JOURNAL ENTRY: POETRY
Sana sa Dulo, Mahanap Ko Ako
Sinubukan kong lumayo sa iyo
Sinubukan kong lumakad sa mahabang daan
Ang daan upang sa iyo ay mapalayo
Mapalayo sa sitwasyon na walang kasiguraduhaanSa bawat hakbang papalayo ay gumagaan
Gumagaan na para bang tama ang tinatahak
Sapagkat nawawala ang bigat na nararamdaman
Na para bang sa tamang daan ako ay hinahatakNoon ikaw lang ang nakikita
Nakalimutan tingnan ang sarili
Sapagkat ako ay nahulog sa iyong mga salita
Sa huli ikaw pa rin ang aking piniliNgunit ito na ba ang tamang sagot
Ang hanapin ang sarili ko
At lumayo na sa sakit na iyong dinulot
At sana sa dulo, mahanap ko ang ako
BINABASA MO ANG
Afternoon Break
RomanceFinn Franquis Ordonez loves taking an afternoon break in coffee shops. It was an old habit that she didn't want to let go. However, the reason why she loves going to coffee shops for her afternoon break suddenly appeared. Her feelings also appeared...