Chapter 4

258 6 0
                                    


CAITLIN POV


Pagkauwi ko sa amin, napaisip ako sa tinakbo ng araw ko. Nakakagalak naman na di na puro si Riri lang ang inaatupag ko. Kahit papano nakakatulong na may nakakasama akong ibang tao na gaya ni Bea na kapatid ng taong gusto ko. Weird nakakatulong nga ba talaga? Napapikit ako sa pagod pero sarap pala marinig yun kasi first time may nagsabi sakin na I have a nice personality.



Sa office nila Riri ay may diskusyon tungkol sa paghahanap nila ng gaganap bilang Brienne of Tarth na magiging focus ng Game of Thrones na larong irerelease nila.


"Ang astig talaga ni Brienne pero san tayo hahanap ng ganito katangkad na tao?" Pakli ni Deanna.


Napatingin sila Deanna at Eya kay Riri. Pero agad namang sumabat si Manager Ces.


"Alam ko na iniisip niyo nagcross din sa utak ko yan. Bagay naman talaga  sa height ni Riri pero understaffed tayo ngayon at sa makalawa kailangan ko pa lumipad ng ibang bansa. Kaya kakailanganin natin ng ibang model."


"May kilala ako. Abot kamay pa natin. Yung kapatid ko matangkad siya 5'11" at may experience sa modeling." Dali daling pinakita ni Riri ang picture ng kapatid niya.


"Oh wow bagay nga sa kanya Riri iba din talaga genes niyo a. Not to mention very masc pa ang appeal niya." Hirit pa ni Eya.


"Kung decided na tayo tawagan ko na para iask kung pwede siya." Pagkatawag ni Riri ay nagsabi itong pag-iisipan muna at paniguradong matao sa venue bagay na hindi komportable ito.



First day of work ko ngayon dito na pala ako nagwowork sa company nila Riri. At speaking of the devil nagkasalubong pa kami.


"Hey! Caitlin congrats natanggap ka sabi ko naman sayo pasok ka dito e. Nga pala gusto mo ba magcelebrate mamaya?"


Wow ano kayang nakain nito bigla akong napansin. Tatanggi pa ba ko kung palay na ang lumalapit sa manok. "Sure kita kits after work."


Bago pa kami naghiwalay ng landas ni Riri ay nakatanggap ako ng message galing kay Bea.


"Cait kumakain na ko." Nagsend pa ito ng pic ng pagkain niya. Ang sweet talaga ng kapatid ni Riri mukhang natandaan nito yung bilin ko sa kanya.


"Good kain ka ng madami diyan. Pakabusog ka." Reply ko naman agad dito.


"Btw, free ka ba tonight? Gusto ko sana humingi ng advice sayo." Hirit pa ni Bea.


Napatingin ako sa papaalis na Riri at sa message ni Bea. Bakit conflicted yung feeling ko.


"Uh Riri pwede ba magrain check  sa invite mo? Nakalimutan ko may need pala kong asikasuhin mamaya."


"Sure Cait no problem. I'll see you around."


Sa resto na kami nagkita ni Bea, nacurious ako ano naman ang ihihingi niya ng advice sa akin.


"Bale Cait nag-offer sakin yung company ni kuya ng trabaho sa game launching event nila pero di ko sure if tatanggapin ko."


"Gusto mo ba ng say ko kung dapat tanggapin mo? I mean if nag-aalangan ka I don't think you should."


"Di naman sa ayaw ko, gusto ko rin naman. Pero kasi medyo clumsy ako at mahiyain sa crowd. Ayoko naman mapahiya si ate sakin."


"If that's the case, sundin mo kung ano yung nasa puso mo lahat naman e nadadapa at some point."


"Di mo naitatanong nabigyan na ko dati ng modeling job sa runway pero di ko kinaya yung mga tingin ng tao. I just froze on the spot. Kilala yung sponsor ng event kaya naging matumal na yung offers sakin after nun."


Napaisip ako pano ko ba sasabihin ng di masasaktan si Bea. Baby girl pa naman siya ni Riri medyo sensitive and parang di ko rin naman ata kaya siyang ganunin.


"Hala di pala biro to. Pero kasi Bea bata ka pa naman madami ka pang maeexperience kaya wag mo masyadong ipressure yung sarili mo. If tingin mo di ka pa ready wag mo pilitin."


"I think you're right. Di ko na siguro tatanggapin. Sorry pala tinawagan kita ng walang abiso."


"Ano ka ba wala yun friends naman na tayo diba? Isa pa di ko nga alam kung nakatulong ba yung mga pinagsasabi ko."


Nagpaalam na kami sa isa't isa pero parang ang bigat ng mga paa ko habang binabagtas ang daan pauwi. Tama ba yung pinagsasabi ko bakit feeling ko mali. Parang hindi niya ko tinawag para humingi ng advice. Parang gusto niya ng encouragement galing sakin. Gosh what did I do?


Nagtatakbo ako pabalik hoping maaabutan ko pa siya at buti naman naabutan ko pa naglalakad siya habang bagsak ang ulo haay Bei. Hinablot ko ang braso nito para pigilan siya sa paglalakad habang naghahabol ako ng hininga.


"Cait anong ginagawa mo dito okay ka lang ba?"


"Bea tanggapin mo kakayanin mo yun. Dito lang ako sa likod mo promise."


"I'm sorry natatakot kasi ko masaktan ka pero gusto ko gawin mo yung nasa puso mo kung san ka magiging masaya."


Nakatitig lang ito sa akin. Mali na naman ba pinagsasabi ko bakit di siya kumikibo. "Bei say something."


Naramdaman ko na lang na binalot ako ng mga bisig nito. "Thank you Cait, that means a lot to me." 


Nang mga panahong yun di ko mawari bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.


=========================================

AN: May kumakalat pa lang pic ano hehe parang may threat char hahaha. Anyway, abangan na lang natin ang mga susunod na mga kabanata hahaha. Nga pala first time ko itatry yung scheduled publishing. Tapos na tong story na to itatype ko na lahat this will run for 8 chapters including an epilogue as I will be really busy tomorrow onwards. If I get the time soon I will be publishing one shots every now and then. Sabay sabay na lang tayo manood mga team bahay on the 24th sa laban ng F3 at Creamline.



I'm Not My SisterWhere stories live. Discover now