CHAPTER 38

49 1 0
                                    

"Iilang buwan kalang nanatili rito, tapos ngayon aalis kana naman!" maluha luha pa talaga si Xena, still my iyakin na kaibigan.

"Pwede bang dito kana lang for good Van? Magseselos na talaga ako sayo kasi kahit tulog 'yan, pangalan mo ang tinatawag." Adriel said, ako naman itong si natawa at tinapik ang balikat niya.

"Cause I'm her original jowa, you already know that in the first place." sagot ko pa bago kinindatan si Xena, lalo pa itong yumakap sakin.

"Uwian mo lang ng lambo itong anak ko ha? Huwag kana lang bumalik dito kung wala kang dala." dahil hindi ko mahampas si Kenjie ay si Jaslene ang gumawa nito para sakin kahit bitbit pa ng loko ang kanilang anak.

I just stick my tongue outside para lalo siyang asarin. Sila sila lang kasi ang naghatid sakin sa airport dahil merong mga agenda today ang iba, naiintindihan ko naman saka they're not obligated naman to be with me during my departure.

Nakapagpaalam naman ako sa kanila last night after naming manggaling sa Baguio just to spend a time with me. Doon kami nag lunch and dinner kaya sulit na sulit ang biyahe back and forth even though pagod.

"Anak, bumalik ka ulit dito ha? I can't wait to spend my remaining years with you." sinamaan ko naman ng tingin si Daddy dahil hindi ko nagugustuhan ang kanyang sinasabi.

"Dad, I'll be back again okay? Don't talk like that. Just promise me that you'll take care of my sister." I'm pertaining to Emiliana, may pasok din kasi yun at kahit gusto niya akong ihatid dito ay hindi ko siya pinayagang umabsent sa kanyang klase ngayon.

While Tita Lou, still busy on her tapings. Sila Kuya Cedrick at Kuya Miguel naman ay hindi na rin ako nagawang ihatid dahil kapwa sila may business agenda. Well it's totally fine naman dahil nagsasawa na ako sa pagmumukha nila.

Napatingin naman ako kay Elias na nakatitig lang sakin ngayon. As if he's struggling to see me leaving again the country. Ilang beses ko naman nang ipinaliwanag 'yon sa kanya.

Bumitaw na si Xena kaya malaya siyang lumapit para yakapin ako. Mahigpit ang mga yapos niya na para bang tahimik na sabihing manatili nalang ako sa tabi niya.

"I love you. See you soon." sabi ko pa sa kanya.

"I love you too. I'll be with you next year my babe, okay?" he whispered while caressing my back.

Napatango naman ako at tinatapik din ang kanyang likuran. Nang magkahiwalay ay hindi na ako nahiyang gawaran siya ng halik sa labi. Syempre nangibabaw na dun ang reaksyon ni Kenjie na akala mo ay hindi Tatay.

"Mabuhay ang bagong kasal!" talagang isinigaw niya 'yon kahit nasa public place kami, tapat pa talaga mismo ng entrance nitong airport!

Ako nalang ang nahiya sa mga taong napatingin kahit na sanay naman na ako sa maraming tao, gagong Kenjie!

Nagpalakpakan sila ni Xena kaya nang magkaroon ako ng pagkakataon ay binatukan ko na siya bilang ganti. Ngumiti lang ako ng peke kay Adriel na siyang inaalo ang kanyang asawa ngayon.

"Sige na anak, 2 hours nalang before your flight. Baka mahuli kapa." paalala ni Dad kaya siya naman ang huling ginawaran ko ng mahigpit na yakap.

Nang makapagpaalam na ako nang maayos ay sinuot ko na yung shades ko bago tumalikod at tinulak yung trolley na naglalaman ng mga dala kong maleta. I can sense all of their eyes in my back.

Napalunok ako at kahit labag sa kalooban kong hindi lumingon ay hindi ko na ginawa pa dahil baka bigla akong tumakbo panalik sa kanila. It's not freaking easy to leave them all over again.

Habang naghihintay ng flight ko sa loob ay may mga nakakilala pa sakin, especially yung mga airport staffs kaya nagcause pa talaga sila ng crowd dito makapagpapicture lang sakin.

Reaching The Lines (Racing Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon