Chapter 71

16 5 0
                                    

JOURNAL ENTRY: DAY IN MY LIFE

Ang saya ko ngayon. Ang peaceful. Sana lang walang mangyaring masama? Pero ayon. Kahit na nagtatampo si Inoru, pinagbuksan pa rin ako, kinain yung hinanda ko, at ininom iyong gamot na binigay ko. Nakanguso pa siya na parang napalitan. Cute.

After niyang kumain, nagsorry ako. Tinanong niya bakit tapos ayon sinabi ko sa kanya iyong usapan namin ni Gino. Alam kong hindi ko kailangan mag-explain pero alam ko rin na deserve ni Inoru iyon lalo na siya iyong nandyan tuwing nasasaktan ako. Tuwing umiiyak ako dahil kay Gino. Nginitian niya ako at sinabi rin na hindi dapat ako mag sorry kasi wala naman akong ginawang kasalanan. Naluha ako pero tinawanan niya ako’t ginulo ang buhok ko. Ilang beses niya akong pinaalalahanan na ‘wag mag-overthink. Kahit naman daw mainis siya, mawawala rin naman at iintinidihin niya ako. Then, sa conversation namin sa messenger… mas lalo akong natunaw. Hindi ko talaga deserve si Inoru kaya kahit noon alam kong hindi ko dapat hayaan siya sa tabi ko pero okay lang naman maging selfish din, ‘di ba? Kung naging selfish ako para sa past self ko kay Gino, pwede rin naman sigurong maging selfish na gusto kong nasa tabi ko lang ngayon si Inoru habang nasa ganito akong sitwasyon. Gusto kong kumapit sa kanya.

Afternoon BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon