CHAPTER 27

55 1 0
                                    

Try to play the music below while reading this chapter. Para mas masakit. Bring some tissue too. ;)

~~~

If you ever had somethin' that you wanted to say
You better start talkin' before I go away

Featured Song:
Something To Say by Harem Scarem

~~~

Mabilis ang takbo ng sasakyan ko. Malakas ang kulog at nagbabadya ang malakas na buhos ng ulan. Sa sobrang bilis ng pagmamaneho ko ay nahahawi na ng hangin yung luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi ko.

I'm fucking tired facing all of those shits in my life.

Hindi ko na alam anong pagtutuunan ko ng pansin. Hindi ko na alam kung paano ko tatanggapin ang lahat. Basta umiiyak lang ako, I can't even feel my own heart beat.

Habang nakatuon ang atensyon ko sa daan ay doon nagsisink in sa utak ko ang mga bagay. Doon ko na realized na hindi na kami pwede ni Elias once my Dad will marry his Mom.

And I don't know how to face the truth. I can't let go of him knowing that he's one of the reasons of my everything, the man who made me so happy. Siya rin ang isa sa mga witnesses ko habang inaabot ko ang pangarap ko.

Pero I know that won't be possible, hindi posibleng hawakan at panatilihin sa iyong kamay ang isang tao na pilit sayong inilalayo ng tadhana.

Pilit sayong isasampal ang katotohanang hanggang doon nalang ang inyong pahina sa buhay na 'to. And you don't have any power against it.

Nawala ang pag-iisip ko nang marinig kong may bumubusina sa likuran ko. Tumingin ako sa rear view mirror but I can't see the car who's following me behind because of its headlight.

I don't know where I am now, ang alam ko lang kasi ay lumayo nang lumayo mula sa lugar kung saan nalulunod ako ng emosyon ko.

Patuloy padin ang pagbusina ng sasakyan sa akin kahit na malaya naman siyang mag-overtake. Bumuhos na ang malakas na ulan at zero visibility na yung lugar.

At dahil na rin sa malakas na hangin ay pumapasok na sa loob yung tubig ulan. But I choose to still open my window.

Nag overtake na yung sasakyan, akala ko ay lalampasan niya ako ngunit pinantayan niya lang ang takbo ko, I saw Elias, he's calling me.

"B-Babe!" naghahalo ang malakas na tunog ng ulan pati ang boses niya, hindi parin ako huminto at mas binilisan pa ang takbo.

He followed me! Ayoko na siyang makita dahil mas lalo lang akong nasasaktan!

"Vanessa!" naiwan ko siya bahagya pero nahabol parin niya ako, right, I forgot that he's a racer too, kayang kaya niya pala akong habulin at lampasan!

"Please talk to me!" pagpupumilit pa niya kaya ako itong si naririndi na kasisigaw niya.

Huminto ako sa pagmamaneho kaya napahinto rin siya sa likuran ng sasakyan ko. I stepped out of my car and letting my body soaked in rain water, still wearing my hoodie which covers my uniform underneath.

Iniwan ko yung sasakyan ko sa gitna ng daan. I'm in the middle of nowhere. Mangilan ngilan nalang ang dumadaan na sasakyan at napapalibutan kami ng mga puno sa gilid ng daan.

Reaching The Lines (Racing Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon