Kris' POV
Friday na. Excused kami ni Kath kasi ngayon yung planning namin for our Academy Day. So yung Acad kasi 3 days yun.
"Ahm. Kath, tingin mo? Ano dapat gawin sa first day?" Tanong ko kay Kath. Kanina pa kami dito sa SC Office pero wala parin kami nagagawa.
"First thing in the morning, magkakaron tayo ng Mass di ba? Then after nun, start na ng field demonstration. So simulan nalang natin sa Kinder, tapos hanggang 4th year na yun. Tapos yung opening speech na ni Sister and opening of booths." Kath
"Sige. Ako na mag a-assign ng booths per level sa Elementary. Yung sa highschool di ba per section ang booth, hindi pang buong level?" Sabi ko habang siya nagsusulat ng mga ideas namin. Ang seryoso talaga ni Kath. Siya kasi yung taong, focus kung focus. Pag tapos na yung ginagawa niyo, ayan, mmakulit na rin siya. Super turn on yun noh Haha
"Oo. Ako na sa highschool. Sa kanila na natin i-assign ung medyo mahirap na booths. So sa elementary mga foods nalang siguro. Sa highschool, arcade, kissing booth, dedication booth, Social hour, etc."
Nagpalitan lang kami ng ideas ni Kath. Mamaya nanamin aayusin. Lunch break na rin kasi. May pinadala dito si Sister na meal para saming dalawa. Para di na raw kami lumabas at bumili ng foods. Mamaya itatype nalang namin to para mapakita na kila Sister and maapprove na nila. Mainam nang mas maaga para if ever may gustong iedit sila Sister, maaayos agad namin. Mahirap na pag last minute changes ang mangyayari.
"Ahm. Kath eto food mo oh. Kain muna tayo. Mamaya mo na ituloy isulat yan."
"Ah sige. Thanks Kris ah. Tara sabay na tayo."
"Sure. Sige. Sige."
*Silence
Ang tahimik. Gusto ko kausapin si Kath about my feelings for her. Kaso eto nanaman. Natotorpe nanaman ako. Ano ba yan Kris! Magpakalalaki ka nga! Bakla ka ba? Argh. Kris. Kris. Kaya mo yan. Psh. Kaya lang kasi baka ma-awkward siya. Mamaya na nga lang after namin makausap si Sister. Basta seryoso. Tatanungin ko na talaga siya. Seryoso. Seryoso na talaga. Seryoso na nga eh. Seryoso na db? Aish. Bahala na mamaya!
Pagkatapos namin kumain, tinuloy na namin ni Kath yung ginagawa namin para maaga kami matapos. After 1hr, natapos na kami.
"Kath sige pahinga ka muna. Ako na mag tatype. Kanina ka pa nagsusulat diyan eh. Baka masakit na kamay mo." Dala ni Kath yung laptop niya. Allowed naman siya, si sister na rin nagsabi na dalhin nalang niya laptop niya para madali na.
"Naku hindi na. Ako na. Kaya ko pa naman.
"No. I insist. Sige na chill ka nalang jan. Ako na mag ttype dito."
Kinuha ko na yung yellow paper na pinagsulatan niya kanina. Ang ganda talaga ng sulat niya. Hahaha. Hiningi ko na rin yung laptop niya. Pag open ko, napangiti ako bigla. Kami lang naman ang walpaper niya.
Oo kami..
Ako... <3
Siya.... <3
Tska ang barkada....
Hahaha. Kala niyo kaming dalawa lang no? How I wish. Pero ok na yun. At least magkasama kami. Pag naman sinagot niya na ko siguradong kaming dalawa nalang ang wallpaper niya eh. Hahaha. Sige lang Kris. Utuin mo lang yang sarili mo. Paasahin mo. Pero di naman masamang mangarap db? Haha.
"Huy Kris. Ba't nakangiti ka jan?" Sabi ni Kath. Natulala na pala ko. Hahahaha
"Ah wala. Tayo pala wallpaper mo. Ah, I mean, ang barkada pala. Hehe."
![](https://img.wattpad.com/cover/4841794-288-k474071.jpg)