You're Worth to Wait and Pursue 3

20 2 0
                                    

Blue's POV

"Humayo kayo at ihayag ang salita ng Diyos." Sabi ng pari.

"Sabay na kayo sa amin tita papunta sa bahay." Sabi ko kay Tita Melissa habang kasabay ko siyang naglalakad nauuna kasi sila Hazel at Hamia ang nakababatang kapatid nitong babae.

"Pwede naman na sumakay kami ng tricycle papunta sa inyo." Sabi niya sa akin.

"Gagastos pa po kayo ng pamasahe tita." Sabi ko sa kaniya. "Tsaka ayos lang naman sa akin. Hindi na po kayo bago sa amin."

"Baka gusto mo lang makasama si Hazel." Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya at nakangiti lang itong nakatingin sa akin.

"Po?" Tanong ko.

"Hay nako Blue, kilala na kita mula sa pagkabata mo. Halata ko sa mga tingin at aksyon mo." Sabi niya at tinapik ako sa likod.

"Hindi masamang umibig Blue pero alam mo naman ang sitwasyon ni Hazel ngayon. Marami ring mga salita ang iba, ayoko lang na masaktan ang anak ko. Hindi ko nilalayo si Hazel o sinasabihan kang pigilan ang damdamin mo. Naiintindihan mo naman siguro ako Blue bilang isang ina." Mahabang plaiwanag niya sa akin at naiintindihan ko naman.

"Naiintindihan ko po kayo tita at kung ano man ang sinasabi ng iba ay wala akong pakialam sa kanila. What's important to me is that both of us are fine and happy. I am willing to wait for her tita and also I want her to achieve her dreams. All I want is to be by her side while chasing them." Sagot ko kay tita. May mga naririnig kasi ako na mga chismis pero they are not to entertain.

Palabas kami mula sa simbahan ng biglang huminto sila Hazel.

"Jiezel?" Rinig kong sabi ni Hazel.

"Hazel." Sabi ni Jiezel at yumakap kay Hazel.

"Kailan ka pa nakarating?" Kita ko ang tuwa at gulat sa mukha ni Hazel.

"Kahapon lang." Sagot ni Jiezel at ngumiti saka napatingin sa amin.

"Hello po tita Melissa." Bati niya at niyakap si tita.

"Mabuti naman at dito sa simbahan ang tungo mo pagka-uwi dito sa ating bayan." Sabi ni tita at ngumiti.

"Opo naman tita. Hindi ko pa rin nalilimutan ang mga turo sa akin." Sagot ni Jiezel.

"Hello Blue." Bati niya ng mapansin ako.

"Hi." Bati ko pabalik sa kaniya.

"Kuya Blue, tara na nauna na sila mama. Naghihintay si Kuya Renz sa sasakyan."Singit ni Mitz sa usapan namin ng makapasok sa simbahan galing sa labas.

"Oh! Hi ate Jiezel." Medyo gulat at bati niya sa kasama namin ng mapansin ito.

"Hello Mitz." Bati ni Jiezel pabalik.

"Sakto, sama ka sa amin sa bahay birthday ni Kuya Blue." Aya ni Mitz, wow siya ata may birthday lakas makaaya.

"Ah ganon ba? Ayos lang ba na sumama ako?" Tanong niya at tumingin sa akin.

"Oo naman." Sagot ko.

"Tara na." Sabi ni Mitz. Pumunta na kami kung nasaan ang van. Naunang pumasok sa sasakyan sila tita Melissa.

"Pasok ka." Sabi ni Jiezel kay Hazel.

"Maiwan si Hazel. Sasakay kami sa motor ko, puno naman na kayo." Sabi ko sa kanila.

"Asus naman." Sabi ni Mitz at natatawa.

Pumasok na si Mitz saka si Jiezel sa van ay nauna sila.

"Oh." Sabi ko at inabot kay Hazel ang motor.

Captivated Hearts Where stories live. Discover now