CHAPTER 29

52 1 0
                                    

"Taray, may latin honors! Vanessa Cum Laude yarn?!" inaasar ako ngayon ni Xena na siyang dumalo sa graduation ko.

"Hindi ko rin naman ineexpect, gusto mo sayo nalang?" pabalang kong sagot na siyang ikinairap niya.

"Magkakaroon din ako niyan! One year nalang, putek na Architecture 'yan, limang taon amputa." nakanguso pa siya at mukhang hindi na makapaghintay na makagraduate.

"Winter, let's go? Mamayang gabi na yung flight niyo." sabi ni Kuya Miguel na kaagad ko namang tinanguan, sasabay na rin si Xena sa sasakyan.

Sila Divine at Ange naman ay kapwa kasabay kong nagtapos sa UE, kanina pa rin nakaalis dahil may family celebration sila. Pati si Lana na hindi ko agad nakita after ng ceremony.

Kaya hindi rin ako agad nakaalis ay kung sino sino pang lumapit sakin para magpapicture. Kahit yung mga dumalong officials sa graduation namin ay nagawa pang makipagselfie.

Nakikita raw nila ako sa ganito ganyan kaya tuwang tuwa naman sila nang masilayan ako sa personal. Well I am happy too because they're watching my racing, supporting me silently.

Naglalakad na kami palabas ng venue nang makita ko si Steven...may katabi siyang bata! Oh God, anong bagong plot twist na naman itong nakikita ko?

"Steven!" tawag ni Xena ngunit natigilan rin siya dahil sa batang babae na nakahawak sa kamay nito ngayon, lumapit kami sa kanya.

"Kapatid mo?!" natutuwang tanong ni Xena at saka bumaba para kausapin ito, natulala nalang din ako habang pinagmamasdan yung bata.

"Hello po." bati nito gamit ang kanyang maliit na boses.

Habang si Kuya Miguel ay pinapanood lang din ang eksena namin ngayon dito.

"Cute cute mo naman! Sigurado ako na maraming magkakagusto sayo paglaki mo!" kinurot ko naman bahagya si Xena dahil sa sinabi niya, natawa nalang yung bata sa amin.

"She's too young for that you crazy." sabi ko pa at napaiwas ng tingin, doon nahagip ng mata ko si Lana with her parents.

Smiling widely while walking towards our spot.

"Scarlett my baby!" bahagya pa akong napaatras nang marinig ko yun, si Xena ay naguluhan dahil rin sa kanyang narinig, wala tuloy sa sarili ang gaga nang tumabi sakin.

Nakita ko kung paano yakapin ni Lana yung bata habang bitbit na ni Steven ang dala nitong bouquet at bag. What the fuck?

"Hello po, Tita." bati ni Kuya Miguel na siyang nakipagbeso saglit sa parents ni Lana, ganun rin ang ginawa ko pati ni Xena.

"Where's Cedrick?" tanong ni Tito Lorenzo kay Kuya.

"Oh uhm nasa Taguig po, inaasikaso yung studio niya kaya hindi nakaattend ngayon. Though we'll see each other later pagkaalis po dito." napatango naman sila sa sinagot ng kapatid ko.

Napatingin na ako ulit kay Lana at Steven na ramdam kong may sasabihin sa amin. Hindi parin nakakapagsalita si Xena dahil na rin siguro sa gulat.

"Uhm..." napatingin pa si Lana sa magulang niya na para bang hinihintay ang go signal nito na magsalita samin.

"Alright, okay this is it." she smiled, still holding the little child with her hands.

"Meet Scarlett Vena, our daughter." nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi, what?!

"P-Paano? A-Anak niyo? Totoo ba?! Hindi, oh my g! Oh my g!" napapikit nalang ako sa naging reaksyon ni Xena, hindi rin naman ako makapaniwala na may anak na pala si Lana at Steven!

"I know you guys were curious about us...long story but the ending is this." sagot ni Steven saka ginawaran ng halik sa ulo yung bata.

Bahagya pa akong naluha nang makita si Lana na tuwang tuwa dahil wala na siyang itatago samin. They're finally free too.

Reaching The Lines (Racing Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon