CHAPTER 25

50 1 0
                                    

It was 4AM in the morning and today is my most awaiting day.

Today was the start of first leg of Toyota Vios Cup na siyang mangyayari sa Clark International Speedway. I decided to join the promotional team and I admit that I was really nervous.

Talagang ngayon palang nagsisink in sakin na sasabak na ako sa totoong karera at unti-unting tumutunog na ang pangalan ko sa media. Lalo pa't estudyante ako ng isa sa kilalang unibersidad sa Manila, iba iba na ang natanggap kong reaksyon.

Most of them was negative comments at bahagyang naaapektuhan ang mental state ko durig the training but Sir Bonifacio got my back. Pero hindi rin naman nawawala ang ibang mga sumusuporta sa akin kaya doon nalang ako mas lalong kumapit na kahit papaano ay may naniniwala sa kakayahan ko.

Nandyan din naman ang mga kaibigan kong handang sumuporta para sa akin.

I was about to get inside my room after I took some breakfast when I hear Dad's voice. Naisara ko ulit yung pintuan ng kwarto ko bago humakbang papalapit kung saan nagmumula ang kanyang boses.

He was outside the balcony and talking to somebody. I hide behind the sliding door and listen to their conversation, kung sino mang kausap niya.

"I'm sorry honey, I can't go with you right now." my jaw clenched when I hear what he says because I know now that he's talking to his fucking mistress!

"Aha, uhm, how's the baby?" doon pumintig ang pandinig ko, what?!

Anong baby? May ibang anak si Daddy?!

Kumabog ng husto ang dibdib ko sa 'king narinig. Halos hindi gumagalaw ang kahit na anong parte ng katawan ko, kulang nalang ay tumigil sa pagtibok ang puso ko.

"I'm glad to hear that, alagaan mo nang mabuti ang anak natin...okay honey? I love you." I bit my lower lip to control myself, no, hindi ka pwedeng umiyak Vanessa.

Racing mo ngayon! Masisira ang focus mo!

Kahit nanghihina ay nagawa ko nang tumakbo pabalik sa aking kwarto. Napalakas pa yung pagsara ko ng pinto at napasandal dito habol habol pa ang sarili kong hininga.

Akala ko kabit lang ang meron siya, ang lakas pa talaga ng loob niyang magkaanak sa iba!

Para akong bulkang nag aalboroto ngayon habang abala sa pagligo. Parang hindi natatanggal ng malamig na tubig na dumadaloy sa katawan ko ang nagbabaga kong emosyon.

Napapikit ako ng mariin at pilit na pinakalma ang sarili ko. Natapos naman akong maligo pero parang gusto ko nalang mag back up dahil sa nangyari.

But I should not. May ibang umaasa na makikita ako ngayon sa Pampanga, I should continue this. Hindi pwedeng masira ang pinakagoal ko dahil lang sa kahayupang ginagawa ni Daddy!

"V!" tawag ni Kuya Cedrick, kasama niya si Ate Bleanna pagkapasok ng kwarto ko.

Maayos naman na silang dalawa. Balita ko kasi nung nakaraan ay nagkatampuhan din ang dalawang ito, pero wala, that's love. Babalik at babalik ka kahit nasaktan ka niya. Unless paulit ulit mo nang gawin 'yon.

It means tanga na yung tao no'n.

"Goodluck Vanessa!" sabi ni Ate Bleanna, though weird tawagin siyang Ate dahil mas mukha akong Ate sa kanya dahil sa height ko.

"Thank you." sagot ko kaya ginawaran naman niya ako ng mahigpit na yakap, alam kasi niya na may karera ako ngayong araw, kanino paba niya malalaman yun kung hindi sa Kuya ko.

Until now na dumating na ang araw ng racing ko ay wala paring ideya si Mommy. Ayokong munang dumagdag sa isipin niya, siguro aaminin ko nalang kapag nanalo ako mamaya...sana lang.

Reaching The Lines (Racing Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon