CAITLIN POV
Nagulat ako ng papalapit si Bea sa akin sa kama ko habang hinuhubad ang damit nito. "Sigurado ka ba Cait na gusto mo to? Kasi ako gustung gusto ko." Para namang hindi makahindi ang katawan ko habang napaurong at napahiga pa ako sa kama at unti unting dumadagan si Bea sa akin at akmang hahagkan ang mga labi ko. Pero napabalikwas ako ng marinig ko ang malakas na alarm. Shocks need ko na pala pumasok sa work. Panaginip lang pala nakakaloka.
Papunta na ko sa office ng may namataan akong pamilyar na tao sa di kalayuan pero nawala din agad ito kaya di ko na lang masyadong inisip. Gumagawa na sila ng assignment namin para sa papalapit na game launching event.
RIRI POV
Nakareceive ng message si Bea kay Caitlin.
"Bei tinanggap mo ba yung cosplay event? I swear parang nakita kita kanina."
"Nope pass muna." Reply nito kay Caitlin.
"I told Cait na hindi ko tinanggap yung sa cosplay. Please don't tell her gusto ko siyang surpresahin. May gusto sana ko itanong sayo ate."
"Ano yun bunso?"
"Paano mo ba tinrato si Caitlin nung una kayong nagkakilala?"
"Same sa ibang kaibigan kong babae."
"Talaga ba?"
"Oo ano ba ineexpect mo?"
"Pero sinabi niya na sobrang bait mo daw sa kanya."
"That's too bad then if malaman niya." Bulong ni Bea sa sarili.
Bakit naman biglang nagtatanong ng mga ganitong bagay si Bea sakin. Come to think of it last time may tinatago siyang babae sakin. Maybe ito na ang oras na makiusyoso sa buhay ng kapatid ko grabe di na baby ang kapatid ko ang bilis naman ng panahon.
"Nga pala Bei nung umuwi ako one time sino yung tinago mo sa damit mo?"
"Oh nakita mo pala yun. I thought I did well sa pagtago."
Kahit sinong may mata mapapansin yun. Pinili ko lang magpatay malisya that time para di mapahiya si Bea at masaktan.
"I'm glad na may kaibigan ka na."
"Di ko naman kaibigan yun or I'd like to think we can be more."
Napakablunt ng kapatid ko walang paligoy-ligoy. Akala ko introvert siya aba mauuna pa atang magkajowa sakin. Bakit ba kasi di ko alam ano ang status namin ni Ces. Hanggang boss and employee lang ba kami who fuck around?
"Wala ka bang balak ipakilala sa ate mo?"
"Ayaw niya ipasabi sayo. In fact, nagpunta na siya ng dalawang beses para sayo." Napansin kong nagbago ang mood ng kapatid ko pagkasabi niya nun. Tila nababalot ng lungkot.
"Teka Bei naalala ko tinatrato ko si Cait gaya ng pagtrato ko sayo. When I think about it, nakikita kita sa kanya."
"So tingin mo may similarities kami?"
