I went to the kitchen only to find out na tina-try-an ni Tau m-magsindi ng p-posporo. Malapit lang siya sa kalan kaya huli na ng p-pigilan ko siya." Umiiyak si Tita habang nagkukwento. My heart sink, it was so deep. Paulit-ulit lang ang paghingi ni Tita ng tawad. Pinapatahan ko siya. Hindi niya kasalanan 'yon. Hindi niya kasalanan na mapagod at makatulog. Walang may kasalanan. Aksidente iyon. Pero bakit sinisisi ko ang sarili ko?

"Huy, Tali!" I returned to my sanity when Azrael blocked my way and I bumped into his chest. I looked up only to see him smiling, widely. Anong ningingiti niya?

"Oh, ano? Ano ba kailangan mo?" Nakakunot-noo na tanong ko.

"Sabay na tayo, akin na bag mo. Ako na magdadala niyan." Akmang kukuhanin niya ang backpack ko ng lumayo ako sa kanya.

"Ako na, hindi na kailangan," nagsimula na akong maglakad. Kaya ko naman 'to, eh.

Sumunod na rin siya sa akin. "No, I can do it for you. Akin na." Nagulat ako ng pwersahan niyang kinuha ang bag ko. Mahina lang naman 'yun pero nagulat lang din ako kasi ang bait niya ngayon. Ano nakain niya?

Hindi na ako umangal pa dahil mala-late na rin kami. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ten minutes ng marating namin ang eskwelahan. Malapit lang kaya pwede lang maglakad.

"ID mo, miss," Sita sa akin ng guard, nasa entrance ng gate na ako at nang kinapa ko ang dibdib ko. Sh*t! Hindi ko pala suot ang ID. Buti na lang nasa bag ko. Akmang kukunin ko sa aking backpack na bitbit ni Azrael ng bumati si manong guard sa kanya. "Magandang araw Azrael." Hindi na ako nagulat na kilala niya ang kaibigan ko.

"Goodmorning rin po kuya Mikee! Kaibigan ko po ito si Talitha, pwede na po ba kaming pumasok. Mala-late na po kasi kami." Masayang bati ni Azrael sabay higit sa akin papunta sa kanyang tabi at umakbay. Awkward akong napangiti kay manong guard.

Twinkle Twinkle Little SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon