CHAPTER 28

53 1 0
                                    

Sa kagustuhan ko mang gawing pribado ang tungkol sa pagkawala ni Mommy, naging imposible ito dahil sa media. Everyone knows now what happened to my mother.

But still naging private naman ang naging burol kaya closed family and some friends lang ang nakadalo. It was the third day of mourning. Naroon lahat ng kamag-anak ni Mommy.

Most of them were Chinese. Maski relatives ni Dad ay nakita kong dumalo. Sinasalubong ko lang sila pero after that ay umuuwi na rin ako sa mansyon. I know Mom will understand me.

Wala akong ganang makihalubilo sa kanila dahil alam kong mas lalo lang nila papalalain yung nararamdaman ko. They will asked so many questions about my Mom.

Especially now that they already know na kilala na ako sa larangan ng pagkakarera. Baka kapag may nagtrigger ng emotions ko ay masira ko pa ang burol ng aking Ina.

"Van, kumain kana. Nagpaluto si Kuya Miguel mo kay Manang Eden. Tara?" masuyong aya sakin ni Xena, I'm with Lana too.

All of my friends already know what happened between me and Elias. Nirerespeto nila yung kagustuhan kong magkaroon muna ng time para makapag-luksa kaya dalawa lang ngayon ang napili kong samahan ako.

"Ayoko." yun na lamang ang nasambit ko na agad niya namang ikinatango, she knows that I don't want someone to forced me.

"Okay, if you need anything nandito lang kami ha?" sabi niya bago ngumiti at halata rin ang lungkot sa kanyang mga mata.

Even their parents felt devastated too about what happened. Kahit busy sila sa kanya kanyang trabaho ay araw araw silang dumadalo sa burol ni Mommy.

They also tried to talked and asked about some things to me but tipid lang lahat ng naging sagot ko.

Hindi na ako nagsalita at mas piniling tumulala sa kawalan. Ramdam ko pa ang paghaplos ni Lana sa buhok ko, pininipilit iparamdam na hindi ako nag iisa sa mga pagkakataong ito.

Nagsabi ako sa kanila na gusto ko munang mapag-isa, agad naman nila itong nirespeto at hinayaan akong umakyat sa taas.

Dumiretso ako saking kwarto na siyang binabalot ng dilim at doon muling binuhos ang ikinukubli kong emosyon. Pagod na pagod na ako kakaiyak. Hindi ko alam kung kailan ito matatapos.

Sobrang kalat na rin ng kwarto ko dahil hindi ko na ito nagawang linisan. Some of the maids here tried to clean it but I refused.

Marami ding dumarating na notifications sa phone ko, pilit pinaparating ng ibang sumusubaybay sa akin bilang racer ang kanilang pakikidalamhati.

Naging car racer nga ako, nagawa ko nga ang gusto ko, pero wala naman na si Mommy. Kaya kahit ganito na ako ay hindi ko maramdamang buo ang pagkatao ko.

Yes, I still have my brothers, friends and some supporters, but it hits different when your mother was there every step of your way.

Dahil na rin sa pag-iyak at sobrang pag-iisip ko ay nakatulog na ako, dala na rin ng emotional stress na patuloy kong nararamdaman.

Until I found myself again going to my mother's fourth day of mourning, and my very good father was here again, standing alone near the coffin.

Gusto ko siyang ipagtabuyan pero ayokong ipahiya ang sarili ko at gumawa ng eskandalo dito. Respeto nalang din sa pagkawala ni Mommy.

Reaching The Lines (Racing Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon