Chapter 6

259 4 0
                                        


CAITLIN POV


Sobrang busy ng preparations namin para sa game launching event tapos hirap pa nito nag-aadjust pa ko sa trabaho ko kaya wala na din akong time makausap pa si Riri sa work. Nagulat ako ng tinawag ako nito.


"Cait company dinner mamaya sama ka?"


"Sige tignan ko." Napasilip ako sa messages ko pero walang paramdam si Bea. Normally araw araw niyang sinesend sakin kung anong pagkain niya. Hinabol ko si Riri.


"Pinapakain mo ba yung kapatid mo?"


"Oo naman hawak niya pa rin yung credit card ko."


Di ko maiwasan mag-alala dun sa tao kahit papano medyo naging close naman na kami lately. Pero tinawag na ko para tapusin yung trabaho sa araw na to kaya di ko na natuloy pa ang pagmu muni-muni.



Dumating na ang game launching event napansin ko yung cosplayer ng Brienne na may helmet na nakatingin sa akin or umaaligid sa akin. Ay di ko pala malalaman na nakatingin pero parang kasi.



BEA POV


Sobrang daming tao sa event buti na lang nakahelmet ako. Sinusundan ko si Caitlin pero nawala siya sa crowd tapos naiinterrupt pa ko ng mga nagpapapicture.


Nakita ko siya namimigay ng flyers kaya tinulungan ko siya. The whole day nagpakabusy lang ako ipagbuhat siya ng gamit, abutan ng inumin at pagkain kasi mukha siyang workaholic parang di nagpapahinga.


Patuloy ko siyang sinusundan pero maya maya pa may tinatawagan na siya ano daw girlfriend?



CAITLIN POV


Ang creepy na talaga nitong feeling knight in shining armor ko. Kanina pa sunod ng sunod I mean naappreciate ko naman yung pagtulong niya kaso...


Tapos isa pa tong si Bea kanina pa ko nagtetext kamusta na siya, kumain na ba pero walang reply. Ano na ba nangyari sa babaeng to?


Napansin ko sumusunod pa rin si knight sa akin hanggang narealize ko ay may kamandag pa pala ko type ata ako nito pero kasi di ko siya bet. Kaya tumawag na lang ako para layuan na ako nito. Sino bang pwede tas si Bea pala ang natawagan ko.


"Ano buhay pa ba ang girlfriend ko wala kang paramdam a." Pagtatalak ko dito kahit wala pang sumasagot sa kabilang linya.


Nagulat ako ng magring yung phone sa pocket ng knight.


"Bea?"


"Hindi ako si Bea." Sabay kumaripas na ito ng takbo may pagkarunner pala ito. Di ko gets bakit niya ko tinatakbuhan e yung boses pa lang alam kong siya na yun.


Sa kakahabol ko sa kanya di ko namalayan sumalpok ako kay manager. Ansakit ng pwet ko sa pagkakatumba. Inabot ni manager yung kamay niya para tulungan ako. Pero nagulat ako nagalusan pala siya sa mukha dahil sa banggaan namin.


"Hala miss Ces I'm sorry di ako tumitingin."


Nagiguilty ako sa sugat niya baka magmarka.


"Miss Ces sabihan mo lang ako if need mo magpasurgery kahit ibenta ko kidneys ko."


"Ano ka ba Caitlin okay lang ako galos lang to. Ikaw nga natumba ka rin e di ka ba nasaktan?"


Bago pa ko nakasagot ay biglang pumasok si Riri sa clinic. Bakas ang sobrang pag-aalala sa mukha nito.


"Manager ok ka lang ba napano ka?" Hinaplos haplos pa ni Riri ang mukha nito at ni hindi niya napansin na andito din ako.

I'm Not My SisterWhere stories live. Discover now