~ Hi, guys! Eto na po yung CHAPTER 9 ng UNEXPECTED LOVE :))
KRIS's POV:
Papunta ko ngayon sa Principal Office. May nagpunta kasing sophomore na guy sa room namin kanina, di ko lang alam name nun. Mukhang new student eh. So, ayun nga pag punta nya sa room namin, sinabihan akong pinapatawag daw ni Sister yung SC Pres. at SC V.Pres, na kame ngang dalawa yun ni Kath. Hm. Bakit kaya? Ano meron?
Hay nako, Kris. Kaya ka nga pupunta dun para malaman mo eh. Diba?! Oo nga pala. Eto, nasa tapat na ko ng Pinto.
*Tok tok*
Kumatok muna ko. Oha. Parang nasa bahay lang noh? Haha. Pero, hindi naman yung malakas na katok na parang gigibain ang pinto ah? Haha. Well, Ganyan dito samin eh. Dapat kumatok ka muna, pag papasok ka ng P.O. Ganyan trip nila eh! Sundin na lang ang rules
"Come in!" sabi nung nasa loob. Sino kaya yun? Di ko kilala eh. Haha. Joke! Si Sister Margareth yun
"Good Afternoon po, Sister!"
"Good Afternoon din, Mr. Dangculos. Please take a seat."
So, ayun nga. Umupo ako. Umupo ako sa Lapag. Haha. Dejokelang. Syempre, umupo ako sa isang upuan na nasa tapat ng table ni Sister.
"Ah. Sister, Bakit nyo po pala kame pinatawag ni Kath?" tanong ko kay Sister.
"May sasabihin lang ako sa inyo ni Chandria. Teka, Nasan na ba sya? Di pa rin ba sila bumalik sa room nyo?"
Sanay talaga si Sister Margareth na ang tawag kay Kathryn, yung second name nya na Chandria. Pero, minsan tawag nya dun Ms. Bernardo. Bihira mo lang maririnig kay Sister na tawagin yung Kath or Kathryn eh.
"Hindi pa po eh." sagot ko naman.
"Ah, ganon ba? Sige, hintayin na lang natin. Alam na naman siguro ng mga classmate nyo na dapat siyang magpunta ulit dito diba?"
"Ah, Opo. Sinabihan ko na din po sila."
"Okay."
---------------------
DANIEL's POV:
"Uy! Uy! Tekaaaa! Chandriaaaaaa!" sigaw ko sa masungit na babaeng yun. Pero, di pa din ako pinansin. Tuloy-tuloy lang sa paglalakad.. Kala mo, walang narinig. Ano ba yan! Tama bang Snobin yung tulad ko? Tss. Ano pa nga bang gagawin ko? Edi, susundan ko sya. No choice eh!
"Teka, lang naman! Tumigil ka nga muna!" sabi ko.
Naglalakad pa din sya. Kulet talaga nitong masungit na 'to. Di mapagsabihan.
"Chandria! Ano ba! Sinabi ng huminto ka muna eh!" sabi ko. Medyo, asar na nga ako eh. Pano, pinapatigil lang saglit. Ayaw pang gawin.
Ayun! Napahinto naman sya sa paglalakad. Haha.
"Bakit ba?! Ano bang kaylangan mo, huh?! Tapos na kitang i-tour dito sa buong campus! Huwag mong sabihing di mo nakabisado yung mga facilities dito?!" masungit na sabi nya. Tsk. Tingnan nyo na? Ang sungit talaga neto! Grabe!
"Tss. Tingin mo sakin? Walang utak para di makabisado yung mga facilities dito? Alam na alam ko na noh!" sabi ko naman.
"Oh. Yun naman pala eh. Edi huwag mo na kong sundan." tapos, naglakad na ulit sya.. Ako naman, sumunod ulit sa kanya.
"Uy! Chandria! Saglit nga lang kase!"
Tapos, napaharap ulit sya sakin.
"Ano ba?! Di makaintindi?! Sabi ng huwag ka na ngang sumunod sakin eh! Nakakairita ka na!" inis na sabi nya. Grabe ah! Ang sungit talaga nito! Siya pa lang yung nakikilala kong Babae na nagsungit sakin ng ganto.