CHAPTER 16

26 6 0
                                    

Nang makapasok na ako sa loob, halos  lumuwa ang mga mata ko dahil sa sobrang ganda. Maraming tao rin ang naririto. Karamihan sa kanila ay mga empleyado ng Dream Stars, kasali na roon ang mga singer nila gaya ni Ax.

Speaking of Ax, ayon kita ko lang naman na may kasama syang babae. Pero hindi ko maitatanggi na nagagandahan ako sakanya. Sobrang kinis at tila hindi naaarawan sa sobrang puti. Okay talo ako roon.

" Jazzi, may pupuntahan lang muna ako" Paalam ng katabi kong si Kavin.

"Sige lang" Sambit ko at hindi na nag abalang tingnan sya.

Nakatuon lang ang tingin ko kila Ax at sa babaeng kasama nya. Napansin yata ni Ax na may nakatingin sakanya kaya naman luminga linga sya hanggang dumako ang tingin nya sa'kin.

Inirapan ko ito at umiwas ng tingin. Nang may dumaan na waiter sa harapan ko at may hawak na mga alak ay agad akong kumuha ng isa.

Iinumin ko palang sana ay agad na naramdaman kong may kumuha ng alak sa kamay ko. Akma ko sanang bubulyawan ang taong may gawa non ay natigilan ako nang makita ko si Ax, sya yung kumuha ng alak ko.

" Bawal kang uminom" Hindi pa ako nakapag salita ay agad nya itong inumin, ayon ubos.

"Doon kana nga" Reklamo ko sakanya. Akala nya nakalimutan ko na yung kanina, may pahawak hawak pa yung babae sakanya. Mang aagaw ng bebe.

"Baka nakakalimutan mo kung ano kita" Masungit nyang sagot.

"Aba hindi! Ako lang naman 'to yung future wife mo" Shet napalakas yata.

"What?" Ay bingi

"Wala po, Boss. Hindi kaba nagugutom Ax? Ako kase oo eh" Aniya ko.

"Hindi, pumunta ka nalang doon at kumain" Turo nito sa gilid na may maraming pagkain na nakahain.

"Okay thanks" Nag paalam muna ako sakanya bago nag lakad patungo sa maraming pagkain. Ubos kayo sa'kin.

Malapit na sana ako roon sa pupuntahan ko kaso nga lang may bumangga sa'kin. Kaya ayon natapon ang hawak nyang alak sa damit ko.

"Oh my god! I'm sorry" Naku naman. Itong babaeng kasama pa ni Axul ang nakabangga sa'kin.

"Ay teh hindi, walang sorry sorry dito" Sambit ko at sinubukang punasan ang suot kong dress kaso masyadong marami ang natapon kaya naman wala na akong magagawa.

"Luh, Grabe naman 'to. Sorry na nga eh" Gulat akong napatingin sakanya dahil nag tagalog sya.

"Marunong kang mag tagalog?"

"Yes, kaya sorry na ha? Samahan nalang kita. Don't worry papahiraman nalang kita ng dress ko, let's go" Hindi pa ako pumapayag ay agad nya na akong hinatak patungo sa isang silid.

Pumasok kami roon at pinaupo nya ako. Naglakad sya paalis. Ilang minuto lang ang tinagal nya at bumalik na sya. May hawak syang isang plastic bag.

"Change your clothes na" Sambit nito at inabot sa'kin ang hawak nyang plastic bag. Pagka kuha ko, agad kong kinalkal ang laman ng plastic bag.

" Ano 'to?" Tanong ko at tinaas ang skirt at crop top.

" Uh, damit" Napahawak ako sa noo ko, damit nga.

" Eh hindi naman ako nag susuot ng ganito saka akala ko ba dress?" Reklamo ko.

" Ikaw bahala, basa kang palakad lakad kung ayaw mong suotin" Kibit balikat nyang sambit.

Akmang kukunin nito, agad kong binawi. Wala naman akong choice, kundi suotin 'to.

"Eto na po, isusuot na" Sambit ko at naglakad patungo sa banyo nitong kwartong kinalalagyan namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HE'S THE BRIGHTEST STAR IN THE SKYWhere stories live. Discover now