JOURNAL ENTRY: FEELINGS
For days, I stayed sa room. Buti na lang busy si Charmian at madalas siyang nasa club nila kaya naman nagagamit ko iyong office/study/streaming room ni Charm na naging study and office room ko rin.
So far ang peaceful. Ang saya ko rin at thankful kay Charmian dahil ng lagay siya ng partition wall at nagdecorate siya sa side ko ng cozy set up. Ganoon niya ako kakilala huhu. Sa susunod, makwekwento ko rin sa kanila kung bakit madalas akong umiyak noon. Makakapagkwento rin ako tungkol kay Gino without fearing of their reaction kay Gino kasi I don't want to paint him as a villain. Pero kung ano man magiging opinyon nila, at least alam nila na nagmahal at nasaktan lang ako. Na hindi ako mag isa at never naging mag isa kahit noon pa man.
Siguro nga kailangan ko rin ikwento ito. Or siguro gusto kong i-open sa iba for me to get over it. For me to let it out. Kasi siguro hindi sapat na itong mga pahina ng papel lang ang may alam, kailangan ko ng karamay bukod kay Inoru. I need the comfort of my friends. Ilang beses naman sinabi ni Charmian, they will wait. Gusto nila kapag may kailangan ako, kapag hindi ko na kaya, pwede ko silang lapitan. Ayoko ng ganoon kasi parang bibigay ko sa kanila problema ko. Pero tama rin naman sila na walang masama na mag-seek ng help or comfort if totoong kaibigan.
BINABASA MO ANG
Afternoon Break
RomanceFinn Franquis Ordonez loves taking an afternoon break in coffee shops. It was an old habit that she didn't want to let go. However, the reason why she loves going to coffee shops for her afternoon break suddenly appeared. Her feelings also appeared...