Unexpected Love (KrisJoy.KathNiel FF)

3.5K 34 0
                                    

PROLOGUE

JOYCE's POV:

Naranasan mo na ba yung tulungan ang isang tao sa Panliligaw sa Bestfriend, Kapatid, Pinsan, Kaklase, Kamag-Aral o kinakapatid mo? Basta yung importanteng tao sa buhay mo. Yun bang ikaw ang maging Bridge nilang dalawa? Kung ako kase ang tatanungin nyo. Oo. Naranasan ko na. Okay naman nung una eh. Parang wala lang sakin. Wala naman kasi kong Special na nararamdaman sa kanya. As in Friends lang talaga. Pero, Bakit ganon? Habang tumatagal.. Feeling ko, nagseselos na ko sa nililigawan nya. Alam ko, mali yung nararamdaman ko. Kasi, wala naman akong Karapatan diba? Isa pa, Friends lang kami. Iba ang mahal nya. At ako? Wala lang. Pinili ko ito eh. Kaya dapat panindigan ko.

KRIS's POV:

Naranasan mo na ba yung magpatulong sa isang Tao na manligaw? Siguro, konti na lang yung gumagawa nun. Eh, yung habang tumatagal.. Narerealize mo na, na-fall ka na pala sa taong tumutulong sayo sa panliligaw sa taong gusto mo? At yung pagkagusto mo sa nililigawan mo. Konti-konti ng nawawala. Ano bang gagawin mo? Aamin ka ba sa kanila? Ako? Ewan ko. Naguguluhan na ko. Wala akong gustong masaktan sa kanilang dalawa. Pero, di mo naman mapipigilan ang puso na mainlove diba? Tsk. Lakas maka-Keso ng mga sinasabi ko.

KATH's POV:

Sabi nila, "The More You Hate. The More You Love". Tama nga ba yan? Pano naman magiging Totoo yan? Hate mo nga diba? Ang daming nagsasabi sakin tungkol dyan. Oo, inaamin ko. Gwapo nga sya. Isa sa mga Heartthrob ng School at Tinitilian ng mga Babae. Pero, Ako? Wala lang sya para sakin. As in wala. Pano mo naman kasi magugustuhan ang isang tao kung napaka-Hangin at Yabang naman? Ewan ko ba sa iba, kung Bakit gustong-gusto sya. Nakaka-Asar lang. Ang arte nila. Todo pa'cute pa dun! Wala nga atang araw na di nya ko Binabadtrip eh. Simula ng mag-Transfer sya sa School namin, Hindi na naging maganda ang Araw ko. Ang saklap :| Pero, dumating yung araw na di ko talaga ineexpect. Kung Ano man yun. Malalaman nyo na lang.

DANIEL's POV:

Gwapo naman ako, Matangkad, Talented at Heartthrob. Gustong-gusto at Tinitilian ng mga Babae. Hangin ko ba? Pasensya naman. Nagsasabi lang ng Totoo. Haha. Dejk. :)) Pero, Ewan ko ba.. Siya lang yung bukod tangi na may ayaw sakin. Asar sakin. At parang wala lang ako sa kanya. Eh, halos lahat nga Gustong-gusto ko eh. Pero, mga Di ko masyadong pinapansin. Psh. Bulag yata yun eh? Di marunong tumingin kung Ano ang Gwapo eh. Pero, Ako naman. Parang Ewan. Alam ko na nga na ayaw nya sakin, Ako? Patuloy pa din sa Pang-Aasar sa kanya. Nakakatuwa kaseng mang Badtrip lalo na kung sobrang Asar sayo yun. Haha! Try nyo minsan! Masaya. Hahaha. Pero subukan nyong awayin sya, ako makakalaban nyo.

------------------------------------------------------------------

 Hi guys! Hope you'll like our story. Enjoy reading.. 💌

Follow us on twitter.

@KrisJoyKathNiel

@jhonanuela

@Nachooooo26

@KrisLoves02

Unexpected Love (KrisJoy.KathNiel FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon