JOURNAL ENTRY: FEELNGS
Mixed feelings.
Hindi pa rin okay sa pakiramdam na parang ginagamit ko si Inoru, kahit na ilang beses niya akong inassure kasi ganon din ako kay Gino? Pero sobrang thankful talaga ako sa effort and time na binibigay niya nitong mga nakaraang araw.
Kahit ngayon, dahil sa nangyari sa club, inaya niya ako na mag-unwind. Ayoko sana pero kinulit niya ako. At ayon ang saya ko kahit na bothered ako sa feelings ko kay Gino at naiinis ako sa kanya lalo na sa mga chat niya kanina. Kinuha ni Inoru phone ko at tinago. Hinayaan niya akong magbasa, uminom ng kape, tingnan ang paligid, at hinayaan niya akong tanungin siya or magbigay ng ramdom topics.
Ang dami ko pang napulot na writing material sa kanya dahil sa ideas and opinions niya. Ganda ng mindset niya gaya ng pinsan niyang si Ae.
BINABASA MO ANG
Afternoon Break
RomanceFinn Franquis Ordonez loves taking an afternoon break in coffee shops. It was an old habit that she didn't want to let go. However, the reason why she loves going to coffee shops for her afternoon break suddenly appeared. Her feelings also appeared...