KRIS's POV
Weekends na. At eto ako ngayon nasa bahay ni Joyce. Sinabi ko kasi sakanya na narinig ko yun pinagusapan nila about dun sa panliligaw ko kay Kath. Open naman ako kay Joyce alam kong okay lang sakanya kung ituloy ko ang panliligaw kay Kath kahit na ayaw pa ni Kath magpaligaw.
"Ano na plano mo ngayon?" Tanong ni Joyce sakin.
"Edi ipagpapatuloy ko pa rin yun balak kong panliligaw sakanya. Papatunayan ko na di ako sagabal sa pagaaral niya. Instead magiging inspirasyon pa niya ako." Sabi ko ng seryoso.
"Wow ah! Kris, ikaw ba yan? haha! Ngayon lang kita nakita magseryoso sa babae ah." Si Joyce
"Minsan lang ako magseryoso, kaya hayaan mo na. haha!" Ako, kokontra pa tong babaeng to eh.
"Oo naaa! Sige naa! Mahal mo talaga siya eh ano pa magagawa ko." Si Joyce, parang may laman ata yun sinabi niya? Hmmmm.
"Papatunayan ko sakanya na kaya kong maghintay hanggang sa ready na siya. Tsaka andyan ka naman eh. Diba susuportahan mo naman ako? ^___^" Ako, haha! Ngiting wagas para di na siya makahindi.
"Ano pa ba magagawaw ko. Subukan mo lang saktan ang bestfriend ko, nakuuuu! Malalagot ka talaga sakin." Si Joyce, akmang sasapakin ako. Haha! Nakakatuwa talaga tong babaeng to. Napaka-mapagmahal na kaibigan. Kaya mahal ko to eh. Ooppps! Bilang kaibigan ah si Kath talaga ang mahal ko.
"Kaya mahal kita eh haha!" Ako sabay akbay sakanya.
"Oh siya! Umuwi ka na at maliligo na ko. May lakad pa kami nila Kath mamaya eh." Sabi ni Joyce. Tinataboy na ko nito ah. :(
"Grabe naman makataboy ka. Oo na eto na palabas na nga oh." Ako
(Akmang lalabas na si Kris ng bumalik ulit siya. Nasa pinto na siya at sumilip pa)
"Sama nalang kaya ako? ^___^" Pahabol kong sabi sakanya bago niya isara ang pinto.
"Hindeeee! Girls day out lang. Di ka pwede sumama! Tsupeee!" Sabi no Joyce. Yabang! Edi wag! haha! Susunod nalang ako. haha! Joke! :)
Oo nga pala nakalimutan ko. Ngayon nga pala ang uwi ni Dandan (Si DJ yan, yan yun tawag ni Kris kay DJ nung mga bata pa sila, tapos kay Kris Tuntun. :) ) Kasama pala ko ni tita magsusundo sakanya. Buti nalang di pumayag si Joyce na sumama ako sakanila. Nakuuu! Kung hindi magagalit sakin yun si Dandan. Your my Angel talaga Joyce. :)
--------------------------------
DANIEL's POV
All my thing are packed i'm ready to gooo! Haha! Sa sobrang excited kong umuwi napapakanta na ko. hehe. Excited na ko makita si mama, Si tuntun ang childhood friend slash bestfriend ko nung bata pa ko. Kamusta na kaya yun? May Girlfriend na siguro yun. Buti pa siya. haha! Teka nga! Bakit ba ko naiinggit kung may girlfriend man siya may mga boyfriends naman ako hahaha i mean ang P5 hehe. Joke ^__^V De seryoso, darating naman yan sa right time at the right person eh. Ano daw dami ko lang alam haha!
"Kuyaaaaaaa!" Si JC. Makasigaw lang wagas.
"Anoooooo? Sigaw ko din sakanya. haha! Ganti ganti lang hehe.
"Anong ano ka diyan! Dalian mo na at baka maiwan ka pa ng eroplano! Tagal tagal mo magayos diyan eh." Si JC ulit. Iritado lang? haha! Mamimiss ang ako nito eh.
"Eto na nga pababa na oh." Ako.
(Pagkadating sa baba)
"Mamimiss mo lang ako brader eh." Pagbibiro ko kay JC. haha!
"Ewan ko sayo dalian mo na! At baka nagaantay na si mama dun sa Pinas! Alam mo naman yun. Mas excited pa sayo." Si JC. Dami lang sinabi, ayaw pang sabihin mamimiss ako haha!