Kinaumagahan nagising ako dahil may nararamdaman akong may nakatingin sa'kin. Hindi nga ako nagkamali dahil pagkamulat ko ng aking mga mata ay agad kong nasilayan ang mukha ni Ax na kasalukuyang nakatingin sa'kin.
"Grabe naman makatitig 'to. Oo na maganda na ako" Pambungad ko sakanya. Tinaasan nya lang ako ng kilay at naglakad palabas. Anyare don?
Bumangon ako kaagad para sundan sya. Naglakad ako papunta sa sala kase doon naman sya lagi nakatambay. Pero pagkarating ko doon ay wala sya. Asan kaya 'yon?
Pumunta pa ako sa kusina para tignan sya pero wala talaga. Napilitan naman akong lumabas kaso pag kabukas ko palang ng pintuan ay sya agad ang bumungad sa'kin.
"Oh, kain kana. Tagal kase magising eh" Aba may sama pa yata ng loob ah. Inabot ko nalang ang binigay nyang plastic na may naglalaman ng mga pagkain kase gutom na ako.
"Ano 'to Ax? " Tanong ko habang sinisilip ang laman ng loob nung plastic.
"Laruan siguro, enjoyin mong kumain ng laruan ha?" Bwisit to, pasalamat sya mahal ko sya eh kundi pinatulan ko na 'to.
"Tse!" Naiinis kong sambit saka sya inirapan at tinalikuran para kumain.
Matapos kong kumain, agad ko itong niligpit kase baka may inutos pa sa'kin ang Boss ko.
"Jaz, may nag invite pala sa'kin. They want me to sing. Sasama kaba?" Tanong nito sa'kin. Kakatapos nya lang sigurong maligo kase basa pa ang buhok nito.
Nakasuot sya ng pure black, oo pure kase nakasuot sya ng t shirt na black saka nakasuot sya ng hoodie na black, black pants din ang suot nya. Tinignan ko naman ang sapatos nya at 'yon black din.
"Alam ko namang pogi ako Jaz pero sagutin mo muna yung tanong ko" Aba!
"Hindi na Boss, dito nalang ako"
"Sumama kana, saka mahalagang events 'yon kaya maraming sikat at mayayaman ang makikita mo ron. Malay mo makita mo yung mga idol mo." Tumingin naman ako kaagad sakanya para kumpirmahin kung totoo nga ang sinasabi nya.
"Ano bang meron don?"
"Hindi mo pa nameet yung may ari ng DreamStars right? Yung anak nya birthday nya ngayon, and his daughter want me there kase idol nya ako" Paliwanag nya.
Daughter? Ibig sabihin babae 'yon! Kung babae ibig sabihin baka...baka agawin nya sa'kin si Ax!
"Tara na, Ax" Tumingin ako sa suot ko kung ayos lang na ganto na ako. Mukhang okay naman kaya keri na.
"Huh?" Naguguluhan nyang tanong dahil sa biglaang pagbabago ng desisyon ko.
"Sabi ko tara na... Baka maagaw ka pa eh" Syempre bulong lang yung huli.
Hindi ko na sya hinintay kase nakatayo lang sya doon. Nauna na nga akong nag lakad palabas kaso nasa pintuan palang ako ay nandun parin sya.
"Ano na Boss? May balak kapa bang gumalaw?" Tanong ko sakanya. Tila natauhan naman ito at naglakad. Pagkalampas nya sa'kin ay may narinig akong binulong nya.
" Hindi naman ako mag papaagaw" Rinig kong bulong nito. Anong ibig nyang sabihin don?
Tulala parin ako nang bigla nitong pinitik ang noo ko.
"Ano hindi ka paba gagalaw?" Line ko yata 'yon eh?
"Eto na Boss, gagalaw na" Ani ko habang hinihimas ang noo kong pinitik niya. Sinabayan ko ang paglakad nya.
Nakatayo lang kami sa labas habang hinihintay ang susundo sa'min. Taray may sundo pa kami hehe.
Ilang minuto lang ako nakalipas bago dumating ang sundo namin. Sumakay na kami dahil sabi nya medjo malayo raw 'yon kaya naman pinatulog nya muna ako. Bago ako tuluyang makatulog ay naramdaman ko ang kamay nyang hinila ang ulo ko, saka ko naramdaman na pinatong nya ito sakanyang balikat. Kaya eto masaya na naman ako.
"Hey Jaz" Agad kong dinilat ang aking mga mata nang may narinig akong tumawag sa'kin kaso wrong move yata 'yon kase pag kabukas ko palang ng mga mata ko ay agad na bumungad ang mukha nito sa'kin. As in sobrang lapit halos maduling na ako, ang mas nag pahirap pa sa'kin ay sobrang lapit ng labi nya. Konting galaw ko lang ay alam kong didikit na 'yon. Muli kong naalala ang una nyang paghalik sa'kin noon, noong birthday ko.
"ehem" Kuha ko sa pansin nya dahil wala yata syang balak lumayo. Nang wala pa syang kinilos ay ako na ang kumilos. Agad kong iniwas ang mukha ko ng napakabilis kaso mali yata 'yon kase naramdaman kong dumikit ang labi nito sa aking pisngi.
Tila natauhan naman sya kaya bigla syang lumayo sa'kin. Pansin ko ang pamumula ng kanyang mukha at ng kanyang mga tenga. Tinitigan ko naman ito kaya lang nahalata nya yata kaya naman bahagya nyang tinakpan ang namumula nyang mukha pero kahit anong gawin nya nakikita ko parin.
"Kinikilig ka no?" Tila wala sa sarili kong sambit sakanya. Tumingin naman sya sa'kin at inirapan. Sungit!
Nauna na syang lumabas sa'kin kaya naman sumunod ako kaagad dahil may balak yata syang iwan ako.
"Boss! Teka lang!" Sigaw ko sakanya dahil ang bilis nyang mag lakad. Natanaw ko ang entrance at nakita ko doon na may bantay kaya naman mas binilisan ko pa dahil baka hindi ako papasukin.
Kaso pagkarating ko doon, nakapasok na ang magaling kong Boss. Hinarangan ako ng Bodyguard.
"Kuya, kasama ako nung lalaking huling pumasok, Si Axul Geinaide po"
Nagkatinginan naman sila nung kasama nyang taga bantay din. Napahawak naman ako sa ulo ko dahil nasa Canada pala kami, malamang English. Mapapasabak yata ako ah. Hindi pa naman ako makapag English ng maayos kapag kinakabahan ako.
"Uhm...Hey Brother! hehehe. I'm ano..hehe ano nga English non?" Napakamot ako sa aking ulo nang hindi ko maayos ang mga sinasabi ko. Bakit ba kase hindi ako makapag English ng maayos kapag kinakabahan ako? huhu
"Kwan...hehe...let me go?" Tila hindi ko pa siguradong sambit sakanila. Nagkatinginan ulit sila dahil hindi yata nila ako naintindihan.
"Let her in" Napalingon ako sa nagsalita, nasa likuran ko.
Parang familiar sya sa'kin. Teka sya yung boyfriend ni Liezel! Anong ginagawa nya dito?
"Kevin?" Ngumiti naman ito ng tipid sa'kin. Teka nga eto ba talaga yung boyfriend ni Liezel? Bakit parang anlayo naman, hindi kase sya ganto kumilos nuong nakita ko sila ni Liez.
"Hi Jazzi" Bati nito sa'kin.
"Ah anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong.
"Oh, I'm here to perform. They invite me to sing, then if they would like it makakapasa ako sa DreamStars " Paliwanag nito.
"Good luck, nga pala asan si Liezel?" Tanong ko sakanya dahil ngayon ko lang sila nakitang hindi magkasama.
"She's in the Philippines. Nag paiwan sya doon"
"Akala ko ba ayaw nyang mawalay sayo? Ni alisan ka nga ng tingin hindi nya magawa" Taka kong tanong. Tipid naman syang ngumiti.
"Let's go? Baka hindi ka papasukin kapag hindi ka pa sumabay sa'kin" Aniya. Tumango naman ako at sumunod sakanya. Tinignan ko naman ang dalawang tagabantay. Akala nila siguro hindi ako makakapasok.
Keyninks: New update! Natagalan hehe. Pasabi nalang po if may typo or mali thanks🤍
YOU ARE READING
HE'S THE BRIGHTEST STAR IN THE SKY
Storie d'amoreIsang babaeng inlove na inlove sakanyang idol. Lahat ay gagawin nya para lang mapansin sya nito. Paano kung mag aapply sya bilang assistant nito para malapit sya. Ano kaya ang magaganap kung natanggap ito? Ano rin kaya ang mangyayare kung imbes na a...