BEA POV
Nakita ko si Caitlin na lumabas ng clinic. Wait parang umiiyak siya. Ang stupid ko kasi nagpahabol pa ko then narinig ko may malakas na tunog ng bumagsak na tao. Paglingon ko nagbanggaan sila nung manager. Sumunod ako sa labas ng clinic at nagtanggal na ng helmet sobrang init din nito tutal di naman na matao banda dito. Pero nahihiya ako kay Caitlin na pumasok sa loob lalo na nung nakita ko si ate Riri na dali dali sa clinic kaya inintay ko na lang si Caitlin sa labas.
Ipinatong ko ang mga kamay sa braso nito at nilingon naman ako nito. Kita ko ang pag-agos ng mga luha nito at unti unti rin akong dinudurog.
"Cait okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Napuruhan ka ba ng husto kanina?"
"Okay lang ako Bea malayo sa bituka to. At hindi ako umiiyak napuwing lang ako."
Pero lalong umagos ang luha pa nito habang nakatitig sa akin.
"Ano bang ginagawa mo dito? Ano bang pakelam mo?" May paghikbing pagdadabog ni Caitlin habang mahinang hinahampas ang armor ko sa dibdib.
Dinala ko ito sa open area hoping na makatulong ang fresh air sa kanya. Bumili din ako ng cold drink.
"Here lagay mo to dito sa side ng face mo para mabawasan ang pamamaga ng mata mo." Dinikit ko ang malamig na soda sa mukha niya at medyo napaigtad pa ito sa lamig pero hinawakan niya din ito habang hawak ko pa yung drink. I mean malamig naman pero para kong nakuryente sa dampi ng palad niya.
"In love ka pa rin pala talaga kay ate Riri."
"Bei hindi sa ganun. I don't think nagselos ako kanina, napaisip lang ako na ang sama ng naiisip ko kay manager pero ambait niya sakin kanina. And the more I think about it ang selfish ko pala kasi gustong gusto kong mainlove for a long while yung ate mo sakin not realizing na wala naman akong maibahagi sa kanya. Laging si Riri lang yung tumutulong sa akin and yet nag-eexpect akong magugustuhan niya ako. Sino ba naman ang magkakagusto sa tulad ko kung ganun."
Minsan di ko alam if maiinis ako sa kanya o maaawa bakit ganun kababa ang tingin niya sa sarili niya. Napukaw ng pansin ko ang sintas niya na natanggal sa pagkakatali kaya lumuhod ako at inayos ito.
"Anong ginagawa mo Bei?"
"Tinali ko lang ng maayos."
"Sinabihan mo na lang sana ako."
"Masakit yung likod mo."
"Ang sweet mo naman here you are sinurpresa mo pa ko. Ikaw pala yung tumutulong sakin magdamag kanina."
"Alam mo Bei hindi ka dapat maging masyadong mabait sa lahat baka makaattract ka ng mga weirdo."
"Weirdo?"
"Uu weirdo, yung mga taong mahilig bigyan ng malisya yung kabutihang ginagawa sa kanila ng ibang tao...gaya ko."
"Ano namang masama Cait kung maging mabuti ako sa isang katulad mo? Kasi ginawa ko naman lahat ng yon dahil gusto kita."
"Huh? Anong sabi mo Bei?" Kita ko yung pagkagulantang sa mukha ni Caitlin.
"Ayoko pa sanang umamin pero mukhang this is the perfect time naman. I really like you Cait."
"Hala ba't ako? Ano bang nakita mo sakin?"
"Probably yung cute face mo or yung pagiging mas maliit mo sakin. Lagi mong sinasabi na mahilig ka sa matangkad pero parang di mo nakikita na may magkakagusto sayo. I find that surprising. You should give yourself some credit. Or siguro naattract ako sa pagiging honest mo sa nararamdaman mo kahit kay ate pa. Or maybe I just like everything about you."
"Pero diba magiging awkward yun para sayo at ate mo?"
"Bakit naman magiging awkward samin Cait baka sayo di kaya?"
"Uhm...if di naman big deal sayo edi ok lang din sakin."
"Anyway, mas gusto ko magthink positive na lang at mas maigi to kilala ka niya madaling humingi ng tips sa panliligaw ko sayo. Anyway, baka abutin pa tayo ng 3 years bago man lang kita maayang makipagdate knowing me." Pagtawa ko sa sarili.
"3 years seryoso ka? Parang antagal naman ata nun."
"Bakit balak mo na ba kong bastedin agad?" Nanlumo naman agad ako dun. Wala man lang bang chance para iprove ko yung sarili ko sa kanya.
"Well kung seryoso ka naman pwede naman nating subukan ng 1 month."
"I will take anything Cait. Better than nothing. Gagawin ko ang best ko para mapasaya ka." Napayakap pa ko ng mahigpit sa kanya sa galak pero di naman siya kumalas kaya tinuloy ko lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/363093806-288-k83001.jpg)