UL.8

267 5 12
                                    

JOYCE's POV

Andito kami ngayon sa classroom. Eto daldalan, wala pa kasi yun first subject teacher namin. Ganun naman diba pag wala pa ang teacher daldalan lang. haha! Busy kami sa pag daldal namin ng biglang dumating si Kris. At syempre sino pa ba ang una nyang hahanapin. Edi si Kath. Bakit ko ba iniisip yun. Bahala sila dyan! hehe. Nagulat naman ako ng may biglang tumabi sakin. Bumalik na kasi ako sa upuan ko, nakakapagod din kasi dumaldal. Sila ayun iniwan kong dumadaldal. haha!

"Joeys!" Si Kris lang pala! Haaaah? Si Kris? Ano na naman kaya kailangan nito sakin. -__-

"Oh bakit?" Sagot ko ng pataray. Hehe! Wala lang trip ko lang magtaray.

"Ang taray naman nito! Namiss kita bakit ba!" Siya. Namiss lang pala nya ako eh. Haaaah? Namiss niya ko? OMGeeee! Hay naku Joyce ang OA mo na.

"Sus! May kailangan ka lang kaya mo ko namiss!" Sabi ko sakanya. Totoo naman eh. Nakakatampo lang! Hmmp!

"Eto naman makikipagkwentuhan lang. Di ko naman hahanapin sayo si Kath eh. Kasi naalala ko sinabi nya sakin kagabi sa text na may ipapagawa sakanya si Sister." Paliwanag niya. Explain to the much lang haha!

"Oo na! Oo na! Eh ano ba kailangan mo?" Tanong ko sakanya.

"Wala! Makikipagkwentuhan nga. Saka nagiisa ka dito eh, Bakit di ka makisali sakanila?" Tanong naman niya sakin. Himala sumeryoso to ngayon?

"Andun ako kanina. Diba nga nakita mo pa ko dun. Lumabas ka lang saglit kaya di mo nakita na lumipat ako dito." Sagot ko naman sakanya.

"Ay oo nga pala! Pero bakit ka umalis dun? Ayaw mo na sila kausap?" Tanong ulit nya sakin. Ang dami lang tanong.

"Eh napagod na ko kakadaldal eh. Gusto ko naman tumahimik. Kahit ngayon lang. Masama ba yun? Tanong ko rin sakanya.

"Hindi!" Maiksi nyang sagot.

"Eh ikaw bakit ka andito? Bakit hindi ka doon sakanila?" Pag balik ko ng tanong sakanya.

"Gusto ko ikaw kausap eh. Saka ang ingay nila magusap puro kalokohan pa." Si Kris. Sya ba talaga tong kausap ko? Napakaseryoso nya talaga ngayon.

"Hindi nga?" Maiksing tanong ko sakanya.

"Oo naman. Saka wala ka kasama at kausap dito oh. Kaya andito ako." Si Kris! Ano kaya nakain nito.

"Okay!" Maiksi kong sagot.

AWKWAAARD MOMENT!!!!

"Aahh Kris!/Aahh Joyce!" Sabay naming sabi.

"Aahh sige una ka na!" Sabay ulit namin sabi.

"Hindi ikaw naa!" Sabay ulit namin sabi, Ano ba to.

"O sige ako na!" Sabi ko.

"Aaaaahmmmmm! Kamusta na kayo ng bestfriend ko? Kamusta na kayo ni Kath?" Tanong ko sakanya. Wala lang gusto ko lang malaman kung ano na balita sakanila.

"Bakit? Di ba nagkukwento sayo si Kath? Imposible naman. Eh bestfriend ka nun." Sabi ni Kris.

"Hindi eh. I mean hindi pa sya nakakapagkwento sakin. Alam mo na busy tao yun." Sagot ko naman sakanya.

"Ah oo nga eh pansin ko nga yun. Tignan mo ngayon excuse sya." Si Kris. Mukhang nagtatampo kay Kath.

"Saka dapat magkwento ka rin sakin di lang si Kath. Baka nakakalimutan ko sakin ka humingi ng favor so dapat updated ako dyan ah." Sabi ko sakanya,

"Sabi ko nga eh. Hahaha!" Si Kris, sabay kamot sa ulo at tawa. haha! Cute lang niya. Haaah? Ano daw sabi ko? Pero totoo naman eh. Hayz!

"Hahaha! So ano na?' Nakitawa na rin ako haha!

Unexpected Love (KrisJoy.KathNiel FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon