You're Worth To Wait And Pursue 2

13 3 0
                                    

Blue's POV

"Wala na po bang bawas ito?" Napansin ko agad si Hazel na bumibili ng shrimps sa palengke. Dumaan kasi ako sa kanila pero wala siya nandito raw kaya dito na ako tumuloy.

"Wala na ho talaga eh." Sagot ng nagbebenta.

"Ate baka naman may discount ang kaibigan ko na ito." Singit ko sa usapan at ngumiti sabay kindat sa nagbebenta.

"Wala na po kasing bawas- Sige na ho pagbigyan niyo na itong kaibigan ko. Paborito pa man din niya iyan." Pakiki-usap ko ulit at ngumiti ng kay tamis.

"Sige na nga." Sukong sabi ng babae.

"Salamat ho." Pasasalamat ni Hazel at nakangiting kinuha ang half kilo ng shrimps. Umalis na kami doon at naglakad.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Pumunta ako sa bahay niyo kaso wala ka. Sabi ni Hachie andito ka raw." Sagot ko sa kaniya.

"Nakakadiri ka kanina." Sabi niya at kunwari nasusuka.

"Anong kadiri ka diyan. Ang gwapo ko kaya kanina tingnan mo napa-oo ko si ateng nagbebenta." Confident na sabi ko at ngumiti.

"Bakit mo ako hinahanap?" Tanong niya at huminto kami sa bilihan ng gulay.

"Imbitahan sana kita bukas pagkatapos ng misa." Sabi ko habang pinapanood siyang bumili.

"Anong meron bukas?" Tanong niya.

"Ang aking puso!Grabe ka na sa akin parang hindi mo ako kaibigan." Kunwari nagtatampong sabi ko sa kaniya.

"Alam kong kaarawan mo bukas. Special ka?" Tanong niya at kukunin sana ang pinamili niya pero inunahan ko.

"Ako na." I volunteered myself.

"May handaan bukas sa bahay punta ka ah." Aya ko sa kaniya.

"Okay." Sagot niya.

"Paanong okay?" Tanong ko. Ang complicated ng okay niya parang pupunta na hindi.

"Okay." Sagot niya ulit.

"Hazel." Sambit ko sa pangalan niya.

"May gagawin ka mamayang hapon?" Tanong niya at tumingin sa akin.

"Wala naman bakit?" Tanong ko.

"Punta ka sa bahay." Sabi niya habang naglalakad kami palabas ng market at pumara siya ng tricycle.

"Akin na." Sabi niya at kinuha ang pinamili niyang hawak ko.

"Anong oras?" Tanong ko.

"Ikaw bahala basta makapunta ka ng hapon." Sagot niya at ngumiti.

"Alis na ako ah." Paalam niya at sumakay sa tricycle.

Umuwi na ako sa bahay at naabutan ko si lolo sa may teresang umiinom ng kape at nagbabasa.

"Kamusta apo?" Tanong niya. Alam niya kasi na may gusto ako kay Hazel. Halos lahat na ata sila dito sa bahay pero walang nagsasabi kasi binantaan ko, joke lang.

"Punta raw ako sa kanila lolo mamayang hapon. Hindi ko alam kung anong oras at kung bakit nga eh." Kwento ko at umupo sa sofa.

"Punta ka mamayang banda alas kwatro." Sabi niya sa akin.

"Bakit naman po?" Takang tanong ko.

"Sundin mo nalang ako." Sabi ni lolo kaya tumango ako.

"Nga pala naimbitahan mo na siya para bukas?" Tanong niya at ibinaba ang binabasa niya.

Captivated Hearts Where stories live. Discover now