Katatapos ko lang maligo at kinuha ko ang manicure kit upang linisin ang aking paa. Sa balkonahe ako maglilinis dahil maliwanag dito at saka ako umupo sa bangkito. Habang naglilinis ay may kumatok ng gate. Hindi ko ito pinapansin dahil alam kong si Azrael na naman ito. Makalipas ang ilang segundo ay nag-'tao po' na ito.
Padabog akong tumayo upang sermonan sana si Azrael. I open the gate. "Ano—" Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng ibang imahe ng lalaki aking nakita. Matangkad, pogi, mabango at mayamang lalaki ang bumungad sa akin. Cal? "Callahan?... Anong ginagawa mo rito?" Bakas sa aking boses ang kuryusidad kung paano niya nalaman ang tirahan ko.
"Have you forgotten about our deal?" Napakamot siya sa kanyang ulo, hindi sigurado kung tama ba na pumunta siya rito. "Study? Science? Math?" He tried to trigger my memory.
"O-Of course not!" Awkward akong tumawa. Paano ko ba naman makalimutan 'yun eh gabi gabi ko 'yun iniisip?
Pinatuloy ko siya at sinabing tatapusin ko lang ang paglilinis ng paa. I let him sit on a comfortable mini-sofa. Ang pinky toe na lang naman ang kailangan linisin ko kaya madali na lang ito. He patiently waits for me. Ilang segundo lang ay natapos na. I clean up my mess, and after that, I hurriedly comb my hair. I went to my room to get my things so that we could start our study session.
Ipinagtimpla ko na rin ng juice si Cal upang malamigan siya. Hindi pa naman 'to naka-aircon ang balkonahe namin. Baka kase pati balcony nila ay may aircon. Pinagpapawisan siya and I assume na naiinitan ito o baka tumakbo pa ito patungo rito sa amin.
Nang maayos na lahat ay umupo na ako across him. "So, ahm... tanong ko lang." I clear my throat. "Paano ka nakapunta rito? Paano mo nalaman 'yung bahay namin? Stalker kita ano?" Sunod sunod na tanong ko na agad niyang inilingan sa akusasyon ko.
"No, no. I'm not your stalker." Depensa niya sa kanyang sarili. "Nagtanong-tanong ako sa mga taga-rito at kilala rin ang pamilya niyo kaya ko nalaman. Sorry if I creep you out..." Napakamot siya ng ulo. "Weird ba?"
"Ay hindi, hindi. Okay lang. Buti nga at hindi ka binugbog ng mga tambay rito sa amin eh." Nag-effort pa talaga siya para magtanong-tanong at malaman ang bahay namin. Wait... Kikiligin na ba ako?
"Ah, hindi naman..." He scratch his head again. Cute naman.
I nod. "Ano? Let's start?" When he nod, that's the cue to give him my book. "Okay, sige... Basahin mo muna 'to, pagkatapos ay sabihin mo sa akin kung ano ang naiintindihan mo. Parang i-explain mo siya sa akin then you can ask me kung saan na parte ang hindi mo ma-digest. After that, tatanungin rin kita ng ilang questions. Okay ba?" Hindi ko alam kung tama ba 'to eh ngayon lang akong magkaroon ng study session o ano mang tawag nito.
"Sounds good to me." Kinuha na niya ang book ko at nagsimula ng magbasa. Binigyan rin niya ako ng ilang problem solving na is-solve ko at ic-corect lang daw niya yung mali ko. Sounds fair, right?
Habang nags-solve ay hindi pa rin ako makapa—
"Tali! Tali!" Isang maingay na boses ang tumatawag sa pangalan ko. Napalingon ako sa aming gate na mataas na kung saan hindi nakikita kung sino ang taong nando'n kundi paa lamang ang maaninag. Agad akong tumayo at lumapit sa gate namin. Boses palang alam ko nang si Azrael na'to. Totoong Azrael na'to. Pagbukas ko ay isang mabangong perfume ang sumalubong sa aking pang-amoy. Naka-white na long sleeve polo na pinaresan ng itim na slacks ang suot ni Azrael ngayon. Sa'n kaya ang punta nito? Inayos niya ang kanyang buhok bago kumaway. "Good Morning." Bati niya na may ngiti sa labi.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong good sa mor—" Hindi natapos ang aking sasabihin ng may nagsalita sa aking likuran.
"Tali? May I borrow a sharpener?" Napalingon ako sa kanya at gano'n din si Azrael. Nawala ang kanyang pagkakangiti at napalitan ng kalituhan. "Oh. Hey, man. I'm Callahan Braden Rodriguiz." Masayang bati ni Cal ng mapansin niya si Az na nakatingin sa kanya. Cal offered his hand at napunta ang tingin ni Azrael sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
Twinkle Twinkle Little Smile
Teen Fiction"I'll make you smile, giggle, chuckle, laugh-lahat-lahat na. Sisiguraduhin ko 'yon. You will be genuinely happy with me." He smile with finality.