She is Something 1

19 3 0
                                    

Inigo's POV

"Everyone please fall in line so we can proceed for our morning rights." The principal announced. Hinanap ko kung saan ako lilinya at saktong nakita ko ang kaibigan ko.

"Dito ang linya natin na G11-STEM A. Mabuti at naka-abot ka sa flag ceremony, akala ko bukas ka papasok." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Bukas sana ako papasok kaso nakalipat kami ng maaga kaya pumasok na ako." Sagot ko sa kaniya. Lumipat kasi kami dito sa isang municipality since naging permanent si dad dito bilang isang civil engineer.

"Tour kita mamaya." Sabi niya sa akin kaya tumango ako at itinuon na namin ang aming atensiyon sa harapan. Matapos ang morning rites ay announcing of honors. Pinanood ko ang mga estudyante na pumupunta sa harap hanggang sa tawagin ang top 1 sa buong grade 11.

"For our top 1 is from Grade 11 STEM A, with highest honor Ms. Aliza Salvador with an average of 97.35%." Announce ng guro. Napatingin ako sa babae na galing sa katabi naming linya. Ang seryoso ng mukha at the same time ay inosente kung tingnan.

"Natalo niya si Liezle,hanep." Sabi ng kabigan ko na nasa harapan. Mataas ang lamang niya nga sa top 2 na may 94% na average.

"Bakit?" I asked.

"Si Liezle ang top 1 nung midterms, kaklase rin lang natin." Sagot niya kaya tumango ako. Sakto lang ang paglipat ko kasi katatapos lang din ng midterms namin sa dati kong pinapasukan na school. Saktong finals na ngayong first semester.

Pagkatapos ng announcing of honors ay pumasok na kami sa aming klase. Sa tabi ng kaibigan ko ako umupo malapit sa likod.

"Good morning class." Bati ng una naming teacher.

"I notice an unfamiliar face here." She said and look at my direction.

"Can you please stand up and introduce yourself?" She said and smile. Tumayo ako at pumunta sa harapan, my attention landed to the woman naming Aliza and she is reading a book. She is sitting alone at the back.

"Good morning everyone. I am Inigo Manuel. I am not from here, we just transferred last week because of my dad's work. I hope we can get along with each other." I introduced myself and smile.

"Single?" I heard someone asked from the back that's why I chuckle.

"But not ready to mingle." I answered. My eyes landed on Aliza again pero parang wala siyang pakialam sa paligid niya. May sariling mundo ata.

"Welcome to the class Mr. Manuel and I am Lineth Delos Santos your teacher in General Biology and also your class adviser. I know you will get along with your classmates." Our teacher said and smile.

Bumalik na ako sa upuan ko at nakinig sa klase.

"Inigo tara mag-try out sa basketball." Aya sa akin ni Jeff since dismissal na namin.

"May basketball team kayo dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo naman." Sagot niya sa akin.

Sumama ako sa kaniya at pumunta sa closed gym ng school. Mabuti nalang at nakakagalaw ako sa suot ko ngayon.

"Napagdesisyonan na namin ang kukunin namin for our school basketball team." Anunsiyo ng coach at nagsimulang magbanggit ng pangalan.

"Mr. Jeffrey Reyes." Tawag sa pangalan ng kabigan ko.

"Mr. Inigo Manuel." Banggit sa pangalan ko kaya pumunta ako sa kung saan nakatayo ang kaibigan ko.

Pagkatapos mamili ay sinabihan kami na may ensayo daw bukas.

Paglabas namin sa gate ng school ay napansin ko si Aliza na naglalakad mag-isa.

"Una na ako Inigo. Bukas ulit." Paalam ni Jeff. Naglakad na ako papunta sa paradahan ng tricycle para makauwi. Papasok sana ako sa tricycle ng mapansin ko si Aliza na nakaupo na sa loob. Umupo ako sa tabi niya at saktong may mga estudyante pang dumating kaya umandar na ang tricycle. Pareho pala kami ng barangay na inuuwian.

Captivated Hearts Where stories live. Discover now