Napabalikwas si Caitlin sa hinihigaan at napatingin sa paligid. Wala siya sa kwarto niya at nagbalik tanaw sa mga nangyari kinagabihan. Hiyang hiya siya kay Bea. Nilingon niya ito sa kabilang kama ngunit wala na ito kaya dali dali siyang lumabas at nagulat ng makita niyang maikli na ang buhok nito.
"Bea anong ginawa mo sa buhok mo?"
Naalala ni Bea na nag-enjoy siya nung huling nagkasama sila ni Caitlin kaya ng magsabi itong pupunta siya ay naisip nito na bumili ng maraming pagkain gamit ang credit card ng ate Riri niya. Nag-effort pa siyang damayan ito pero at the end of the day syempre ate niya pa rin ang pinupunta nito. Di niya maintindihan pero feeling niya ay walang kabuluhan ang pinaggagagawa niya pero ginusto naman niya then so be it. Napagdiskitahan niya na lang ang mahabang buhok niya at ginupit sabay dinismiss na idodonate niya ito para di mag-alala si Caitlin.
"May gusto ka bang breakfast mag-order ako."
"Hala ano ka ba ako nga dapat ang manlibre dahil gusto kong humingi ng tawad sa kahihiyang pinaggagawa ko kagabi."
"Wala yun. Dito lang naman ako for you."
Napangiti si Caitlin dito parang lumukso ang puso ni Bea.
"Ganito na lang Bei tutal kailangan mo din naman ipaayos ng gupit ang buhok mo. Samahan na kita then kain tayo."
"Sakto mamimili din ako ng mga damit para kay ate Riri." Di nakalagpas sa pansin ni Bea na tila lalong ginanahan si Caitlin ng mabanggit niya ang kanyang ate.
BEA POV
Ipinaayos ko muna yung buhok ko sa barbero mas naging boy cut ito tignan pero at least naayos yung mga tagpi tagping pagkagupit ko. Pagkatapos nito ay pinuntahan ko na si Caitlin na nakaupo at inaantay ako panandalian ko itong pinagmasdan at nagtataka pa rin ako bakit nagtyatyaga siya sa taong di naman siya napapansin gayong maganda naman siya for sure madami din namang iba na nagkakagusto sa kanya. Paglapit ko dito ay hiningi ko na ang opinion niya.
"Okay lang ba yung gupit sakin?" Nagworry ako kasi nakatingin lang siya sakin for a while. Balak ko sana bumalik at ipaayos muli pero hinigit ako nito at sinuklian ng ngiti. "Bei sobrang bagay sayo."
Dinala niya na ko sa mga shop ng damit at minodel ko na yung mga damit na napili niya para kay ate sabay binili ko na din lahat gamit ang credit card ni ate.
Habang naglalakad kami napansin ko na maraming tumitingin sa direksyon namin, karamihan sa mga iyon ay babae. Tapos may lumapit talaga at nag-abot pa nga ng calling card na modeling agency. Sabi ko naman oo model ako pero may agency na ako.
Mukhang nacurious si Caitlin nung naglunch na kami. Dami niyang tanong about sa pagmomodel ko kaya pinakita ko yung isa sa mga naging photoshoot namin as a group.
"Bei ang tangkad mo talaga kumpara sa mga kasama mo. Pero alam mo ikaw yung pinakapansinin."
