Halos pamamasyal lang ang ginawa namin ni Ax simula umaga hanggang gabi. Pero ayos lang sa'kin 'yon dahil sya naman ang kasama ko.
Sa ilang linggo naming pagsasama namin ay napapansin kong madalas syang dumidikit sa'kin na hindi nya naman ginagawa dati, mailap sya sa mga tao eh.
"Isang linggo nalang ang itatagal natin dito, Jaz" Isa rin 'yan, naninibago ako dahil Ms. Jazzi ang tawag nya sa'kin noon pero pangalan nalang. Ayos lang naman kase tinatawag ko rin naman sya sa pangalan nya kahit Boss ko sya.
"Oo, tapos yung project na sinasabi mo ano na?" Totoo 'yon. Ni Hindi nya pinansin o pinagkaabalahan ang dapat na magiging project nya.
"Marami pa namang iba dyan" Sambit niya na tila walang sakanya. Kung ako 'yon masasayangan ako.
Kaming dalawa nalang ang natira rito sa Canada dahil pinauwi nya na yung mga staff at member ng DreamStars.
"Oh ano paba yung nasa listahan mo? Ayaw mo bang gawin na natin lahat? Sayang nasa magandang bansa pa naman tayo" Ay sino ba naman ako para tumanggi sayo diba?
"Seryoso ba 'yan?" Naninigurado kong tanong sakanya baka mamaya nan tritrip lang eh.
"Ayaw mo yata eh, wag na nga" Aniya at akma sanang aalis ay napigilan ko sya.
"Sino bang nag sabing ayoko?" Nakangiti kong sambit sakanya. Umiwas sya at pinipigilang ngumiti pero hindi nya na nakayanan kaya naman sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
"So, ano yung pangalawa?" Kinuha ko ang bag ko at nilabas ang papel na kung saan doon nakalagay lahat ng nasa listahan ko. Nilagyan ko na rin pala ng tsek ang una dahil nagawa naman na namin.
"Ice cream date with...my love" Pagbasa ko sa nakasulat sa pangalawa. Hindi ko nga alam kung dapat ko pa bang sabihin yung pang huli eh.
"Easy, let's go?" Anyaya nya. Tumango naman ako.
Naglakad lakad kami upang mag hanap ng bilihan ng ice cream pero ilang oras na ang nakalipas wala parin kaming mahanap.
"Ayoko na, kakapagod" Reklamo ko at naupo sa isang bench na nasa gilid.
"Hey, sumusuko kana agad? Hindi pa nga natin nagagawa eh" Aniya at naupo sa tabi ko.
Napatingin naman ako sakanya para pakalmahin ang sarili ko. Sa tuwing nakikita ko kase sya ay agad na umaayos ang pakiramdam ko. Galing no?
Nakasuot sya ngayon ng shades at cap para daw iwas sa mga taong lalapit sakanya o nakakakilala sakanya.
"Eh wala naman tayong mahanap na pag bilhan" Nakasimangot kong reklamo sakanya.
"Wait me here. May kukunin lang ako" Hindi nya na ako hinintay na sumagot dahil agad syang naglakad paalis. Wala na akong nagawa kundi ang hintayin sya dito.
Nanatili lang akong nakaupo at hindi umaalis sa pwesto ko. Makalipas ang ilang oras ay nakita ko na syang papalapit. May hawak itong dalawang plastic.
"Ano 'yan?" Turo ko sa mga hawak nya.
"Ingredients. Wala naman tayong mahanap edi gagawa nalang ako." Nanlambot ang puso ko sa sinambit nya. Mas lalo mo lang akong pinapa inlove, Ax.
"Talaga? Gagawin mo?" Namamangha kong tanong sakanya Tumango naman ito sa'kin kaya napangiti ako sakanya.
Hindi maalis sa labi ko ang ngiti ko habang pinapanood si Axul na ginagawa ang Ice Cream. Hindi ko alam na kaya nya palang gumawa.
Sinabi nya sa'kin kanina na huwag na raw akong maging malungkot dahil hindi kami nakabili, gagawa nalang daw sya. Hindi nya alam na kahit wala syang ginagawa ay napapasaya nya ako.
"You look prettier when you smile" Hindi ko napansin na nakatitig din pala sya sa'kin.
"Huh?" Tila wala sa sarili kong tanong sakanya. Umiling naman sya.
"Tapos na, ipapalamig ko muna 'to. Then mamaya okay na. Can you wait?" Tanong nito sa'kin habang inaayos sa ref ang ginawa nyang Ice Cream.
Tinatanong mo ba kung kaya kong maghintay Ax? Ikaw nga kaya kong hintayin kahit ilang taon eh.
"Of course" Masigla kong sagot.
"Pwedeng gawin na natin yung pangatlo? Habang hinihintay yan?" Tanong ko sakanya nang matapos nyang ayusin ang ginagawa nya.
"Sure, what's next?" Naupo sya sa tabi ko.
"Watch movies" Basa ko sa nakasulat.
"Where do you want to watch?" Tanong nito. Okay lang naman kahit saan basta kasama kita.
"Dito? Pag sabayin nalang natin yung pangalawa at pangatlo"
"Good idea" Aniya.
Inopen nito ang tv at nagsimula kaming mamili. Natagalan din kami sa pamimili hanggang sa nakahanap na kami. Nagsimula na kaming manood. Ang napili namin ay may horror genre.
Ilang oras na rin kaming nanonood. Tumingin sya sa orasan at tumayo. Sinundan ko naman ito ng tingin. Nakita ko syang kinukuha ang nilagay nyang Ice Cream kanina.
Naglakad sya pabalik. Nilapag nya ang dalawang klase ng Ice cream sa table na nasa harapan namin. Inabot nya naman sa'kin ang isang kutsarang hawak nya.
Nagsimula na kaming kumain habang nanonood. Tatlo na nasa listahan ko ang nagawa namin. Binaba ko ang Ice Cream na kinakain ko at kinuha sa loob ng bag ko ang papel. Minarkahan ko ng tsek ang mga natapos naming gawin.
Pinagmasdan ko muna ito para bilangin kung ilan nalang ang gagawin namin. May lima pa pala.
"What are you doing? Kumain kana" Nakuha ni Ax ang atensyon ko nang magsalita ito. Agad ko namang pinasok ulit sa bag ko ang papel.
Kinuha ko ulit ang Ice Cream na kinakain ko at sinimulang kumain ulit.
"Anong sunod nating gagawin?" Bigla nyang tanong. Nabasa ko na kanina kaya hindi na kailangang kunin pa ulit.
"Arcade date" Sagot ko at sumubo ng kinakain ko.
"Bukas na natin gawin, Kung okay lang sayo" Aniya at tinuon ang tingin sa Tv.
"Ayos lang saka hapon na, mas magandang mamasyal doon kapag simula umaga para mas maraming time" Paliwanag ko.
"Yeah" Tanging sagot nito.
Nang matapos kaming kumain ay nag presinta syang sya nalang daw ang mag aayos. Kumontra pa ako kanina dahil ako ang assistant nya kaya dapat ako ang gagawa non. Kaya lang ayaw nya namang pumayag kaya napilitan nalang ako pumasok sa kwarto ko para mag ayos.
Matapos kong mag shower ay naupo ako sa kama ko. Nag isip pa ako ng mga pwedeng mangyare bukas hanggang sa hindi ko na namalayang makatulog.
Keyninks: Good Evening! New update ulit, bumabawi na ako HAHAH sunod sunod na pong update. Pasabi nalang po if may mali or typo thankusm!
YOU ARE READING
HE'S THE BRIGHTEST STAR IN THE SKY
RomanceIsang babaeng inlove na inlove sakanyang idol. Lahat ay gagawin nya para lang mapansin sya nito. Paano kung mag aapply sya bilang assistant nito para malapit sya. Ano kaya ang magaganap kung natanggap ito? Ano rin kaya ang mangyayare kung imbes na a...