CHAPTER 27

185 10 2
                                    

"Kay aga-aga vlad at ganyan ang mukha mo!" Inirapan ko ang baklang maarteng umupo sa sofa habang may subo-subong tinapay na dala ko.

"Nako! Vlad ha! Wag mo akong irapan kay aga-aga!"

"Tumahimik ka nga diyan Drey! Kay aga-aga sinisira mo araw ko!" Sabi ko sabay ikot sa mga mata ko. Kita ko naman siyang umirap saakin kaya hindi ko na siya pinansin pa at pinapatuloy nalang ang pagbalot sa ginawa kong poto.

"Pero bruha? Pwedi ko bang isama ang kambal mamaya?" Paalam nito na agad ko namang inilingan.

"Segi na vlad! Ibabalik ko rin naman yang mga anak mo pagsapit nang alas 3 nang hapon!"

"Alas 8 palang nang umaga drey at isasama mo ang mga anak ko? Tapos alas 3 pa nang hapon mo e susuli? Hindi pwedi." Maldita kong tanggi.

"Ngayon lang naman vlad! Alam mo naman na may kasiyahan ngayon hanggang gabi! Kahit ngayon lang, pangako babantayan ko sila." Sabi pa nito sabay nyang idinikit ang kanang dalawang palad habang nagmamakaawang tumingin saakin.

"Bakit ba? Alam mo namang ilag sa mga tao ang kambal! Kaya hindi. Lalo na si Ian hindi iyon papayag." Sabi ko sabay hinga nang malalim.

Totoo naman kasing hindi mahilig lumabas sa bahay yang kambal dahil ilag iyan sa mga tao! Sa totoo nga niyan ay sa dalawang taon naming nakatira sa lugar na ito halos tatlo o limang besis lang naka labas ang mga bata sa bahay! Lalo na si ian! Lumalabas lang yan kapag nagyaya akong mamasyal. At napipilitan pang sumama!

"Wag mag aalala bruha dahil nasabihan ko na ang kambal!" Nakangiti nitong ani kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya gamit ang naniningkit na mga mata.

"Pumayag sila?" Taas kilay kong tanong kita ko naman ang tango nito.

"Galak na galak nga ang dalawa! Kaya payagan mo na!"

Huminga mona ako nang malalim.

"Bantayan mong mabuti ang kambal kapag may nangyaring masama sa mga bata. Malalagot ka talaga saakin." Seryso kong sabi nito kita ko naman ang pagliwanag sa mata nito bago ngumiti nang malawak na kina ikot nang mata ko.

Tinapos ko nalang ang pagbalot ko sa pagkain na dadalhin ko. Balak kong lumuwas sa kabilang bayan para bisitahin ang isang taong tumulong saakin noon. Kaya agad akong nagtungo sa banyo para maligo para makaalis na. Pagkatapos kong maligo agad akong nagbihis nang white long sleeve and black slacks with a pair of black boots. Pinatungan ko rin nang black corset ang aking puting long sleeve.

"O? Bat ganyan ang ayos mo? Saan ka pupunta?" Nagtataka nitong tanong nang makita akong lumabas sa kwarto na bihis na bihis.

"Bakit? May mali ba sa suot ko?" Takang tanong ko bago tumingin sa suot ko.

"Baliw ka ba? Ba't ganyang suot mo? Ano ka lalaki? Mangangaso? Rebelde?" Sarkristo nitong tanong na kinaikot nang mata ko.

"Mas maganda tignan kong ganito suot ko." Sabi ko nalang. Kita ko namang pagngiwi nito.

Ito kasi ang unang besis na magsuot nang ganitong damit. I always wear dress kasi kaya siguro naninibago siya at isa pa hindi daw kuno nababagay sa isang babae na magdamit lalaki. Pero anong magagawa nila? E kay tagal ko nang gustong magsuot nang ganito!

"O sya tahimik ka na! Ibibilin ko nalang ang mga bata dito. Susunod ako sa inyo mamaya, magkita nalang tayo sa tindahan ni aling Helen." Bilin ko na nito.

Naglakad ako patungo sa kwarto nang mga bata, pagpasok ko nadatnan ko ang anak ko silang naka upo sa sofa at may kanya-kanyang hawak na libro. Nabuntong hininga nalang ako.

'mag kambal nga talaga.'

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila kaya sabay naman silang napaangat nang tingin saakin at agad na binitawan ang librong hawak nila sabay lapit saakin habang naka ngiti.

The Untitled Book Where stories live. Discover now