Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa dumating na ang araw na pinaka hihintay ko. Ngayong araw ang punta namin ni Ax sa Canada. Nakatingin lang ako sa dalawang luggage na nasa tabi ng kama ko, kasama don ang dalawang back pack at isang malaking bag. Ayan lahat ang idadala ko sa Canada.
Napatigil ako sa pag iisip ng mga bagay na baka nakalimutan ko dahil narinig kong may kumakatok sa pintuan ng apartment ko.
Lumabas muna ako para tignan kung sino 'yon. Pagkabukas ko ng pintuan, si Ax agad ang bumungad na kasalukuyang malawak ang pag kakangiti.
"Ax, akala ko ba ako yung pupunta sayo? Sinusundo mo ako no?" Tila kinikilig kong sambit sakanya.
"Para kang tanga sa ginagawa mo , tumigil ka nga. Anong sundo ba 'yang sinasabi mo?" Napanguso ako at sinamaan ko sya ng tingin nang sabihin nya ang katagang 'yon.
"Wala! Ang aga aga Boss sinisira mo na naman araw ko. Pero okay lang ikaw na 'yan eh" Nakangiti kong sambit sakanya pero hindi man lang nya ako tinapunan ng pansin. Naglakad nalang sya papasok sa apartment ko. Pasalamat sya idol at Boss ko sya kundi baka nasipa ko na 'to papalabas, galing manira ng pangarap eh.
Sumunod ako sakanya papasok. Nakita ko syang naglakad patungo sa ref at binuksan ito. Naghahanap yata ng makakain. Wala kang mahahanap dyan Ax, andito na ako oh.
"Hoy babae, bakit walang laman tong ref mo? Hindi kaba marunong bumili?" Reklamo nito.
"Wala akong pera" Ani ko
"Laki laki ng pinapasweldo sayo ni— ko tapos wala kang pera?" Sagot niya sa'kin. Sinara nya ang ref ko nang wala syang mahanap na pagkain.
"Bakit nga ba kase ako pumunta dito? Wala namang makain dito bwisit" Reklamo nya sa kanyang sarili.
"Diba nga susunduin mo ako?"
"Para saan nga?" Tanong nya. Sasagot na sana ako nang tumunog ang kanyang phone.
"Jazzi, Mauna na muna ako may pupuntahan pa ako. Balik nalang ako mamaya" Hindi nya na ako hinintay na sumagot dahil dali dali na syang naglakad papalabas.
Bumagsak ang balikat ko nang marealize ko na hindi nya pala ako sinusundo. Maglalakad na sana ako pabalik sa kwarto nang may kumatok na naman. Bakit andami ko naman yatang bisita ngayon?
Napilitan nalang ako na buksan ito. Nagulat pa ako nang si Axul ulit ang bumungad.
"May nakalimutan ka?" Tanong ko dahil kakaalis nya palang ay bumalik na naman sya. Umiling lang sya
Bumaba ang tingin ko sa kamay nya nang makita kong may hawak na syang luggage.
"Ah 'yang luggage mo lang pala yung pupuntahan at kukunin mo eh. Akala ko nga hindi mo na ako susunduin. Ready na akong mag tampo oh" Pansin ko ang pagtataka sa kanyang mukha.
"What are you talking about? Anyway nasaan na ang mga gamit mo? Kunin mo na dahil baka malate pa tayo sa flight" Sambit nito. Tumango naman ako at tumakbo papunta sa kwarto ko.
Nakapag palit at nakapag ayos naman na ako kaya kinuha ko nalang ang mga gamit ko. Una kong sinuot sa aking likuran yung isang back up, agad ko namang pinatong ang isa pang bag. Isinabit ko naman ang malaking bag sa aking kaliwang balikat. Hinawakan ko naman ang dalawang luggage sa magkabilang kamay ko.
Hirap na hirap akong lumabas kanina dahil sa kabigatan ng mga dala ko. Nakita ko si Ax na hindi pa yata umaalis sa pwesto nya. Halata sa mukha na nya naiinip na sya.
Napansin nya yata ang presensya ko kaya naman napatingin sya sa'kin.
"Hindi mo sinabi sa'kin na pangarap mo palang maging closet" Masungit nyang saad. Pero hindi ko nagets ang kanyang sinabi
"Anong sinasabi mo dyan Boss?"
"Bakit andami mong dala? Sana pati 'tong apartment mo binag mo na din, Unbelievable" Umiling iling nyang sambit.
"Shut up, Boss. Tara na nga" Anyaya ko sakanya. Naglakad ako ng dahan dahan dahil talagang nabibigatan ako.
Napabuntong hininga naman si Ax at lumapit sa'kin. Kinuha nito ang isang back up na nakasuot sa'kin saka nya ito nilagay sa kanyang likuran. Kinuha nya rin ang malaking bag na nakasabit sa aking balikat saka nya nilipat sa kanyang kabilang balikat.
Ang isa nyang kamay na walang hawak na luggage ay ginamit nya para sya ang humawak sa isa ko pang luggage. Hindi nya sya nag salita at lumabas na lamang.
"Gentleman naman ng Idol ko" Nakangiti kong sambit. Nakatalikod ito sa'kin kaya hindi nya nakitang nag flying kiss ako.
Sumunod ako sakanya palabas, Sinara ko muna ang pintuan ng apartment ko bago bumaba.
Nadatnan ko si Ax sa labas ng kotse nya. Nakaayos na siguro ang mga gamit namin. Kinuha nito ang isa kong luggage at pinasok sa kotse nya.
Pagkatapos nyang gawin ito ay hinila nya ako papasok sa kotse nya. Pumasok naman agad ako dahil randam ko ang pagmamadali nya. Siguro dahil baka malate kami sa flight namin mamaya.
Pagkarating namin sa airpot ay walang masyadong tao na syang pinag tataka ko. Sumakay din kami kaagad. Wala rin akong masyadong nakikitang nakasakay rito, maliban kay Ax, sa'kin, sa mga body guard, at mga stuff ng dream stars.
Nakasakay na nga kami sa airplane. Medjo malayo layo rin ang byahe kaya naman nagpasya muna akong matulog. Ilang minuto pa bago ko ipinikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan nang nilamon ng dilim ang aking paligid.
Nagising nalang ako nang may maramdaman akong tumatapik sa'kin.
"Jazzi, gising kana. Nandito na tayo" Minulat ko naman ang aking mga mata nang marinig ko ang isa sa stuff namin. Sya ang gumising sa'kin. Nginitian ko lang sya bago sya umalis para gisingin rin ang iba. Nag unat muna ako bago ko hanapin si Ax.
Nakita ko syang nagbabasa ng libro. Hindi ba natulog 'to. Ang huli ko kaseng naalala bago ako makatulog , Ganyan parin ang pwesto at ginagawa nya kanina kaya naman hindi siguro sya natulog. Tumayo ako at lumapit sakanya para sabay na kaming lumabas.
"Boss, tara na?" Pag anyaya ko sakanya. Tumingin muna sya sa'kin at sinara ang libro nyang binabasa, tsaka sya tumayo.
"Okay, let's go" Sambit nito sa'kin.
Kinuha ko naman ang iba nyang gamit para ako na ang mag baba. Magkasunod kaming lumabas. Napansin kong gabi na pala dito kaya wala ng masyadong tao.
Ang iba sa'min ay nag deretso na sa hotel na aming tutuluyan habang ang iba naman sa'min ay hinihintay ang susundo at maghahatid patungo sa hotel. Dapat kami ang inuna nyo, tse!
Habang naghihintay kami napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman kong malamig, manipis pa naman ang suot kong jacket. Napansin yata 'yon ni Axul dahil napatingin sya sa'kin.
Nagulat nalang ako nang hubarin nya ang kanyang suot na jacket bago ito pinasuot sa'kin. Mag sasalita na sana ako pero inunahan nya na ako.
"It's okay" Aniya na para bang sinagot nya na ang dapat kong itanong.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang sundo namin. Mauuna na sana akong papasok dahil pinagbuksan nya ko ng pinto. Papasok palang sana ako nang bigla nya akong tinulak at sya ang pumasok imbes na ako. Ang sama ha.
Umatras tuloy kilig ko. Naglakad ako paikot para pumunta sa kabilang parte ng sasakyan. Binuksan ko ang pintuan at pumasok.
Pagkapasok ko, nakita kong nakapikit si Boss. Halata sa kanyang mukha ang kapaguran. Bahala sya dyan. Umandar na ang sasakyan kaya naman nag pasya muna akong matulog ulit.
keyninks: Good evening, Ebrabadi. May update na naman ako, buti nalang sinapag. Enjoy reading 🤍
Pasabi/Patama nalang po kung may mali, salamat.
YOU ARE READING
HE'S THE BRIGHTEST STAR IN THE SKY
RomanceIsang babaeng inlove na inlove sakanyang idol. Lahat ay gagawin nya para lang mapansin sya nito. Paano kung mag aapply sya bilang assistant nito para malapit sya. Ano kaya ang magaganap kung natanggap ito? Ano rin kaya ang mangyayare kung imbes na a...